You are on page 1of 9

Magandang tanghali Mindanao Ito ang NDBC Bida Balita ALAS

DOSE tampok ngayong araw ng MARTES, a-UNO unang araw po sa


buwan ng DISYEMBRE, taong 2015. Ako si ------------ at narito ang
mga bidang balita ngayong tanghali

LOCAL NEWS
Koronadal City Ilang High school students mula sa Maltana National
High School ang gumawa ng isang pelikula bilang entry sa National Film
Festival sa pangunguna ng Population Commission.
Sinabi ni Crispy Arves, Adolescent Health and Youth Development Focal
Person, na ang pelikula ang may pamagat na isang Iglap. Ito din ay
nagsisilbing regional entry ng region 12 sa 1st AHYD film festival.
Dagdag din nito ay isang paraan ng commission para mas mailapit sa mga
kabataan ang programa ng gobyerno hinggil sa youth development.
Nabatid na ang Isang Iglap ang sinulat ng mga studyante mula sa
Tampakan, South cotabato. Ito ay isnag storya ng buhay teenagers at
kung paano nila gagawing inspirasyon ang kanilang paghanga sa kapwa.
Ang film festival ang isang paraan para masagot ang mga nangungunang
issue sa ngayon sa mga kabataan katulad ng teenage pregnancy,
abortion, STI at ilan pang uri ng abuso.
------------00000000000000000-----------00000000000000-----------

EMB 12 nagsagawa ng semkinar para sa Alternative Biomass Utilization,


Recycling and Re-use of Waste

KORONADAL CITY- Nagsagawa ng isang seminar sa tulong ng the National Solid


Waste Management Commission (NSWMC), United Nations International
Development Organization (UNIDO) and Local Government Unit (LGU) of
General Santos City ang EMB region 12.
Kasabay nito, nabigyan ng dagdag na impormasyon ang city government ng
genral santos, barangay officials and religious leaders hinggil sa

Alternative Biomass Utilization, Recycling, at Re-use ng mga Waste


material.
Sinabi ni EMB 12 Chief of Environmental Monitoring and Enforcement
Division Engr. Ronie L. Salmon, na hinihimok nito ang mga LGU o local
government units na magcomply sa mga probisyon ng Republic Act 9003 at ang
kanilang tanggapan naman ang magbibigay ng technical assistance para aniya
matulungan ang mga LGU.

Nagpasalamat naman ang mga dumalo sa pagtitipon dahil kahit na mayroon na


silang ordinasya hinggil sa solid waste management, kaylangan paring ireorient ang kanilang mga stakeholders.

--------000000000000000000---------------00000000000000-----------Nilinaw ni South Cotabato Former Governor Mike Sueno na hindi si Pope


Francis ang minura ni Duterte sa kanyang talumpati sa pormal na
proklamasyon ng PDP-LABAN, kahapon.
Sinabi nito na nandoon sila sa nasabing pagtitipon ng binitiwan ni duterte
ang nasabing pahayag.
Aniya, ang bulok na pamamalakad, mga kapalpakan at maling diskarte ng
pamamahala ng gobyerno sa air traffic ang kanyang minura nang dumating ang
santo papa sa bansa.
Wala din umanong intensyon si duterte na murahin at isnultuhin ang pinaka
mataas na pinuno ng simbahang katoliko.
Una nang inalmahan ng Palasyo ng Malakanyang ang naging pahayag ni Mayor
duterte dahil sa hindi umano nararapat na pagsabihan ng masama ang Santo
Papa.
Si Duterte ang pormal na pambato ng PDP-LABAN sa pagka president sa 2016.

------------00000000000000-------------000000000000000--------Magtatrabaho sa rural health unit ng Tantangan si Jolina Marquez


matapos na makapasa at makapasok sa top 10 sa kakatapos pa lamang ng
midewifery licensure exam noong buwan ng nobyembre.

Hindi naman maka paniwala ang dalagita na naka pasok ito sa top 10
dahil ang kanyang gusto lamang ay maipasa ang nasabing exam at
matulungan ang kanyang ama na isang magsasaka.
Si marquez ay nakatira sa San Felipe Tantangan at isa rin sa mga
scholar ng kabugwason na syang scholarship program ng probinsya ng
south cotabato.
Umabot naman sa 90% ang nakapasa sa nasabing exam dahil sa dalawangput
syam na kumuha ng exam ay dalawangput anim dito ang mga nakapasa.
Ito naman ay ikinatuwa ng University of the Philippines School of
Health and Science at hinikayat pa ang kanilang mga estudyante na magaral at magsipag pa sa kanilang pag-aaral.

