You are on page 1of 11

CHARACTER EDUCATION V

Date: _________________
I. Layunin:
Naipakikita ang katapatan sa pakikitungo sa kapwa sa pamamagitan ng pagsasabi ng totoo.
Kahit masaldan man ang kalooban kung ito ay para sa kabutihan.
II. Paksang Aralin
Katapatan sa Kapwa
B.P.
: Pagmamahal
K.P.
: Katapatan
EKAWP : dh.5
E.L.C.
: pah. 13
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Isang araw ay hinamon ka ng suntukan ng iyong kaklase dahil sa ikaw ang ginawang lider ng
guro ninyo. Ano ang iyong gagawin? Paano mo siya kakausapin at pagpapaliwanagan?
2. Larawan ng isang masungit at nakatawang bata.
Ano ang napapansinsa dalawang larawan, "Sino sa kanila ang gusto mong maging kaibigan?
Bakit?
B. Panlinang na Gawain
1. Isang araw pilit na nagpapasama ang iyong kaibigan na gustong sumali sa isang "Beauty
Contest" Pero alam na alam mo na hindi siya maaaring sumali dahil sa bukod sa siya'y maliit
lamang, bulol pa.
2. lkaw, bilang kaibigan papayagan o hahayaan mo ba siyang tumuloy na makilahok sa
"Contest" na iyon? Bakit?
Paano niya malalaman ang kanyang mga kakulangan o kapintasan kung sa pagsasabi mo sa
kanya ng katatohanan ay ikagagalit niya , sa iyo? Ano ang iyong mararamdaman? Bakit?
3. Sa palagay mo nailigtas mo ba siya sa isang kahihiyan? Nakabuti, ba ang pagsasabi mo sa
kanya ng katotohanan?
4. Bakit kailangang ipagtapat ang katotohanan, kahit ito'y masakit sa kalooban?
IV. Pagtataya:
1. Tama bang ipagtapat ang katotohanan sa husgado, kahit ang nasasakdal ay iyong kamag-anak?
2. Ang pagtatapat ng totoong dahiJan kung bakit madalas lumiban sa klase ay tama?
V. Kasunduan:
Maglahad ng sariling karanasan tungkol sa pagsasabi ng katotohanan laban sa kamag-aral/
kaibigan/kaanak. Sabihin anong kabutihang nagawa nito.

CHARACTER EDUCATION V
Date: _________________
I. Layunin:
Iniiwasan ang panloloko sa kapwa
II. Paksang Aralin
Katapatan sa Kapwa
B.P.
: Pagmamahal
K.P.
: Katapatan (Katapatan sa Gawa)
E.L.C.
: dh. 13
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
Nakita mong hindi angkop ang suot ng iyong kapatid para sa dadaluhang pagtitipon? Ano ang
iyong gagawin?
B. Panlinang na Gawain
1. Isang araw ay may bisitang dumating ang ate mo. Agad kang pinabili ng mamimiryenda.
Alam mong sobra ang ipinadala sa iyong pera. Anoang iyong gagawin?
2. Hayaang magbigay ng mga karanasan ang mga bata gaya ng narinig na sitwasyon.
Ano ang kapalit ng di mo panloloko sa iyong kapwa?
K. Paglalapat
Lutasin ang Suliranin
1. Malaki ang kinikita ng magkasosyong Mang Pepe at Mang Pedro sa kanilang negosyo. Pero
hindi alam ni Mang Pepe. Ano ang dapat gawin ni Mang Pepe? Bakit?
IV. Paggamit ng tseklis:
Sagutan ng madalas, paminsan-minsan. Hindi kailanman
1. Nugsisinungaling ako kapag inuutusan.
2. Nagtatapat ako ng katotohanan pag ako'y tinatanong.
3. Nagsasabi aka ng katotohanan kung ako ay may maysala kahit parusahan ako.
4. Ibinibintang ko sa iba ang ginagawa kong kasalanan.
5. Sinasabi ko ang tunay na halaga ng bagay na aing binibili.
V. Kasunduan:
Ano ang napatunayan mo sa iyong sarili kung nagsasabi ka ng totoo sa iyong kapwa?

