You are on page 1of 3

Si Dr.

Fe del Mundo (1911Agosto 6, 2011[1]) ay isa sa pinakamagaling


na manggagamot ng bata sa Pilipinas. Nanguna siya sa pangangalaga ng
kalusugan ng mga bata at nagsimula ng Ospital na Pambata sa Pilipinas
(Children's Medical Center of the Philippines). Siya ay
pinangarangalang Pambansang Siyentipiko noong1980.
Ipinanganak siya noong Nobyembre 27, 1911 sa Maynila. Isa siya sa
walong mga anak nina Bernardo (isang abogado) at Paz (isang maybahay).
Sinawing-palad na namatay ang kanilang ina nang siya ay sampung taong
gulang pa lamang. Likas siyang matalino at masipag na mag-aaral.
Nagtapos siya sa Manila South High School na may honors (1926).
Nakapasa siya sa entrance test sa Unibersidad ng Pilipinas kung saan
ang mga babae ay binibigyan lamang na 10% na kabuuang populasyon
upang makapag-enrol. Sa 200 estudyanteng kumuha ng Pre-Medicine
entrance test, siya ang nanguna sa lahat. Labing-tatlong dalaga lamang
ang nakapasa at isa si Fe sa mga ito.
Natapos niya ang Pre-Med sa loob lamang ng 2 taon (1928). Sa UP
College of Medicine, tanging siya ang nakakuha ng markang A, o ang
katumbas nitong 1.0 saPediatrics (Panggagamot sa mga bata). Ito ang
kanyang naging inspirasyon upang magpakadalubhasa sa gawaing ito.
Natapos ni Dr. Fe ang kursong Doctor of Medicine (1933) bilang class
valedictorian. Naipasa niya ang pambansang Medical board examination
at nakamit ang Ikatlo (3rd place) sa pinakamataas.
Dahil sa kanyang angking talino, biniyayaan siya ng Pangulo Manuel L.
Quezon ng isang scholarship sa alinmang unibersidad sa Estados Unidos.
Limang taon siyang nagpakadalubhasa sa Pediatrics sa Unibersidad ng
Harvard. Tinapos niya ang kursong Master of Arts in Bacteriology sa
Unibersidad ng Boston.
Kasabay ng Pandaigdigang Digmaan (1941), nagboluntaryo si Dr. Fe
sa International Red Cross sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nang
dumating ang mga Amerikano (1945), nagtatag sila ng mga Philippine
Civilian Affairs Unit (PCAU) at kasama sa loob ng mga sundalong Pilipino
nang galing sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas at mga kumilalang puwersa
ng mga gerilya sa mga ospital upang mangalaga sa mga nasasakuna sa
digmaan. Ang PCAU-1 ay isa sa mga naglalakihang pavilion ng National
Mental Hospital sa Mandaluyong, Rizal. Samantalang ang PCAU-5 ay sa
Lincoln Elementary School sa Avenida Espaa. Daandaang biktima ng
digmaan ang ginamot at naalagaan doon. Hindi nagtagal, ito ay naging
North General Hospital (NGH), kung saan si Dr. Fe ang natalagang
maging director nito hanggang mapalitan siya ni Dr. Jose R.
Reyes (1948). Ang ospital ay nalipat sa bakuran ng San Lazaro sa

Avenida Rizal (1957) at pinangalanang Dr. Jose R. Reyes Memorial


Hospital.
Bilang pangunahing manggagamot ng mga bata, ipinagmamalaki ni Dr. Fe
ang kanyang mga pananaliksik sa mga sakit na polio, rubella at varicella.
Ang mga ito ang nagsilbing basehan sa pag-aaral at paggamit ng mga
bakuna sa buong bansa. Ang kawalan ng mga kagamitan at laboratoryo sa
Pilipinas hindi naging hadlang kay Dr. Fe upang patuloy na magsaliksik.
Matiyaga niyang ipinadadala sa New York (para sa polio), sa London,
(para sa tigdas), sa Switzerland (para sa rubella) at sa
bansang Hapon (chickenpox) ang mga specimen. Sa kanyang pag-aaral sa
libo-libong mga bata mula sa iba't ibang parte ng bansa (1941), napagalaman niya na ang mga bata pala ay maaaring immune o higit na mahina
ang panlaban (susceptible) sa ilang mga sakit. Ito ang naging panuntunan
kung ilang taon ba dapat bigyan ng bakuna ang isang sanggol upang higit
na magkabisa ito.
May isang kaso na inakalang tipus (typhoid fever) ang kumalat na
epidemya noong taon 1954. Dahil sa pagtitiyaga ni Dr. Fe, ito ay
nadiskubre na dengue pala. Ito ang unang pagkakataong nakilala ang
dengue sa Pilipinas.
Pinag-aralan din ni Dr. Fe ang mga bakteryang nagiging sanhi ng
pagtatae (bacteriological etiology ofdiarrheas) ng mga batang wala pang
5 taong gulang. Ito ang nagbukas ng daan sa paggamit ng microbials para
huminto ang pagtatae.
Hindi lamang panggagamot sa bata ang pinagdalubhasaan ni Dr. Fe.
Pinag-aralan din niya kung paano maaaring mapaayos at lubusang
mapakinabangan ang mga hilot sa panganganak at pangangalaga ng mga
batang bagong silang. Pinangunahan din niya ang pagkakaroon ng mga
botika sa barangay at mga sentrong pangangalaga para sa mga ina at
bata (Mother and Child Health Care Centers).

Zigzag Rule
a rule composed of light strips of wood joined by rivets so as to be foldable, all the
opening and closing parts being in parallel planes.

You might also like