--------------000000000000000--------------000000000000000------Bagamat lubhang nakababahala ang paglobo ng bilang


ng may
HIV/AIDS sa South Cotabato at General Santos City, sinyales din ito
ng tagumpay ng kampanya ng mga health service provider at mga
katuwang sa adbokasiya.
Sa isinagawang 1st Regional HIV/AIDS Congress sa Koronadal City
nitong Miyerkules, binigyang -diin ni South Cotabato Provincial
Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr., na isa sa mga
mahahalagang dahilan ng pagtaas ng bilang ng may HIV/AIDS dito ay
ang walang puknat na pagsisikap ng HIV/AIDS Care Team at mga
partner na manghikayat lalung lalo na sa mga indibidwal na magpaHIV testing at 24 oras na serbisyo.
Ani Dr. Aturdido, sa halip na pagalitan, kanyang kinikilala ang
pagsisikap ng mga kasamahang health service provider dahil kung
hindi sa kanilang pinaiigting na kampanya, hindi mahihikayat ang
mga biktima ng HIV AIDS, mga naghihinalang may ganito silang
karamdaman at iba pang mamamayan na lumantad, sumailalim sa
counseling at pagpa-HIV testing.

Unang hakbang para mapagtagumpayan ang laban kontra sa HIV/AIDS,


ang makilala kung sinu-sino ang mga biktima, matiyak ang kakayahan
ng mga serbisyong pangkalusugan, at mailatag ang mga suporta,
paliwanag pa ni Dr. Aturdido.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health, umabot na sa 384


ang kaso ng HIV/AIDS sa lalawigan ng South Cotabato at Heneral
Santos.
Karamihan sa mga biktima ay mga
bisexual) na nakikipagtalik sa

kalalakihan (mga bakla at


kapwa lalaki.

mga

Paulit-ulit namang nagpapaalala ang DOH at Integrated Provincial


Health Office sa publiko na sumailalim sa HIV counseling
at
testing lalung lalo na mga indibidwal na gumagawa ng alinman sa
sumusunod: nakikipagtalik ng walang proteksyon, may kapareha na
nakikipagtalik din sa iba na walang proteksyon, nakikipagtalik sa
kapwa lalaki, nagkaroon ng tulo o iba pang sexually transmitted
disease, nagturok ng droga gamit ang droga na nagamit na ng iba, at
nasalinan ng dugo na hindi sigurado ang pinanggalingan.
------------000000000000------------0000000000000000---------00000
Isinusulong ngayon ng Department of Agriculture (DA) 12 at iba pang
grupo ang paggamit ng organic farming sa rehiyon dose.
Ayon kay Lorna Vilbar, Organic Agricultural Program focal person ng DA
12, target nilang gawing organic ang limang porsyento ng agricultural
land sa Region 12.
Aniya, ang paggamit ng mga organic na produkto ay hindi lamang
makakatulong sa mga magsasaka kundi pati na rin sa mga consumers dahil
sa health benefits nito.
Bagamat may kamahalan ang mga organic na produkto kumpara sa mga
ordinaryong produkto, ayon sa mga organic farming advocates, hindi
matutumbasan ang hatid nitong sustansiya.
Ipinaalam naman ni Dr. Albert Jo, presidente ng Negros Island
Certification Board, na maaaring mura nga ang non-organic products
pero maaari namang makakuha ang mga konsumante ng mga toxins dito.
....Marami kang tao na gagamitin, wala kaming pesticide, hindi kami
gumagamit ng chemical pesticides, nag-eexperiment ka muna kung ang
insects, papaano kukunin, ani Dr. Jo.
Samantala, ipinahayag naman ni Ismael Salih, executive director ng
PhilExport Soccsksargen, na ginagawa na ng ibang bansa gaya ng Europe
at US na pangunahing pagkain ang mga organic products kaya isa itong
pagkakataon sa mga magsasaka na makabenta sa global market.
Upang mahikayat naman ang mga magsasaka, kailangang ipatupad ng mga
LGUs ang RA 10068 o ang Organic Agriculture Act of 2010, ayon kay

Alfredo Hebrona Jr., presidente ng Soccsksargen Organic Farmers and


Producers Association (SOFPA)
Sa ilalim ng nasabing batas, obligado ang mga LGUs na maglagay ng
isang display area para sa mga organic na produkto ng mga magsasaka
nasasakupan nito.

