You are on page 1of 5

KLIK KLIK

SELFIE!
Tara na't mag-selfie selfie selfie selfie tayo 'pag
may time
Ipakita sa mundo ang maganda mong smile
Selfie selfie selfie selfie tayo 'pag may time
Ang pagiging maganda't pogi it aint a crime
Selfie selfie din 'pag may time
Isang awitin ni Davey Langit na
nagpasmile sa mga tao at sumikat dahil sa
napakagandang mensahe. Tumatak ito at sumikat
saanmang panig ng bansa at ngayon ay pinaguusapan din sa social media tulad ng facebook at
instagram. Ipinakita nito na lahat ay pwedeng
magselfie ano man ang hitsura mo at ano pa man
ang ang kulay mo.
ANO ANG SELFIE?
Isang katagang pinauso ng
designer/photographer na si Jim Krause na mas
popular ito sa mga kabataan. Nang naglaon,
ginagawa na rin ito ng mga mas nakatatanda.
Sinabi naman sa Time Magazine na isa sa Top
10 Buzzwords ng 2012 ang katagang ito. At sa
kasalukuyan ay halos araw-araw na itong
naririnig sa mga bibig ng mga tao, maging
tayong mga Pilipino.
Saan ka man pumunta, ito ang iyong
makikita. Bata, matanda, propesyonal at di
propesyonal, manggagawa, kawani, guro,
mangangalakal, mangingisdat magbubukid,
pare, madre, at iskolar. Di rin magpapahuli
angmga estudyante, pulis, drayber at lalo na ang
mga istambay. Lahat ay napapa-KLIK KLIK
SELFIE!

At saan ka man nakapuwesto bastat ayos


sayo, pwedeng-pwede. Sa opisina, sa bukid, sa
skul, sa kusina, at kahit sa gitna ng dagat,
siguradong swak na swak. Maaari ding
magselfie kasama ang mga hayop tulad ng aso at
pusa.
Gamit ang simpleng kamera o digital
kamera man ay pwedeng-pwede bastat tama
ang anggulo at swak sa panlasa mo. Pwede ring
gumamit ng RETRICA at CAMERA 360 para
mas maganda ang kuha mo. Sabay lagyan ng
effects para mas maging kaakit-akit tingnan.
Selfie sa kaliwa, selfie sa kanan. Ito ang
kinababaliwan ng madla. Saan ka man
mapadpad, hindi mabubuo ang araw kapag wala
ito. Lalo na kung mahanap mo ang background
na gusto mo.
Mayroon tayong tinatawag na group selfie
at individual selfie. Pag ikaw lang mag-isa ,
individual selfie ang para sa iyo at kung isa
kayong barkada, group selfie. Gamitan mo pa
ang monopod para kita ang buong barkada.
Kanya-kanyang pose at upload sabay upload na
may kasamang kapsyon.
Nakatawa, takot, malungkot, pagalit,
parang baliw, seryoso at naka-smile----mga
emosyong pangunahing ginagamit sa selfie.
Pwede mo ring dagdagan ng effects tulad ng
pabebe effect,.
WACKY!
Ito ang pinakagusto ng lahat dahil kahit
ano pa ang gawin mong pose, papangitan kayo.
Kahit ano pa ang hulma ng mukhaat ano pa man
ang kulay mo, lahat ay maganda sa paningin.

At kung nakaselfie ka at pangit pa din,


sabihin mo nalang na WACKY ito.
-MIRIAM SANTIAGO
Anu-ano ng mga paraan ng pagseselfie?
Gandang Ganda sa Sarili Selfie
Kapag gandang-ganda ka sa sarili mo, ito
na ang pagkakataon mo. Kukunan yung sarili
kasi baka hindi na maulit kinabukasan yung
ganda ng buhok, ganda ng make up nung araw
na yun, yung pagka fresh ng look, at puti ng
ipin.
Pabebe effect
Kukuhaan ang magandang mukha subait
may twist. Kakagatin ang labi o di kaya naman
magpapacute sabay lagay ng kamay sa ilalam ng
baba na para bang bata.
Duck Face Selfie
Paano nga ba gawin ang duck face selfie?
Kumuha ng camera at itapat sa sariliMedyo
ilapit sa mukha ang camera para halos close up
naPress your lips together palabas (yung para
kang hahalik)Sige pa, ipout mo pa ng ipout
hanggang sa mapunit yung muscle tissue ng
pisngi mo. At ang resulta, duck face sabay
takpan ang mga mata para di makilala.
Stolen Selfie
Kunwari stolen ang kuha sa iyo pero halata
naman na ikaw ang kumuha sa sarili mo. O
dikaya ipapahawak sa kaklase ang kamera at
nanakawan ka ng kuha pero handing-handa ka
naman.
Whole body picture pero parang
sumakit yung tiyan ko pose

Ito naman yung slightly naka arc yung mga


balikat paloob, nag hhunch kung baga habang
nakahawak sa tiyan na parang masakit pero hindi
naman. Paano ito gawin? Kumuha ng kukuha ng
picture mo. I-arko ang balikat (sabi ko nga sa
taas). Mag semi nganga na parang bumubuga ng
hangin o nalock jaw ng kaunti.
Shy Selfie
Ang paraang ito ay ginagamit ng mga
taong mahiyain, pwedeng mata lang ang
ipapakita, ilong, bibig, kahit ano basta yung
mukhang misteryoso o mapapa react ng: sino to
ang ganda naman ng mata niya?
OOTD (Outfit of the Day)
Ito yung paboritong mga kasuotan na
pwedeng mayat maya, araw araw, o every other
week magselfie, depende kung gaano tayo
kadalas magandahan sa ating mga damit.
Selfood
Kukuhaan ng larawan ang pagkain bago
kumain sabay upload at lagyan ng kapsyon,
Kain-kain din pag may time!
Mirror Selfie
Ito ang pinakagusto ng lahat. Kailangan
mo lang ay salamin. Hahawakan mo ang yung
kamera na nakatingin sa salamin. Kadalasan
itong ginanawa sa mga cr.

SELFIE LORD
Ito ang tawag sa may pinakamaganda at
pinakamaraming kuha ng selfie. Siya ang may
pinakasikat na kuha dahil sa napakaganda ng
larawan.

Kung gusto mo na maging maganda ang


kuha mo, lagyan mo ng pinakamagandang effect
ang larawan, tamang anggulo ng pagkuha at
lagyan ng emosyon ang bawat kuha. Tunay nga
naman itong nakaaaliw hindi lamang mga bata
kundi kinahihiligan na din ito ng matatanda.
Nagiging bonding ito ng barkada at mga ala-ala
ng mga magandang karanasan.
Kaya ano pa ang ginagawa mo? Kumuha
ka na ng kamera at mag-KLIK KLIK SELFIE!

Eliseo Dayaon

You might also like