You are on page 1of 2

Ang Ating Panapat sa Bansang Tsina

July 17, 2015


Written by Journal Online
Published in Pananaw Pinoy
Ang pagtatayo ng bansang Tsina ng mga istraktura at pagpapatuloy ng reclamation
acitivities sa mga pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea ay isang
matinding hamong kinahaharap nating mga Pilipino bilang isang bansa, pero
mayroon nga bang karapatan ang Tsina para gawin ang mga bagay na ito? O sadya
bang ilegal ito dahil ang Pilipinas ang siyang tunay na may karapatan sa mga lugar
na
pinag-aagawan?
Bagamat maraming anggulo sa usaping ito, mayroong dalawang aspetong
napakahalaga sa pagsusuri ng karapatan ng bansang Tsina sa isyu ng West
Philippine Sea. Ito ay ang aspeto ng kasaysayan at ang aspeto ng batas.
Sa aspeto ng kasaysayan, deklarasyon ng bansang Tsina na sila talaga ang tunay na
may-ari ng karagatang pinagtatalunan dahil sa mahabang panahong ginagamit nila
ito sa pakikipagkalakal sa ibat ibang dako ng rehiyon sa Asya. Madaling
napapasubalian ang argumentong ito ng mga eksperto sa kasaysayan ng mundo.
Ito ay dahil ayon sa kanila, ang bansang Tsina ay hindi kailanman nakilala bilang
isang maritime power. Hindi eksperto ang mga Tsino sa paglalayag dahil nakatuon
sila sa agrikultura bilang pinagkukunan ng ikabubuhay. Buo ang kanilang lupain at
sa kalakihan nito ay matataya itong isang integral unit na di pinaghihiwalay ng mga
tubig. Hindi ito tulad sa Pilipinas at sa mga ibang bansang arkipelago na
nakadepende sa paglalayag sa tubig ang kabuhayan ng mga mamamayan.
Ayon sa mga eksperto, ang West Philippine Sea ay sinimulang gamitin at tahakin ng
mga taong tinatawag na Austranesians noong panahong wala pang hari at
gobyerno ang Tsina. Ang mga Austranesian ang nangunguna sa paglalayag noon at
kumalat sa ibat ibang dako ng mundo hanggang makarating sa ating dako.
Masasabing sila ang mga sinaunang katutubo sa Pilipinas, Malaysia, Borneo at
Indonesia. Higit pa rito, napatunayang ang Pilipinas ay mayroong mas naunang
mapa na inilabas noong taong 1734. Sa nasabing mapa, kasama ang Scarborough
Shoal, na pinangalanang Panacot, sa ating teritoryo. Dalawang daang taon itong
nauna kaysa sa mga mapa ng Tsina. Noong 1947 lamang umpisang isinama ng
Tsina
ang
teritoryong
pinag-aagawan
sa
kanilang
mapa.
Sa aspeto naman ng batas, malinaw na wala ring legal na basehan ang pagkamkam
ng Tsina sa kabuuan ng West Philippine Sea. Ayon sa United Nations Convention on
the Law of the Sea, ang isang bansa ay may karapatan sa karagatang pumapaloob
sa 200 nautical miles mula sa teritoryo at lupain nito. Pasok sa ganitong
pamantayan ang mga isla ng Scarborough Shoal at Spratly. Ang mga inaangking
teritoryo ng Tsina ay may layo nang halos 1000 nautical miles mula sa Hainan
Island, na siyang pinakamalapit nilang isla. Kung pagbabatayan talaga ang batas,
Pilipinas
ang
siyang
may
karapatan
sa
West
Philippine
Sea.
Bagamat ang kasaysayan at batas ay nasa panig natin, ang lakas militar at yamang
ekonomiya ay nasa bansang Tsina. Ito ang dahilan kung bakit di sila pumapatol sa
desisyon ng Pilipinas na iakyat sa International Court of Arbitration ang kaso.
Piliipinas kasi ang llamado sa forum kung saan batas at kasaysayan ang tinitingnan.
Kaya naman, gumagamit sila ng lakas at yaman, at nakikita ito sa kanilang patuloy
na pagre-reclaim at pagkamkam nang sapilitan sa mga bahagi ng West Philippine
Sea.
Ang tanong, ano nga ba ang pinakamabisa nating panlaban? Bukod sa batas at

kasaysayan, di tayo dapat umasa sa lakas militar o sa lakas ng ibang mga bayan.
Una sa lahat, tayong mga Pilipino ay dapat magpursigi sa ating pananalangin at sa
pagtawag sa nag-iisang Dakilang Tagapagtanggol ng mga inaapi at tunay na
nagmamay-ari ng lahat ng isla sa Pilipinas ang ating Panginoong Hesus na Hari ng
lahat.
Ang Opinyon ng Pillipino ay isinulat ni Atty. Jeremiah Belgica ng Pananaw Pinoy.
Dahil sa isang bansang may demokrasya, opinyon ng bawat isa ay mahalaga.

You might also like