You are on page 1of 2

NOVICIO, Christian Eric A.

BSCE2-2
Panimula: Ang nag-uulat ay babati ng magandang umaga sa guro at sa mga kamag-aral.
Reporter: Ang aking irereport ay patungkol sa iba pang mga ekspidisyong ipinadala ng Espanya
sa ating bansa. So, matapos ang pagbabalik ng barkong Victoria sa Espanya, naganyak o
naanyaya nito ang hari ng Espanya na si Haring Carlos na magpondo at magpadala pa ng mga
ekxpidisyon sa lugar na pinagbuhatan ng Victoria. Pangunahing layunin ng pagpapadaa ng mga
ekspidisyong iyon ay ang pagtatatag ng kolonya sa Molukas. Subalit, sa kasamaang palad, ang
mga sumunod na ekspidisyon na iyon ay hindi nagtagumpay.
Una sa mga ekspidisyong ito ay pinamunuan ni Padre Juan Garcia Jofre de Loaisa noong
1525-1526 na nakarating lamang sa may bahagi ng Mindanao ngunit nabigong magtatag ng
kolonya doon. Isang dahilan marahil ay sapagkat ang mga Muslim na nananahan sa bahaging
iyon ng Mindanao ay may mataas na antas ng pagkakaisa na nakaugat sa kanilang pagpapahalaga
sa kanilang mayamang kultura.
Ikalawang ekspidisyon ay pinamunuan ni Sebastiain Cabot, ang naging kapitan ng
Victoria matapos ang pagkamatay ni Magellan at naglayag pabalik ng Espanya. Nabigo rin siya
at sinasabing nakarating lamang sa Brazil.
Ikatlo ay ang ekspidisyong pinamunuan ni Alvaro de Saavedra o Sayavedra noong 15271528, na katulad rin ng mga nauna ay hindi rin nagtagumpay at ang namuno na si Saavedra ay
nadakip
ng
mga
Potuges.
Sa kabila ng mga pagpapadala ng mga ekspidisyong ito ng Espanya, may tunggalian pa
rin sila ng Portugal pagdating sa pag-angkin ng mga lupain. Dito, lumagda sila sa bagong
kasunduan o tinatawag na Treaty of Zaragoza noong Abril 22, 1529. Dito ay nagbayad ang
Portuagl ng 350,000 gintong ducat upang mabili ang Molukas mula sa Espanya. Nagkaroon din
ng bagong pagtatakda sa Line of Demarcation sa pagitan ng mga lugar na mapapasakamay ng
Espanya at Portugal. Sinasaad ng kasunduan na ang mga matatagpuang lupain sa kanluran ng
linya ay sa Espanya at ang sa silangan naman ay mapapasa-Portugal.
Maraming taon na umiiral ang kasunduan subalit noong 1538-1541, nakipagkasundo si
Haring Charles ng Espanya sa mga viceroy ng Mexico at Guatemala na magpadala ng mga
ekspidisyon sa Silangan, lalo na sa Molukas. Dito ay napili si Ruy Lopez de Villalobos, ang
brother-in-law ng Viceroy ng Mexico, upang mamuno sa ekspidisyon. Nakarating siya sa
Mindanao buhat ng 6 na barko. Maraming mga pagsubok at paghihirap ang dinanas ng kanyang
ekspidisyon. Subalit sa kabila nito ay napangalanan niya ang kapuluan ng Las Islas Filipinas
bilang parangal sa prinsipe ng Espanya na si Prince Philip.
Maraming taon ang lumipas bagong muli nagpadala ng ekspidisyon sa Pilipinas. Noong
1556, nagpadala si Haring Philip II ng bagong ekspidisyon. Nilinaw niya na ang mga

ekspidisyon ay hindi dapat pumasok sa mga lupaing pag-aari ng Portugal at ang mga ito ay
naglalayon lamang na magsarbey at mag-ulat sa kalakalan ng pampalasa.
Pinili ng hari si Padre Andres de Urdaneta upang manguna sa paglalakbay at si Miguel
Lopez de Legaspi bilang pinuno. Naglayag sila buhat ng Navidad, Mexico noong 1564 buhat ng
4 na barko at 380 na katao. Narating niya ang Cebu noong 1565 subalit nabigong magtatag agad
ng kolonya dahil sa bangis ng mga Cebuano. NAglayag siya mga kalapit-pulo gaya ng Samar at
Leyte kung saan ay nakipag-sandugo siya kay Bankaw, isang datu ng Samar. Naglayag din siya
patungong Bohol kung saan ay nakipagsandugo siya kay Datu Sikatuna at Datu Sigala.
Buhat sa Bohol ay naglayag sila pabalik sa Cebu at inatake ang mga Cebuano. Dahil sa
mga armas nilang gamit gaya ng mga riple ay nanalo sila at naitaboy ang mga Cebuano
patungong kabundukan. Naitatag ni Legaspi ang unang panahanan ng Espanya sa Cebu at
pinangalanang San Miguel subalit pinalitan ng Sto. Nio matapos matagpuan dito ang imahe ng
santo.
Nalipat ang panahanan mula Cebu patungong Panay matapos harasin ng mga Portuges
ang grupo ni Legaspi at harangin ang suplay ng kanilang pagkain. Mula sa Panay ay nagpadala
siya ng mga ekspidisyon sa mga kapalapit na pulo.
Noong 1570, nagpadala si Legaspi ng ekspidisyon sa mas malayo pang lupain sa
Maynila. Ito ay pinamunuan nina Martin de Goiti at Juan de Salcedo. Noon ay ang kaharian ng
Maynila ay pinamumunuan nina Raja Sulayman at Lakandula. Tinanggihan ni Rajah Sulayman
ang pagbabayad ng tributo sa mga Espanyol kaya nauwi ito sa labanan kung saan ang mga
katutubo ay natalo buhat na rin sa kalamangan sa mga armas ng mga Kastila.
Nagbalik si de Goiti sa Panay at iniulat kay Legaspi ang patungkol sa kaharian ng
Maynila. Dito ay naghanda si Legaspi ng mas malaking ekspidisyon patungong Maynila. Naging
mapayapa ang sumunod na pagtungo sa Maynila at nakuha ni Legaspi ang titulong Adelantado.
Itinalaga niya ang Maynila bilang capital city ng kapuluan. Ito rin ang nagsilbing pundasyon ng
pananakop sa kapuluan.

You might also like