NATIONAL NEWS

Matapos ang dalawang linggong diretsong price rollback sa petrolyo,


magpapatupad naman ang mga oil companies ng price hike simula ngayong
araw.

Ang Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Phoenix Petroleum Philippines


Corp. ang unang magpapatupad ng umento bandang alas-6:00 ng umaga.

Aabot sa P0.45 ang dagdag sa kada litro ng gasolina, P0.10 sa kerosene


at P0.20 naman sa diesel ng dalawang kumpanya.

Hinihintay pa ang ilang kumpanya ng petrolyo kung magpapatupad din ang


mga ito ng price hike.
-------------00000000000000000---------------00000000000000-------Umaasa ang Pangulong Noynoy Aquino na pagbibigyan ng ibang bansa ang
kanyang kahilingan para mabawasan ang green house gas na nililikha ng
bansa kasabay ng Leaders Event sa United Nations Climate Change
Conference sa Paris, France.

Sa talumpati ng Pangulo, umapela ito sa international communities na


tulungan ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay ng pondo at
teknolohiya para sa climate change.

Ito ay para makamit ang target na mabawasan ng 70 percent ang


greenhose gas ng bansa pagdating ng taong 2030.

Samantala, pagkatapos ng talumpati ng Pangulo ay makikipagpulong na


ito sa mga miyembro ng Climate Vulnerable Forum (CVF) na binubuo ng 20
developing countries na labis na naaapektuhan ng climate change.

Asahan daw na hihilingin ng mga leader na magkaroon ng kasunduan para


oblegahin ang lahat ng bansa na bawasan ang greenhouse gas emission.

Layon nito na maiwasang lumala pa ang epekto ng global warming.


---------------00000000000000---------------000000000000000000-------Maaari na umanong madesisyunan ng dalawang dibisyon ng Comelec ang
disqualification cases laban kay Sen. Grace Poe bago ang December 10,
2015.
Sinabi ngayon ni Comelec Chairman Andres Bautista, ang first division
na may hawak sa disqualification case na inihain ni Atty. Estrella
Elamparo ay posibleng madesisyunan sa sunod na linggo.

Ang tatlo pa umanong petisyon na pinag-isa na lamang na humihiling na


i-disqualify sa pagtakbo bilang presidente si Poe ay binigyan nang
hanggang ngayong linggo na lamang na magsumite ang mga petitioners at
panig ng senadora ng mga memoranda.

Ang nasabing kaso na hawak ng Comelc first division ay kaugnay sa


isinampang petisyon nina dating Sen. Francisco "Kit" Tatad, university
professor Antonio Contreras at dating University of the East Law Dean
Amado Valdez.

Una nang itinakda ng Comelec ang December 10 bilang pagpapalabas ng


mga pinal na listahan na tatakbo sa 2016 general elections.
----------------00000000000000---------------00000000000000000000--

Umalma ang Malacaang sa pagmumura ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte


partikular kay Pope Francis sa launching ng kanyang Presidential bid
sa isang hotel sa Maynila.

Ginawa ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda ang pahayag matapos


murahin ni Duterte si Pope Francis nang dumalaw siya sa bansa noong
Enero.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Duterte na gusto niyang tawagan noon si
Pope Francis para bumalik na ng Vatican dahil sa air traffic matapos
ipatigil ang ilang flights kabilang sa Davao City International
Airport.
Sinabi ni Lacierda na sabihin na lahat ni Duterte ang nais sabihin sa
mga pulitiko pero huwag murahin ang Santo Papa.
Mayor Duterte, you can say all you want about politicians but you
dont curse my Pope Francis!" ani Lacierda sa kanyang Twitter account.

