You are on page 1of 2

"Hindi pa ako mamamatay"- Vice Gov Diel

KORONADAL CITY- TIKOM ang bibig ni South Cotabato Governor Cecil Diels a
kanyang pagbabalik sa regular session ng Sangguniang Panlalawigan ng South
Cotabato kasabay ng hindi pagsagot nito sa interview.
Itoy makaraan ng 5 session na hindi ito nakadalo dahil sa diumanoy problema sa
kalusugan nito.
Sinabi pa nito na HINDI pa ito mamamatay.
Kumalat din ang balita na dahilan umano ng kanyang pag-atras sa pagkabisegobernador para sa 2016 ang dahil sa sakit nito.
Tatakbo naman si Board Member Vicente De Jesus na Vice-Governor bilang kahalili
ni Diel.
Hanggang sa ngayon, hindi pa ito nagpapalabas ng pahayag sa tunay na estado ng
karamdaman nito at ang rason sa kanyang pag-atras bilang Vice-Governor.

DOLE 12 nagpaalala na kailangang ibigay ang 13 th month pay bago ang December
24.
KORONADAL CITY- Muling nagpaalala ang DOLE o Department of Labor and
Employment 12 sa mga Private Employers na kailangang ibigay ang 13 th month pay
ng mga mangagawa nito.
Sinabi ni DOLE 12 Regional Director Ofelia Domingo, na dapat maibigay na ang 13 th
month pay bago ang Disyembre 24. Dagdag pa nito na kailangan mabigyan ng 13 th
month pay ang mga rank-and-file employess sa private sector ano man ang
kanilang position sa trabaho.
Kailangang umano na naka 1 month sa pagtatrabaho ang mga empleyado para
makatanggap ang mga ito ng 13th month pay.
Sa monitoring ng kanilang tanggapan na may mga pinagsasabihan silang private
employer dahil hindi tumutupad sa batas o ang PD 851.
Bagamat wala umanong sanction sa mga employer ang hindi pagbibigay ng 13 th
month pay makikita naman ito ng DOLE dahil kabilang parin ito sa assessment at
compliance ng mga kumpanya.
DInagdag pa nito na ang DOLE 12 ang may ginagawang monitoring kung
tumutupad ba ang mga Private employers sa pagbibigay ng 13 th month pay sa mga
empleyado nito, aniya may reporting sa DOLE National Office ang kanilang
tanggapan hinggil dito.

2 katao convicted dahil sa pagbebenta ng mga bawal na paputok sa South Cotabato


KORONADAL CITY- Konbiktado ang dalawa ka tao matapos na nahuli ang mga ito na
nagbebenta ng bawal na mga paputok.
Sinabi ni PSSUPT Jose A. Briones, South Cotabato PNP Provincial Director, na noong
nakaraang taon umabot sa halos 36 na operasyon ang ginawa ng kapulisan laban
sa mga nagbebenta ng bawal na paputok. At nasa 12 naman ang sinampahan ng
kaso sa korte at 1 namang kaso ang dinismissed ng korte.
Ang dalawang convicted na kinilala ni PD Briones ay sina Benok Bentoy and Nene
Timbang mga residente ng Llake Sebu, South Cotabato. Nagpapatyloy naman ang
pagdinig sa iba pang kaso.
Nabatid na umabot sa halos P318,074 thousand ang halaga ng mga paputok na
sinira noong nakaraang taon.
Ngayong buwan, nagsisimula na aniya ang kanilang kampanya laban sa mga may
planong magnesgosyo ng mga bawal na paputok.
Sa datus naman ng IPHO-South Cotabato, umabot sa halos 112 ang naputokan ng
mga paputok sa buong lalawigan.

You might also like