You are on page 1of 3

Mga Huwarang Bayani

Lapu-lapu
Si Lapu-lapu ang kauna-unahang pinunong Pilipinong lumaban
sa mga mananakop na Kastila. Pinamumunuan ni Magallanes ang
unang pangkat ng mga Kastilang nagtangkang sumakop sa
kapuluan. Nang dumating siya kasama ng kanyang mga sundalo sa
pulo ng Mactan, magiting na ipinagtanggol ni Lapulapu at ng
kanyang mga tauhan ang kalayaan nila. Napatay si Magallanes sa
labanang iyon kaya't itinanghal na unang bayaning Pilipino si Lapulapu ng bansa.

Jose Rizal
Si Rizal ang pambansang bayani ng
Pilipinas. Dalawang kilalang nobela ang
sinulat niya - ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Inilarawan niya sa dalawang nobelang ito ang
kawalang-katarungan at pagmamalupit ng mga Kastila
sa mga Pilipino. Binigyang-diin din niya ang pag-ibig sa
bayan at ang kinakailangang kalayaan ng ating bansa.
Hindi naibigan ng mga Kastila ang isinulat niya kaya't
ikinulong siya at binaril sa Bagumbayan. Rizal Park o
Luneta na ang tawag ngayon sa Bagumbayan.
Bata pa lamang si Rizal ay kinakitaan na siya ng
katalinuhan. Tatlong taong gilang pa lamang siya nang
matutong bumasa. Kartilya ang kanyang unang aklat na may mga
alpabeto at dasal. Kinagigiliwan niyang makinig sa kanyang ina
habang tinuturuan nito ang kanyang mga kapatid.

Apolinario Mabini

Isang napakatalinong tao at may napakatibay


na paninidigan si Apolinario Mabini. Kahit paralitiko
siya, sumulat siya ng isang sanaysay hinggil sa
mga tungkulin ng mga mamamayan sa Diyos, sa
bayan, at sa kanyang kapwa-tao. naging tagapayo
siya ni Heneral Emilio Aguinaldo noong panahon
ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Tinawag siyang
Utak ng Himagsikan.

Emilio Aguinaldo
Si Heneral Emilio Aguinaldo ang unang
pangulo ng Unang Rebolusyonaryong Republika
ng Pilipinas. Sa kanyang tahanan unang itinaas
ang bandila ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898.
Ito ang araw nang ipinahayag niya ang kalayaan
ng Pilipinas mula sa Espaa.

Andres Bonifacio
Si Andres Bonifacio ang nagtatag ng
Katipunan. Ang Katipunan ay ang samahan ng
mga Katipunero. Ang mga Katipunero ay ang mga
Pilipinong lumaban sa mga Kastila sa
pamamagitan ng sandata o himagsikan. Gusto
nilang maging malaya ang mga Pilipino mula sa
Espaa.

Melchora Aquino
Si Melchora Aquino ay kilala rin sa
pangalang Tandang Sora. Tinulungan niya ang
mga Katipunero. Binigyan niya sila ng pagkain at
tirahan. Inalagaan pa niya ang mga may sakit at
sugatang Katipunero. Isa iyang matapang na
Pilipino.

You might also like