You are on page 1of 2

ALEXANDER THE GREAT (ALEXANDER THE THIRD)

Si Alexander III o mas kilala sa tawag na Alexander the great ay isang hari ng sinaunang griyego ng
Macedonia. Ipinanganak siya noong 356 B.C. sa Pella, na siyang punong lungsod ng Macedonia.
Sinundan niya ang yapak ng kanyang ama na si haring Philip II pagkatapos ng asasinasyon nito noong
336 B.C.. Siya ay namatay sa Babylonia noong 323 B.C. sa edad na 32 anyos.
Noong nanunungkulan si haring Philip II sa Macedonia ay napagpasyahan niya na pagkasunduin ang
mga taga Macedonia at ang mga griyego, na siyang lalong nagpalaki ng nasasakupan ng Macedonia,
at si Alexander ang nagsilbing kapitan-heneral nito na ang unang layunin ay sakupin ang Asya minor,
dahil sa matagal na giyerahan ng griyego at persiano.
(Busephalus ang pangalan ng kanyang paboring kabayo at Haring Phillip II naman ang
kanyang yumaong ama)
Ang kanyang batang isipan at kawalan ng karanasan ang siyang naghimok sa ibang pangkat ng Asya
na pumanig sa kanya, pero hindi sumang ayon dito ang mga griyego kaya nagpakita siya ng agarang
aksyon at disiplinang militar upang humanga ang mga griyego upang sumang ayon ang mga ito.
Nagplano siya na magsagawa ng maikli ngunit matagumpay na kampanya sa mga kalapit-bayan ng
Macedonia upang mapalawak lalo ang nasasakupan nito hanggang sa hilaga ng Danube. Habang wala
siya doon, naisipang magpatiwakal ng dalawang heneral niya na sina Athens at Thebes. Pero dahil sa
agarang pagkilos ni Alexander, napigilan niya ang pag aaklas nila na siyang nagpanatili ng kapayapaan
sa imperyong griyego.
Nang maayos na ang mga problema sa imperyong griyego ay natungo ang atensyon ni Alexander sa
Silangang Asya at sa mga Persiano. Dahil sa sunud sunod na kampanya ni Alexander sa ibang bahagi
ng asya sa loob ng sampung taon, nakalikom na siya ng sapat na bilang ng mandirigma upang
lumaban sa mga Persiano.
Marami nang ulit na natalo ng Macedonia ang mga Persiano sa giyera nila, hanggang sa mapabagsak
nila si haring Darius III na naghirap, ginawang bihag at pinanatay ni Bessus ang hari ng Bactria noon.
Natagpuan na lamang ang bangkay ni haring Darius III ng isa sa mga mandirigma ng Macedonia sa
isang karwahe, at tinakpan ni Alexander ang bangkay nito ng kanyang kapa.
Pagkatapos nilang masakop ang buong Asya at Persia, tumungo naman sila ng timog upang sakupin
ang India at ang mga baybayin nito. Mahirap ang pinagdaanan nila dito dahil malawak ang

nasasakupan ng India at malalakas pa ang mga sandata nito tulad ng elepante imbis na kabayo ang
gamitin.
Sa labanang ito natamaan si Alexander sa kaliwang dibdib na muntik na niyang ikamatay, ang
kanyang alagang kabayo naman na si Bucephalus ay sinawing palad na mamatay dahil sa tumagos na
sibat at dahil na rin sa katandaan nito (30 anyos na ang kabayo noong mamatay). Dahil dito,
nagpagawa ng rebulto si Alexander at pinangalanan ang isang siyudad ng Bucephala, alang lang sa
dangal nito.
Nasakop niya ang India at ang mga baybayin nito ngunit ang mga Indiano ay nagisip ng masama sa
kanya at dahil na rin sa kayabangan ng hukbo ni Alexander ay umaklas sa kanyang hukbo ang mga
ito.
Sinasabing namatay si Alexander sa dahilan ng pagkakasakit ng malaria, typhoid fever at
encephalitis. Ang iba naman ay nagsasabing nilason sa Alak si Alexander ng mga kumakalaban sa
kanya. Nakapag asawa siya ng dalawang prinsesa sa magkaibang bayan; Si prinsesa Roxana ng
Bactria, at si prinsesa Stateira ng Persia(anak ni haring Darius III).
Bagaman wala siyang anak na tagapagmana noong siya ay mamatay, kinuha ng mga heneral ni
Alexander ang isang marangal na lalaki na kapangalan ni Alexander, Alexander IV ang pangngalan
niya. Walang relasyon si Alexander III kay Alexander IV, kinuha lang ng mga heneral si Alexander IV
bilang pag alala sa dakilang si Alexander III.
Ang pangngalan ni Alexander ay tumatak sa Kasaysayan ng Pandirigma, una dahil sa malawakang
pagsakop nito sa iba't ibang mga lugar sa daigdig, at pangalawa na hindi siya natalo sa kahit anong
digmaang kinaharap niya. Siya ay ginawang isang makasaysayang bayani ng buong Macedonia noong
mamatay siya sa pamamaraan na tradisyon ni Achilles.
at ng dahil sa kanila naging imperyo ang India...

You might also like