CHARACTER EDUCATION V
Date: _________________
I. Layunin:
Naisasagawa ang pakikitungo nang matapat sa kapwa
II. Paksang Aralin
Katapatan sa Kapwa
B.P.
: Pagmamahal
K.P.
: Katapatan (Katapatan sa Gawa)
Kagamitan : Larawan ng mga nagbubulungang tao
E.L.C. ph. 13
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Kaibigan mo ang kumuha ng "ballpen" ng iyong kaklase at ito'y hilung-hila na sa
paghahanap nito, sasabihin mo ba ang katotohanan?
2. Pagganyak
Ano ang ibig sabihin ng kasabihan sa wikang Ingles na "No man is an Island"?
B. Panlinang na Gawain
1. Ipakita ang larawan. Ano kaya ang kanilang ginag.awa? Sino kaya ang kanilang pinaguusapan?
2. Ilahad ang kuwento.
Si Marta ay isang batang laging nag-jisa. Mayroon siyang kaibigan, si karen, lahat halos
ng kanyang lihim ay sinasabi niya rito. Ang, kaso sa tuwing nakatalikod si Maria lagi niya
itong kinukuwento sa iba niyang kaklase kung kaya't lagi nila itong pinag-uusapan. Dahil dito
hindi na muling nagtiwala si Marta.
3. Pagtalakay
a. Ilarawan si Maria
b. Sino ang kaniyang itinuturing na kaibigan/ilarawan ito.
c. Tama ba ang kanyang ginagawa para kay Marta? Bakit?
K. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Ano ang tamang paraan ng pakikitungo sa kapwa?
2. Paglalapat:
Pangkatin ang klase sa apat. Hikayatin ang bawat pangkat na magpakita ng maikling
dula-dulaan upang maipakita ang matapat na pakikitungo sa kapwa. Piliin ang may
pinakamagandang palabas.
IV. Pagtataya:
1. Nagkagalit kayo ng iyong kaibigan at alam mo ang kaniyang mga kahinaan. Pagkakataon mo na
para makaganti, ano ang gagawin mo?

2. Asar ka sa isa mong kaklase, nagkataong ikaw ang kanyang nilapitan upang humingi ng tulong.
Ano ang iyong gagawin?
3. Kapitbahay mo ang iyong kaklaseng napatayo sa loob ng klase, alam no na siya ay napahiya.
Pinakiusapan ka niya na kung maaari ay huwag mo itong ikuwento sa bahay, ano ang gagawin
mo?
V. Kasunduan:
Magtala ng dalawang paraan kung paano maipakikita ang pagiging tapat sa iyong kapwa.

CHARACTER EDUCATION V
Date: _________________
I. Layunin:
Naipapakita ang pagpigil/pagtitimpi sa sarili na gumawa ng marahas na hakbang kapag galit.
II. Paksang Aralin
Disiplina sa Sarili
B.P.
:
K.P.
:
E.L.C.
:

Pagmamahal
Disiplina
pah. 15

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Isang Awit
2. Pagbasa ng pang-umagang pahayagan tungkol sa magkaibigan na nagkapatayan dahil sa
maliit na dahilan at di pagkakaunawaan. (o alin man sa balita na angkop sa paksa)
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Isang Sitwasyon:
Magkaibigang matalik sina Alice at Melody. Naiinggit sa kanila si Zeny na dating
pinakamatalik na kaibigan ni Alice. Isang araw ay may isinumbong sa guro nila si Zeny
tungkol kay Melody. Nagpaliwanag si Melody sa guro na di naman tatoo ang isinumbong ni
Zeny tungkol sa kanya. Ibig nang sugurin ni Melody si Zeny, ngunit pinigilan niya ang
kanyang sarili at malumanay na kinausap, si Zeny. Humingi ng paumanhin si Zeny at
naging magkaibigan na sila.
Ano kaya ang nangyari kung hindi nagpigil ng kalooban si Melody?
2. Hayaan/Bigyan ng pagkakataon ang mga bata na magsalaysay ng kani-kanilang karanasan sa
pagpipigil ng kalooban at pananalita.
Paano mo ipinakita ang pagpipigil mo sa iyong sarili?
Anong kabutihan ang naidulot nito?
Anu-anong mga "tips" O dapat gawin upang maiwasan ang , paggawa ng marahas kung
ikaw ay galit?
3. Dula-dulaan:
Magbibigay ang guro ng iba't-ibang sitwasyon a pangyayari na isasadula ng bawat pang
kat. Pansinin kung paano ipinakita ng bawat pang kat ang pagpipigil/pagtitimpi sa sarili.
IV. Pagpapahalaga:
Sagutin ang sumusunad na mga tanong:
1. Sa anu-anong pagkakataon dapat na magpigil ng kalaoban/sarili at pananalita?
2. Bakit kailangang magpigil ng sarili at pananalita kung nagagalit sa kapwa?
V. Kasunduan:
Iwasan ang paggawa ng marahas na hakbang kapag galit.

