You are on page 1of 12

Masustansyang

Pagkain

Gulay para sa iyong katawan


BODY PAX Ni Kukay (Pang-Masa) | Updated July 27, 2013 - 12:00am
Karamihan sa atin ay kinatatamaran ang pagkain ng gulay sa kadahilanang madulas,
mapakla o minsan hindi tugma sa ating panlasa. Anu-ano ba ang benepisyo sa
kalusugan ang pagkain ng gulay at bakit natin kailangan ang gulay sa buhay natin?

MGA BENEPISYO DULOT NG PAGKAIN NG GULAY


1. Ang pagkain ng masustansiyang gulay ay nakakabawas ng tsansang magkaroon ng
cancer. Cruciferous na gulay ay nagtataglay ng bitamina, mineral, at ibang nutrients na
tinatawag na glucosinolates. Ang glucosinolates ay napatunayan ng mga dalubhasa na
mainam na pang-iwas sa cancer. Ang compounds na ito ay napatunayan na may
epekto sa pagbawas ng cell cancer ng hayop at tao.
2. Ang pagkain ng masustansiyang gulay nakakabawas ng tsansang magkaroon ng
sakit sa puso. Ayon sa pag-aaral ng mga dalubhasa ang gulay ay nagtataglay ng mga
micronutrients na tumutulong sa puso na gumana ng maayos.
3. Ang gulay ay mainam na pinagmumulan ng fiber na tumutulong upang makaiwas sa
panganib dulot ng obesity at type 2 diabetes. Ang gulay ay nagtataglay ng mga bitamina
at nutrients na pumipigil sa mga sakit na nagreresulta sa pagkakaroon ng diabetes.
4. Mainam din itong alternatibong pagkain sa mga taong nais bumaba ang kolesterol.
Isa itong magandang alternatibong pagkain sa mga taong mataas ang kolesterol upang
makaiwas sa sakit dulot ng kolesteol. Ang gulay ay mababa sa carbohydrate at mababa
rin ang sugar content na nagpapataas ng timbang ng isang tao.
Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

10 masustansyang prutas
DOC WILLIE Ni Dr. Willie T. Ong (Pilipino Star Ngayon) | Updated April 4, 2013 12:00am
KAIBIGAN, heto ang 10 pinakamasustansyang prutas na ginawa ng Diyos para sa tao:
Saging Mabuti ang saging sa mga nag-eehersisyo at sa may sakit sa puso dahil may
taglay itong potassium. Para sa hindi makatulog at stressed sa buhay,
nakapagpaparelax din ang saging dahil sa sangkap nitong tryptophan. Kumain ng 2
saging bawat araw para makaiwas sa sakit.

Mansanas May vitamin C at anti-oxidants ang mansanas. Mahalaga na kainin din ang
balat ng mansanas dahil may taglay itong pectin na nagtatanggal ng dumi sa ating
katawan. Panlaban ang mansanas sa mataas na kolesterol, arthritis at sakit ng tiyan.
Maaasim na prutas tulad ng calamansi, dalandan, orange, at suha Masagana ang
mga ito sa vitamin C at panlaban sa sipon, ubo, hika at arthritis. Kapag kumakain ng
dalandan, kainin din ang mga maninipis na fibers (pulp bits at membrane) dahil mabuti
ito sa ating sikmura.
Strawberry Naniniwala ang mga eksperto na panlaban sa kanser ang strawberry.
Mag-ingat lang at may mga taong allergic sa strawberry. Hugasan maigi bago kainin.
Papaya Mataas sa vitamin A at vitamin C ang papaya kaya nakatutulong ito sa ating
kutis. Ang papaya ay may papain, isang kemikal na tumutulong sa pagtunaw ng
pagkain at sa pag-regular ng ating pagdumi. Mataas din ito sa fiber.
PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
Ubas Ang ubas ay may tannins at flavonoids na puwedeng makapigil sa kanser.
Kumain ng ubas kung ikay nagpapagaling sa sakit. At kapag kulang sa dugo at mahina
ang katawan, kumain ng ubas para manumbalik ang iyong sigla. Kaya paborito itong
iregalo sa mga dumadalaw sa ospital. Hugasan maigi bago kainin.
Pakwan at melon Panlaban ang mga ito sa sakit sa bato at pantog (kidney at bladder
infection). Ang
pakwan at melon ay punong-puno ng vitamin C at potas- sium. At kapag tag-init, ito
ang kailangan ng ating katawan.
8. Buko Ang buko juice at nakatutulong sa may kidney stones (bato sa bato). Nililinis
din ng buko ang ating katawan.
9. Abokado Ang abokado ay may taglay na good fats at healthy oils. Dahil dito,
nakatutulong ito sa pag-iwas sa sakit sa puso at istrok. May sangkap din itong vitamin
B6 at vitamin E na pampakinis ng ating balat. Para hindi kumulubot ang mukha, kumain
ng abokado.
10. Pineapple Ang pineapple ay may bromelain na makapagpapalakas sa ating
resistensya. May sangkap din itong manganese at vitamin B na nagbibigay lakas sa
ating katawan.
Tandaan po ang listahang ito. Ipaalam sa magulang at ituro sa anak. Ipakita rin sa titser,
para malaman ng lahat ang 10 pinakamasustansyang prutas.

