You are on page 1of 5

NOBELA

Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga


pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang
pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at
ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng
maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito
ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at
kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.
Layunin:
gumising sa diwa at damdamin
nananawagan sa talino ng guni-guni
mapukaw ang damdamin ng mambabasa
magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan
nagbibigay inspirasyon sa mambabasa
napupukas nito ang kaalaman ng tao sa pagsulat ng nobela
Katangian:
maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan
pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay
dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
maraming ligaw na tagpo at kaganapan
ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari
malinis at maayos ang pagkakasulat
maganda
maraming magagandang tagpuan kung saan nakikilala pa ng lalo ang mga tauhan
Bahagi:
tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan

tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela


banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda a. una - kapag kasali ang may-akda
sa kwentob. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap c. pangatlo - batay sa
nakikita o obserbasyon ng may-akda
tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari
pamamaraan - istilo ng manunulat
pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela
simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at
pangyayarihan
GAPO
ni: Lualhati Bautista

Buod
Si Michael Taylor Jr. ay isang dalawangpung taong gulang na folk singer sa isang bar

na nagngangalang freedom pad. Anak siya sa labas ng isang amerikanong sundalo


na hindi niya nakita man o nakilala. Malaki ang galit niya sa mga amerikano dahil sa
ginawa ng ama niyang pag-iwan sa kanyang ina at sa kanyang pagiging anak sa
labas na ginawang katatawanan ng iba. Lalo siyang nagalit nang masaksihan niya
ang pag-aalipusta ng mga sundalong amerikano sa mga kaibigan niya. Si Dolores,
ang ina niyang nag-ampon dito at nakasama niya sa paglaki. Si Magda ay isang
masugid na tagahanga ng mga sundalong amerikano sa kabila ng mga pasakit na
dinanas niya ng dahil sa mga ito. Matalik na kaibigan ni Michael sina Modesto at Ali.
Si Modesto ay isang pilipinong manggagawa sa base militar. Api-apihan ito sa
pinagtatrabahuan niya. Wala siyang kaibigang amerikano roon maliban kay William
Smith. Tinitiis niya na lamang ang kanyang trabaho dahil malaki ang halagang
kinikita niya rito. Si Ali naman ay isang baklang masalapi. At nagkarelasyon sila ni
Modesto. Naging kasintahan niya ang isang amerikanong sundalo na si Richard
Halloway.
Isang araw, hindi na natiis ni Modesto ang pang-aapi sa kanya ng mga sundalong
amerikano sa base militar. Nakipagsagutan siya sa isang opisyal doon at nauwi ito
sa suntukan. Lamang sana si Modesto nang pagtulungan siya ng mga kasamahan
ng sundalong puti. Sa kabila ng pagpipigil at pakikiusap ni William, napatay nila si
Modesto.
Si Ali naman ay ninakawan nina Richard at Ignacio at binugbog rin.
Si Magda ay nagkaroon ng panibagong kasintahang sundalo na nagngangalang
Steve Taylor. Noong simula ay napakabait ni Steve hanggang sa sa nabuntis siya
nito. Makakatagpo na sana ni Michael ng isang kaibigan sa sundalong kano nang
matuklasan nilang mayroon itong babalikang pamilya sa Estados Unidos.
Nanumbalik ang mga alaala niya sa sinapit ng kanyang ina, pati nina Ali at Modesto
sa nga amerikano. Naulit na naman ang paglilinlang ng mga sundalong amerikano
kay Magda. Hinampas ni Michael si Steve sa ulo gamit ang kanyang gitara na
ikinamatay ni Steve. Nakulong si Michael.
Sa huling bahagi ng istorya ay dinalaw ni Magda si Mike sa kulungan. Ipinagpaalam
niya ang pagpapangalan ng anak niya kay Mike. Ang bata ay magiging si Michael
Taylor III. Naghawak ng mahigpit ang kanilang mga kamay sa magkabilang panig ng
rehas.

