You are on page 1of 2

Tuwing nababangit ang K-12, ano nga ba ang sumasagi sa

inyong mga isipan? Kaginhawaan, o problema nga ba ang


naidudulot nito? Magandang hapon sa inyong lahat! Narito
ako sa inyong harapan upang talakayin ang tungol sa K-12.
Bago ko makalimutan, ako po pala si Mikka Isabelle
H.Calugay ang tagapagsalita ninyo ngayong hapon.
Ano nga ba ang k-12? may makakasagot ba? Okay,
Ang K-12 ay isang programa na karagdagang taon sa pagaaral ng elementary at hayskul. Ayon sa mga opisyal at mga
tao na pabor dito ay makakatulong daw para malinang ang
kakayahan ng mga mag-aaral sa ating bansa. Isa rin sa
dahilan nito ay ang pagunlad ng ating bansa at makisabay
sa estado ng ibang bansa ayon sa kanila.
Maitatawag nga bang kaginhawaan ang dulot nito, kung
merong mga taong mawawalan ng tarbaho? Ito ba ang
sinasabi nilang susi sa pag unlad ng ating bansa?
Talakayin natin kung ano nga ba ang mga kinakaharap na
mga problema ng mga guro ngayon ng dahil sa k-12.
Isa sa pinaka naaapektohan ngayon sa nagsimulang k-12 ay
ang mga college professors. Papaano na nga ba ang mga
college professors? Ano na nga ba ang mangyayari sa
kanila?
Sabi pa nga ni Archbishop Socrates Villegas, pangulo ng
Catholic Bishops Coference of the Philippines (CBCP) na
dahil sa K to 12 program ay inaasahan nang ang mga higher
education institutions (HEIs), colleges at universities ay
mawawalan na ng freshmen sa taong 2016. At kung
mawawalan ng mga estudyante ay posibleng mawalan na
rin ng trabaho mga guro.

Maraming mga college professors o guro ang natatakot o


nag-aalala para sa kanilang sarili at higit na sa kanilang
pamilya. Maraming college professors o guro ang unti-unti
ng nangingibang bansa dahil natatakot sila para sa kanilang
pamilya at hindi nila kayang Makita itong naghihirap. Ito ang
malaking problema na lagging kinakaharap ng ating bansa,
ang brain drain, kung saan ang ating mahuhusay na guro,
doctor, nars,at iba pang propesyonal ay ibang bansa ang
nakikinabang sa kanilang husay. Ito nga ba ang sinasabi
nilang kaunlaran?
Isa pang problemang kinakaharap ng mga guro ay ang
maliliit na sahod. Sa pagsisimula ng k-12 magkakaroon ba
nang inkris ng sahod ang mga guro?
Ang k-12 ay malaking hamon para sa mga guro katulad niyo
at para sa mga estudyante. Malaking sakripisyo ang
ibinibigay ng bawat guro sa pagtuturo. Kahit hirap at pagod
na sila ay hindi nila ito ininda para lang may matutunan ang
bawat mag-aaral. Sana sa bawat sakripisyo ng bawat guro
ay masuklian ito ng tama at patas. Dapat nating isulong ang
pagtaas ng sahod. Hindi habang buhay ay mananatili
lamang ang kanilang sahod na maliliit dahil sabi nga ng iba
WALANG FOREVER.
Gusto ko kayong pabaunan ng katanongan ukol sa K-12, at
iyon ay, Sa pagbubukas ng grade 11 sa susunod na taon,
handa na nga ba ang lahat?
Iyon lamang po. Ulit, magandang hapon sa inyong lahat.

You might also like