Problema sa
Kalusugan

10 suliranin sa kalusugan na may


kaugnayan sa stress
1. Sakit sa Puso (Heart Disease)

Ayon sa mga mananaliksik, ang isang taong palaging nakadarama ng stress ay mataas
ang pagkakataon na magkaroon ng high blood pressure, at mga suliranin na
magkasakit sa puso. Marahil dahil may direktang epekto ang stress sa puso at blood
vessels. Ang obesity at paninigarilyo ay isa ring dahilan. Kaya dahil sa mga nabanggit,
ang mga taong may chronic heart cardiac problems ay di dapat na mastress.
2. Asthma (Hika)
Sa maraming pagaaral, nagpapakita na ang stress ay nagpapalubha sa hika. Sa mga
ebidensiyang nailahad na, kapag ang magulang ay may chronic stress, maaari ring
magkaroon ang kanilang mga anak. Maaari ring panggalingan ang hika ng mga
magulang na naninigarilyo sa pagbubuntis, o kaya ay sa air pollution sa kapaligiran.
3. Labis na Katabaan (Obesity)
Ang sobrang taba sa tiyan ay mas mapanganib sa kalusugan kaysa sa taba sa binti at
balakang. Ang mga taong palagiang na stress ay tumataba ang tiyan. Ang stress ay
nagiging dahilan ng mataas na antas ng hormone cortisol, wika ni Winner.
4. Diabetes Ang stress ay nagpapalala sa diabetes sa 2 paraan.
a. Nagpapataas ng pagkakaroon ng masamang gawi, katulad ng labis na pagkain at
paginom.
b. Nagpapataas ng glucose levels sa mga taong may type 2 diabetes ng direkta.
5. Sakit sa Ulo (Headaches)
Ang stress ay isa sa mga nagiging dahilan ng sakit sa ulo, hindi basta tension na sakit
sa ulo, kundi pati na ang migraine.
At dahil dito kapag kayo ay chronically stressed. Ang mga pagbabagong physiologic ay
maaaring magdulot ng suliranin sa kalusugan.
6. Depresyon at Pagkabalisa (Depression and Anxiety)
Ang chronic stress ay konektado sa depresyon at pagkabalisa. Sa isang sarbey ay
napagalaman na ang mga taong may stress sa kanilang ay may 80% na mataas ang
panganib na magkaroon ng depresyon sa loob ng ilang taon kaysa taong may
mababang antas ng stress.
7. Suliranin sa Tiyan (Gastrointestinal na Suliranin)
Ang stress ay hindi naman nagiging dahilan ng ulcers, subalit pwedeng maging dahilan
ng mga suliranin sa tiyan, katulad ng GI kondisyon na nagreresulta ng chronic
heartburn (GERD) at IBS, wika ni Winner.
8. Alzheimers Disease

Isang pag- aaral sa mga hayop ay nagsasabi na ang stress ay maaaring magpalubha
sa Alzheimers disease. Ayon naman sa ibang mananaliksik ang pagbaba ng stress ay
nagpapababa rin sa pagtaas ng antas ng Alzheimers disease.
9. Mabilis na Pagtanda (Accelerated Aging)
Nagpapabilis ng pagtanda ang stress. Ito ay ayon sa isang pag aaral, kung saan ang
DNA ng mga ina na may labis na stress ay nagresulta na magkaroon ng mga anak
silang masasakitin, kaysa mga ina na may mababang antas lamang ng stress. Ayon pa
sa mga mananaliksik nakita nila na ang particular na rehiyon ng chromosomes ay
nagpapakita ng epekto ng mabilis na pagtanda ng hanggang 9 hanggang 17 dagdag na
taon.

10. Maagang Pagkamatay (Premature Death)


Ang stress ay hindi lamang nararamdaman, di lamang nasa ulo, bagkus ito ay nasa
physiologic response na banta sa katawan ng tao. Pag kayo ay stressed, ang katawan
ay naaabala. Ang blood vessels ay nagsisikip. Ang blood pressure at pulso ay tumataas
at ang paghinga ay bumibilis. Ang bloodstream ay napupuno ng hormones tulad ng
cortisol at adrenaline.

