You are on page 1of 1

Peryodismo para sa Publiko

Bawat isa sa atin ay may karapatang maglahad ng mga pahayag at opinion,


Mamamayan, Mamamahayag ika nga ni Ginoong Marvin Enderes.
Pamamahayag ang nagbubukas sa mata ng buong bayan, upang maunawaan at
maintindihan nila ng mga isyu na kinakaharap ng ating bansa. Ito rin ang nagbubuklod at
nakakapag isa sa isang bansa. Bilang mamamayan, tungkulin mong makielam.
Sa ika dalawaput isang siglo, sa maraming paraan maari mong ihayag ang iyong
nadarama. Nariyan ang ibat ibang ambag ng agham at teknolohiya. Gamitin natin sa tamang
paraan upang magkaroon ng pakinabang.
Bilang isang mamamahayag, tungkulin mong magbigay ng makatotohanan at walang
kinikilingang impormasyon para matustusan ang kaisipan at kuryosidad ng buong sambayanan
Tila nga mga mamamahayag at manunulat lamang ang pinapaniwalaan ng buong
sambayanan, ngunit itoy hindi mabubuo ng walang taong magsisilbing mambabas. Kayat
malaki ang tungkulin ng bawat Pilipino sa paglilimbag ng bawat pahina ng isang peryodismo.

You might also like