You are on page 1of 1

Kalsada

Ni: Aida S. Sampillo

Sa pagsapit ng umaga hanggang sa pagdilim


paroo't parito, di niya alam ang tutunguhin.
Hanggang napaisip, "kailan kaya mararating,
kadulu-duluhan mong my itinatagong lihim."

Marahil saksi ka sa lahat ng bagay


mayaman, mahirap, buhay man o patay.
Sayo nakasalalay malayang paglalakbay
sayo rin kadalasang nagmumula mga taong nakahimlay.

Di yata't para kang isang mahabang tangkay


maraming sanga-sanga na sa iyo'y umaalalay
sa himpapawid may ka ganda mong pagmasdan
ngunit sa lupa pagkakagulo'y di maiwasan.

Sigaw rito, sigaw roon, lahat ng tao'y natutuliro


paggawa sa iyo'y nagkaroon ng mahabang proseso
sa mga materyales di nawala ang pagtatalo't argumento
ngunit bakit ikaw ngayon ay hindi pulido?

Sala ka sa init, sala ka sa lamig


mabigat, magaan, sayo lahat dumidinig
sa una'y iingatan ka ngunit unti-unting sisirain
duming dati'y inilalayo, sila pa mismo naghahain.

Bumibilis bumabagal mga sasakyang nagdaraan


Sari-saring paninda kahit bawal 'okey na yan'
pagkatapos gamitin iiwanan ng kung ano-ano na lang
parang sa pag-ibig, iniwan na nga nagawa pang saktan.

You might also like