INTERNATIONAL NEWS

Kinalampag ngayon ni French President Francois Hollande ang mga kapwa world
leaders at stakeholders na magkasundong ipasa ang isang universal agreement
kaugnay sa pagtugon sa epekto ng climate change.
Sinabi ni Hollande na dapat magkaroon ng isang magandang kasunduan sa
Disyembre 12 kung saan matatapos ang 21st Conference of Parties (COP 21).
Ayon kay Hollande, dapat kakatawan sa hangarin ng mga mamayan ang nasabing
kasunduan at kailangang tanggapin ng mga developed countries o mayayamang
bansa ang tinatawag na historic responsibility.
Iginiit din ng French president na walang dapat iiwas sa obligasyon at aprubahan
ang panukalang financial assistance para matulungan ang mga mahihirap na
bansang pinakaapektado ng sakunang dulot ng climate change.
Kabilang sa panukala ang layuning ibaba ang green house gas emission at

mabawasan ng 1.5 degrees Celsius ang temperatura sa mundo para hindi na


lumawak ang butas sa ozone layer.

---------------00000000000000000000-----------------------000000000000000000-----------------------PARIS - Nangako si US President Barack Obama na tutugon ang kanilang bansa sa


panawagan na bawasan ang greenhouse gas emission para mabawasan ang epekto
ng climate change.

Sa harapan ng 150 world leaders sa UN Summit, sinabi ni Obama na hindi


makakaapekto sa paglago ng ekonomiya ang nasabing hakbang.

Sa ngayon, ang US ang pangalawa sa mga bansang pinakamalakas maglikha ng


green house gas.
"As the leader of the world's largest economy and the second largest emitter... the
United States of America not only recognises our role in creating this problem, we
embrace our responsibility to do something about it," Obama said.
--------------0000000000000000000000----------------------00000000
SPORTS NEWS
Ilang minuto matapos ang pormal na anunsyo ni NBA star Kobe Bryant ay agad na
nagmahal ang mga tickets sa lahat ng mga laro ng Los Angeles Lakers.
Ayon sa Los Angeles -based VIP Tickets, pagkatapos ng sampung minuto ng maganunsiyo si Kobe ay maraming na silang tawag na natanggap para magpareserba at
bumili ng mga tickets.
Sinabi naman ni Patrick Ryan, co-owner ng Houston-based ticket brokage, na ang
ticket sales kung saan maituturing ang huling laro ni Bryant ay maaaring mas
hihigitan pa ang ilang mga huling sales ticket ng mga retiradong manlalaro na sina
baseball star Derek Jeter at Michael Jordan.
Inihalimbawa nito ay ang laro ng Lakers kontra sa Philadelphia Seventy Sixers na
ang pinakamurang presyo ng ticket nito ay nag-triple dahil sa si Bryant ay
ipinanganak sa Philadelphia.

Dagdag pa ni Ryan na ito na ang pangalawang pinakamahal na presyo ng ticket


niya ngayon taon na ang una ay paglalaro ng Cleveland Cavaliers.
Ang 37 anyos na shooting guard ng Lakers ay ipinanganak sa Pennsylvania at ito ay
pinanganak noong August 23, 1978.
Mula ng ito ay pumasok sa NBA ay direkta na itong naglaro sa Lakers.
Naging 17-time all-star at 15-time member ng All-NBA team at 12 time member ng
All-Defensive team.
Anak ng dating NBA player na si Joe Bryant at naging 13th overall pick ng 1996 NBA
draft ng Charlotte Hornets.
Naging kampeon si Bryant ng 1997 Slam Dunk Contest.
Nadala ni Bryant kasama pa noon si Shaquille O'Neal ang Los Angeles Lakers sa
tatlong sunod na NBA Champions mula 2000-2002 at noong 2009-2010 kung saan
itinanghal ito bilang NBA MVP.
Noong 34 anyos pa lamang si Bryant ay naging pinakabatang manlalaro sa NBA na
nakakuha ng 30,000 career points.

Sumainyo ang mga bidang balita ngayong araw ng MARTES A-UNO


sa buwan ng DISYEMBRE, taong 2015 na tampok sa NDBC BIDA
BALITA ALAS DOSE.Sa ngalan ng NDBC Radyo Bida News and
Current Affairs Team Ako si ---------, maraming salamat at
magandang hapon.

You might also like