TITSER
ni: Liwayway A. Arceo

BUOD:
Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng mag-asawang
Amelita at Mauro na kapwa pinili ang propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang
naratibo sa mariing di-pagsangayon ni Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa
pagsasamahan ng dalawa. Sapagkat ang kanyang apat na anak ay nakapagtapos sa
kolehiyo ng may "titulo," tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng
kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang hindi titulong maituturing ang pagiging
"titser", bukod pa sa kakarampot na sweldong nakukuha ng anak. Gayunpaman,
nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata mula sa
pamilya ng mga asendero na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si Aling
Rosa sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si
Mauro, isang ring guro sa pampublikong paaralan.
Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng mag-asawang
Amelita at Mauro na kapwa pinili ang propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang
naratibo sa mariing di-pagsangayon ni Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa
pagsasamahan ng dalawa. Sapagkat ang kanyang apat na anak ay nakapagtapos sa
kolehiyo ng may "titulo," tutol si Aling Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng
kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang hindi titulong maituturing ang pagiging
"titser", bukod pa sa kakarampot na sweldong nakukuha ng anak. Gayunpaman,
nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang binata mula sa
pamilya ng mga asendero na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si Aling
Rosa sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si
Mauro, isang ring guro sa pampublikong paaralan.
Nang malaman na ipapakasal siya ni Aling Rosa sa binatang si Osmundo, agad na
nagkipagisang dibdib si Amelita kay Mauro. Dahil sa pagkabigo, at dahil na rin sa
poot sa bunsong anak, umalis si Aling Rosa sa probinsya at nagbakasyon sa mga
anak na nasa Maynila. Bagamat doon ay hindi siya inaaasikaso ng mga anak, labis
pa rin ang kanyang kaligayahan dahil sa asensong tinatamasa ng mga ito, at
ikinakatwiran na lamang sa sarili na talagang abala ang mga taong mauunlad ang

buhay. Samantala, sa probinsya, nagdesisyon rin ang binatang si Osmundo na


umalis na sa nayon at magtungo sa Estados Unidos. Ngunit bago mangyari ito ay
gumawa siya ng maitim na plano laban sa mga bagong kasal. Inutusan niya ang isa
sa mga katiwala na patayin si Mauro. Subalit wala sa kaalaman ni Osmundo na hindi
ito ginawa ng kanyang inutusan sapagkat ang anak nito ay minsan ring
pinagmalasakitan ng gurong si Mauro.
Nasa ikapitong buwan pa lamang ng pagdadalantao si Amelita nang ipinanganak
ang kanilang anak na si Rosalida. Dahil kulang sa buwan ang bata ay kailangan
nitong manatili sa ospital. Nalaman ito ni Aling Rosa at agad na binisita ang anak, sa
kabila ng hinanakit. Kahit ganito ang sitwasyon, hindi pa rin tumitigil ang ina ni
Amelita sa pagsasaring ukol sa mahirap na pamumuhay ng mag-asawa.
Ipinamumukha pa rin niya ang matinding pagtutol sa manugang na si Mauro.
Lumipas ang ilang taon. Lumaki si Rosalida na isang mabait at matalinong bata.
Isang araw ay nagbalik si Osmundo sa probinsya, at nagkaroon ng malaking
pagdiriwang para sa kanyang pagdating. Doon muling nagkatagpo sina Mauro at
Osmundo, subalit kinalimutan na ng dalawa ang nakaraan. Taliwas naman dito ang
nadaramang pangamba ni Amelita sa pagbabalik ng masugid na panliligaw.
Nararamdaman nitong may plano itong masama laban sa kanyang pamilya.
Hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ni Osmundo kay Amelita, kahit na may asawa't
anak pa ito. Nagkaroon ng pagkakataong makilala niya si Rosalida, at naging
magaan ang loob nito sa bata. Isang araw ay naisipang ipasyal ni Osmundo si
Rosalida sa kanyang hasyenda. Wala ito sa kaalaman nina Mauro at Amelita, at labis
na nag-alala ang mag-asawa. Buong akala nila'y si Rosalida ang paghihigantihan ni
Osmundo ngunit di naglaon ay nagbalik rin ang bata, ipinagmamalaki pa ang
kabaitang ginawa ni Osmundo. Di nagtagal, napagkuro na rin ni Osmundo na
tuluyan ng tumira sa ibang bansa at kalimutan ang minamahal na si Amelita.
Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya ang kanyang
mga anak ngunit wala ni isa mang dumating maliban kay Amelita na matiyagang
nag-asikaso sa kanya. Pawang gamot at padalang pera lamang ang ipinaabot ng
apat na anak. At doon natauhan ang matanda sa kanyang pagkakamali.

You might also like