You are on page 1of 4

First year high school ako noon. Transferee galing sa isang private school.

At
that time hindi pa ako ganun kagaling mag communicate sa mga tao lalo na
at konti lang yung mga taong nakakasalamuha ko sa school na pinag tapusan
ko ng elementary. Medyo ilang pa nga ako noon eh. First day of school, wala
akong kakilala na kahit sino sa school na pinag enrollan ko except kay raiza.
Si raiza yung nakakasama ko palagi dati na mag organ lessons sa simbahan
kaya naman nakilala ko din siya. Yung school kasi na pinag enrollan ko ay
may kasamang simbahan kaya required kaming mag samba tuwing Sunday.
Going back to the topic, Ang hirap pala talaga pag introvert ka. Gusto mo na
makipag usap sa mga tao sa paligid mo pero mahirap magawa dahil na rin
siguro na nahihiya ako. Simula naman kasi nung pag ka bata ko puro books at
computer lang ang hawak ko. Books,books and books.

Mataas kasi expectations sa akin ng parents ko. Dahil na nga rin siguro dito
wala akong social life nung childhood days ko. Well so eto na nga, buti na
lang andun sa raiza para ipakilala ko sa mga bago naming classmates. Kung
ako ay introvert at hindi mahilig makipag usap siya naman ay complete
opposite ko. Madaldal, easy to get along with at syempre cute at maganda .
So ayun na nga fast forward na tayo. Palagi na kami mag kasama ni raiza
everytime dahil na nga rin sa parehas kaming church organist. Halos ata
araw araw na lang kaming tumutugtog sa simbahan kaya naging close kami
sa isat isa. Kahit naman papano nag ka crush ako sa kanya ng konti haha.
Inamin ko din naman sa kanya pero ayos lang daw yun. Naging mag
bestfriends na nga din kami dahil sa sobrang closeness naming eh. Eto na
nag 2nd year high school na ko. Merong isang girl who caught ng attention
ko. Sobrang ganda niya kasi at sobrang approachable din. Tapos yung height
niya is hindi rin naman ganun katangkaran. Sakto lang kumbaga. Na turn on
talaga ako sa ugali niya kasi sobrang bait niya sa akin. Hindi ko naman
ginagawan ng meaning yung actions niya kasi para sa akin wala lang yun
friends pa lang naman kami.

Then eto na nga as months pass by kaming 3 na mag kaka samang 3 tuwing
pag uwi sa hapon. Si Raiza si bestfriend #2 at si Mariefel naman si bestfriend
#1. Nagtaka ba kayo kung bakit ganyan? Haha kasi mas naging close pa ako
kay mariefel at that time kaya siya yung naging best friend #1 ko. Eto na
mag November 1 na nga araw ng patay haha. Pagkatapos namin tumugtog
ni best raiza sa cemetery, nakita ko si mariefel na pinapanood din pala kami
sa malayo. Yung tipong pang commercial lang, parang nag slow motion yung
mundo ko. Her breath taking smile made my heart melt. Sa sobrang kilig na
din siguro haha parang dun na nagsimula na ma attract ako sa kanya tapos
medyo lumilipad yung buhok niya kasi at that time medyo mahangin kasi
umaga pa sa cemetery. Turn on din kasi sa akin yung mga babaeng
mahahaba yung buhok, I dont know why but I find it attractive. Then ayun na
nga kinakausap na niya pala ko hindi ko pa alam. Mukhang tanga lang haha.

After the mass, hinatod ko siya sa bahay nila. Mabait nga yung parents niya
sa akin. Sobrang welcome ako dun sa bahay kahit first time palang akon nag
punta. Fastforward na natin ulit. Valentines day na. Hindi ko alam kung pano
ko ibibigay yung gift ko na teddy bear. Sa sobrang hiya ko pinaabot ko pa sa
maid naming yung gift ko para lang maibigay sa kanya hahaha langya lang.

