You are on page 1of 1

Kayang-kaya pa ipatupad kapag ipinaglaban!

MAGKAISA AT IPANAWAGAN:

P2,000

ACROSS-THE-BOARD PENSION HIKE

NGAYON NA!

Maugong ang balita nitong linggo: hinadlangan, o vineto ni BS Aquino ang


panukalang-batas ng P2,000 pagtaas ng pensyon sa SSS, na ipinasa ni Rep. Neri
Colmenares.
Napakaliit na ngang umento sa pensyon, hindi pa ipinagkaloob ni Aquino. Mas
pinangatwiranan pa niya ang milyong pisong natatanggap ng pamunuan ng SSS!
May pera para sa mga kaibigan at kabarilan, ngunit wala para sa mamamayan!
Labis na nagsisinungaling si Aquino: napatunayang hinding-hindi malulugi ang
SSS sa dagdag-pensyon!

May mga ibat ibang paraan pa upang makamit ang dagdag-pensyon, at para
hindi agad malugi ang SSS. Igiit natin ang:
Pagpapataas ng nakukuhang koleksyon ng SSS mula sa mga miyembro.
Napakababa ng 38% tantos ng koleksyon nito!
Parusahan ang mga kapitalistang hindi nagbibigay ng kontribusyon ng kanilang
mga empleyado!
Gawing regular ang mga kontraktwal na manggagawa. Lalong tataas ang
makokolekta nito, at masisigurado ang kinabukasan nila pagtanda.
Itigil na ang pagbibigay ng milyun-milyong bonus para sa pamunuan ng SSS.
Ayon sa datos, halos P3 milyon ang nakukuha ng bawat isa sa kanila, noong
2014 lang!
Gawing matipid at episyente ang pamamalakad sa SSS.
Kayang-kaya nating igiit ito mula Kongreso, upang baligtarin ang pagbasura
ni BS Aquino sa panukalang-batas; maging kulitin mismo siya upang baguhin
ang kanyang desisyon! Nakita na natin ang magagawa ng ating pagkakaisa.
Paingayin pa natin sa ibat ibang paraan ang ating mga panawagan!
Ibahagi sa mga pagtitipon ng mga pensioners at senior citizens ang panawagan.
Huwag kalimutang itala at ilabas sa anumang paraan.
Sumama sa mga nakatakdang protesta at aktibidad para sa pagtataguyod nito.

38% 56B 160B

porsyentong
nakokolekta lamang
ng SSS sa isang taon

halaga ng dagdagpensyon para sa 2


milyong pensioners

kabuuang revenue ng
SSS mula sa kita at
kontribusyon nito

Mayroon pang P428 bilyon/taon ang SSS para sa reserbang maaring gamitin
sa pamumuhunan! Kayang-kaya talaga ng SSS ang umento sa pensyon, ngunit
ayaw lamang nito ibigay sa mga tunay na nangangailangan. Marami pang mga
pag-aaral ang magpapatunay nito, na hindi masagot nila BS Aquino.

SSS PENSION HIKE, NGAYON NA!

MANGGAGAWANG KONTRAKTWAL, GAWING REGULAR!


SAHOD, TRABAHO AT KARAPATAN, IPAGLABAN!
TAGAPAMANDILA NG TUNAY, MAKABAYAN
AT ANTI-IMPERYALISTANG UNYONISMO

PAGKAKAISA NG MANGGAGAWA SA TIMOG


KATAGALUGAN - KILUSANG MAYO UNO
(PAMANTIK-KMU) Enero 2016

You might also like