Pag-iwas sa Nutrition deficiency o


Sakit

Gulay at prutas dapat kainin araw-araw


Isa sa mga pamantayan ng wastong nutrisyon ang pagkain ng gulay at prutas,
subalit maraming Pilipino ang hindi nakakakain
ng tamang dami ng mga ito.
Sa mga naisagawang pag-aaral at survey ng Food and Nutrition Research
Institute o FNRI, napuna na pababa ng pababa ang
konsumo ng prutas at gulay ng mga Pilipino, at hindi rin nawawala ang
kakulangangan sa micronutrients. Ang micronutrients

na karaniwang makukuha natin sa mga gulay at prutas at tumutulong sa ating


katawan upang tayo ay sumigla at makaiwas sa
mga sakit.
Kaya naman ipinapayo at itinataguyod ang pagkain ng maraming gulay at prutas
upang mapunuan angmga kakulangan sa
micronutrients.
Ano ba ang kahalagahan ng regular na pagkain ng gulay?
Ang mga green leafy at yellow vegetables o berdeng madahon at madilaw na
gulay ay mayaman sa beta-carotene. Ang
sariwa at katamtamang luto na mga berdeng madahong gulay ay pinagmumulan
ng vitamin C, iron, calcium, dietary fiber, folic
acid, vitamin E, at ilang phytochemicals.
Yun namang di madahong gulay tulad ng okra, sayote, upo, at ampalaya ay
nakadaragdag ng dietary fiber, iron at B-complex
vitamins.
Kaya mahalaga talaga ang regular na pagkain ng mga gulay dahil nakatutulong
ito sa pag-iwas sa vitamin A deficiency
disorders o VADD na isa sa mga laganap na uri ng malnutrisyon sa Pilipinas.
Katulad ng gulay, mahalaga ang prutas sa ating diet dahil mayaman ang mga ito
sa vitamin C, lalo na ang bayabas, mangga
at papaya. Nakatutulong ang vitamin C upang maiwasan ang scurvy o
pagdurugo o pamamaga ng mga gilagid at upang
tumibay ang ating resistensiya laban sa impeksyon.
Nagtataglay naman ng beta-carotene ang madilaw na prutas. Mayaman sa
bitamina at mineral ang saging, melon, at pinya.
Meron ding dietary fiber ang mga prutas upang makatulong sa regular na
pagdumi.
Tandaan, hindi lang iisang klaseng gulay at prutas ang ating kakainin sa arawaraw. Mas maraming kulay, mas mainam.

Nutritional supplements malaking tulong


sa kalusugan
MARAMING dahilan kung bakit mahalaga ang nutritional supplements.
Una na rito ay ang panahon.
Mabilis na lumolobo ang populasyon sa buong mundo at nagkakaroon ng
consciousness ang mga tao ukol sa kanilang kalusugan at pag-iwas sa ilang uri ng
malalang sakit.
Para sa inyong kaalaman, ang nutritional supplements ay naghahandog ng
napakaraming kapakinabangan at epektibong paraan ito upang mapanatili ang ating
magandang kalusugan.
Makatutulong din ang mga ito upang hindi tayo magkaroon ng maraming gastos sa
pagpapagamot.
Mayroon ding ilang mga rason para sa paggamit ng supplements.
Halimbawa na lang sa mga nagdadalantao, kinakailangan ang karagdagang iron Vino
De Corazon at folic acid kahit pa mayroong programmed diet na inihanda ang kanilang
Ob-Gyne para siguruhin ang ligtas na pagbubuntis at panganganak ng malusog na
sanggol.
Ang mas malawakang gamit ng mga nabanggit na produkto ay may kinalaman sa
kakapusan sa sapat na sustansiya sa mga kinakain. Ito ay bunga ng uri ng pamumuhay
ng mas nakararami sa ngayon na dahil sa palaging pagmamadali o pag-aapura,
marami sa mga kinakain ay ang tinatawag na mga madalian o instant.
Ang mga ganitong uri ng pagkain ang isa sa pangunahing sanhi kung bakit marami sa
atin ang may mga nutritional deficiency. Nakalulungkot mang sabihin pero totoo, na
marami sa mga Pilipino ang kapos sa sapat na nutrisyon.
Dahil dito, mahirap makamit ang tamang nutrisyon mula sa regular na pagkain lamang
at lalong imposible naman na magkaroon ng proteksyon mula sa modern life diseases
sa pamamagitan lamang ng pang-araw-araw na square meals.

Dito na pumapasok ang nutritional supplements bilang ayuda sa pagpuno nitong


tinatawag nating nutritional gaps.
Ang nutritional supplements, tulad ng Jimms Herbal capsule ay kinapapalooban ng
vitamins, minerals, herbs at iba pang sangkap mula sa halaman (na tinaguriang
phytonutrients) na ginagamit para sumuporta sa mahusay na kalusugan o di kaya
naman ay nagbibigay proteksiyon sa atin laban sa ibat ibang mga karamdaman.
Sa ngayon, ang mga available o mabibiling na nutritional supplements ay capsules,
concentrates, edible bars, extracts, liquids, powders, soft gels, at tablets (depende sa
mga sangkap at uri ng supplements).
Ngunit hindi nangangahulugan na ang mga ito ay makapagpapagaling ng anumang
sakit o makalulutas ng anumang problema sa kalusugan.
Ang mga impormasyong ito ay para lamang sa karagdagang kaalaman at hindi para
impluwensyahan ang sinuman na uminom ng supplements.

Project
In
Health
Submitted by:
Bob Denielle G. Ligon
Grade 3 Section 1
Submitted to:
Ms. Grace E. Reunir
Teacher

You might also like