Then eto na 3rd year na kami parehas. Dapat sa section 1 ako talaga
mapupunta kaso pinili ko sa section 2 kasi andun din naman siya. Saka mas
mababait ang mga classmates pag sa section 2 haha. One time merong
pinagawang assignment sa amin yung teacher naming sa TLE(Technical and
Livelihood Education). Dapat dun sa paper na yun isusulat naming yung
name ng crush namin. Unang napansin ni prof yung paper niya nung na
ipass namin tapos binuking siya hahaha. Sinabi ni prof pero indirectly naman.
Kahit ganun syempre may idea na yung classmates namin. Ako naman
kinikilig hahaha. Ang hirap itago napapanigisi na lang ako na natatawa dahil
nung time na na announce ni prof yung mga crush naming hinahamaps niya
yung bag niya na spongebob sa table. I find it cute naman. Nung yung sa
akin na yung sinabi ni prof nahiya naman ako kaya hindi kami nag ka tinginan
pero deep inside alam kong kinikilig din siya. Merong mga times na pag
magrereview kami aakyat pa kami ng library and well spend our time there
together lalo na pag nag rereview kami sa chem ako kasi yung tutor niya.
May mga times din na habang nag discuss yung geometry professor naming
wala kaming maintindihan kasi parehas kaming mahina sa math haha. Kaya
yung mga classmates naming bigla nalang titingin sa direction namin as if we
are weirdos. Eto na naman December na mag Christmas party na kami.
Syempre uso yung mga sayaw sayaw nun. Sa sobrang dami ng nag sayaw sa
kanya finally its my chance hahaha. Last dance pa naman niya ako. Tapos
ang tugtog pa is fall for you by second hand serenade. Medyo awkward
parehas kaming hindi mag ka tinginan. Hindi namin napansin na tapos na
pala yung song andun pa rin kaming dalawa na nag sasayaw na parang baliw
hahaha. Then ayun sa sobrang tuwa ko na I kiss ko siya sa forehead.
FOREHEAD lang naman. Hindi ko alam na sa sobrang sweet naming 2 unti
unti na pala kong na fafall sa kanya. Pero nag hesitate pa rin ako mag confess
sa kanya kasi nga best friend ko na din for almost 2 years tapos baka masira
lang relationship namin as best friends. Nararamdamin ko din na parang may
gusto siya sa akin pero hindi ko na lang pinansin. Mahirap kasing umasa.

Eto na 4th year na kami. Hindi pa rin ako sa kanya umaamin. Sabi ko last
chance ko na to. Ang masaklap pa dun hindi kami mag ka section kasi nilagay
nila ko sa section 1. Medyo nawala yung closeness naming 2. Pinili na lang
naming parehas na mag focus sa studies total naman eh graduating students
na kami. Fast forward ulit haha. Nung mag graduation na I hugged her so
tightly and told her that I love her. Hirap na hirap akong sabihin sa kanya.
Sa sobrang katangahan ko ang nasabi ko I love you as best friend. Pero kahit

na ganun gumawa kami ng promise sa isat isa na after naming maka


graduate ng college at wala pa rin kaming ka relationship kaming dalawa na
lang yung magpapakasal. Lumipas yung ilang months 1st year college na ako
nun. Isang araw nabalitaan ko na lang na nabuntis siya. Sa sobra kong galit I
ignored her for 3 years at nag focus muna ko sa studies ko hanggang sa
dumating yung time na naimbitahan ako sa highschool reunion namin..

Cycle of friendship as "best friends" according to me:

Strangers---> Best Friends "Forever" ---> "Lovers" ---> loss of


interest/feelings---> break up---> "Friends"-----> out of touch---->
Strangers----> "End" ----> ""The End""

Stages of moving on accoridng to psychology:

1) Shock and denial ---> avoidance, confusion


2) Anger-----> frustration, anxiety
3) Depression and detachment----> lack of energy, helplessness
4) Dialogue and bargaining----> desire to tell one's story, struggle to find
meaning for what has happened
5) Acceptance----> a new plan in place, return to meaningful life

PS: Kaya wag minamadali ang pag momove on hahaha. Mas lalo ka lang
mahihirapan pag minadali mo eto. Part talaga ng life ang "masaktan" once na
magmahal ka. God didn't want to hurt you. He do things for a "reason".
Instead of doubting him, believe that a better tomorrow awaits you.

You might also like