CHARACTER EDUCATION V
Date: _________________
I. Layunin:
Naiiwasan ang masamang Gawain tulad ng pagsama sa masamang barkada at pagpapagabi
sa lansangan/kalye.
II. Paksang Aralin:
Disiplina sa sarili
B.P.
:
K.P.
:
E.L.C.
:

Pagmamahal
Disiplina (Katapatan sa Gawa)
ph. 15

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Nagyayaya ang iyang kaklase na mamasyal muna, kailanang makauwi muna dahil
hinihintay ka ng iyong ina. Ano ang iyong gagawin at bakit?
2. Pagganyak:
Bakit hindi tama ang sumama sa barkada at magpagabi sa lansangan laluna kung hindi
alam sa inyo?
B. Panlinang na Gawain
Naglalakad pauwi sina Alfred, Dan at Luis. Nadaan nila ang ilang kaibigan na naglalaro ng
cara y cruz. Tinawag sila upang sumali sa kanila. Umayaw sina Alfred dahil ang laro ay isang uri
ng sugal. Pinagtawanan sila ng mga batang nagsusugal, ngunit hindi sila napilit at nagpatulay sila
ng paglakad pauwi.
Tama ba ang ginawa ni Alfred?
K. Paglalapat
Magagawa ba ninyo ang ginawa nina Alfred? At bakit? Ano ang dapat ninyong sabihin sa
mga batang nagsusugal?
IV. Pagtataya:
Sagutin ang mga sumusunod na pangungusap ng:
Madalas

Minsan

Hindi
Kailanman

1. Sumasama ako sa mga kaibigan na maglaro ng


Video Game
2. Tumitikim-tikim ako ng beer.
3. Umuuwi ako nang gabi dahil masarap ang
mamasyal kasama ng mga kaibigan.
4. Sumasama ako sa mga barkada na gumagamit ng
ipinagbabawal na gamot.
V. Kasunduan:
Sumulat ng isang karanasan na nagpapakita ng pagpipigil sa sarili na sumama sa masamang
barkada.

CHARACTER EDUCATION V
Date: _________________
I. Layunin:

Natutupad ang mga obligasyon/tungkulin ng sariling relihiyon


II. Paksang Aralin:
Pamumuhay ng naayon sa Sariling Paniniwala
B.P.
: Ispiritwal
K.P.
: Pananalig sa Panginoon
E.L.C.
: ph. 17
Kagamitan : Larawan ng ibat-ibang simbahan, talaan ng ibat-ibang Gawain sa simbahan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Bakit mahalaga ang pagdarasal bago at matapos kumain?
2. Pagganyak:
Sa anong relihiyon ka nabibilang? Alam mo ba ang iyaong mga obligasyon bilang isang
__________?
B. Panlinang na Gawain
1. Ipakita ang mga larawan. Anong relihiyon ang may simbahang ganito (larawan)?
2. Ilahad ang kuwento.
Semana Santa, isang kulturang Pilipinong minana pa natin sa ating mga ninuno.
Sinasariwa ditto ang pagkamatay ng Dakilang Lumikha ng dahil sa pag-ibig sa kanyang
sambayanan. Bilang isang Kristiyano ating tungkulin ang magtika sa panahong ito. Ngunit
ano an gating nakikita tuwing darating ang panahong ito, ang maraming lasing sa lansangan
gayundin ang ibat-ibang sugalan. Bahagi ba ito ng pagsunod sa ating tungkulin?
3. Pagtalakay:
Sabihin ang mga obligasyon at tungkulin ng mga
a. Kristiyano
b. Iglesia ni Kristo
c. Muslim
d. Born Again Christian
K. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalahat:
Bakit mahalagang tuparin an gating mga obligasyon at tungkulin sa ating relihiyon?
2. Paglalapat:
a. Sagutin ang mga sumusunod:
1. May masama bang relihiyon? Bakit tila ang mga namumuno dito ay mayroong
magkasalungat na paniniwala?
2. Pag-usapan kung tamang isa ito sa mga ugat ng pagkakagulo ng mga Pilipino.
IV. Pagtataya:
Lagyan ng tsek () kung ito ay iyong ginagawa at ekis ( x ) kung hindi

________
________
________
________
________

1.
2.
3.
4.
5.

Nagsisimba kung araw ng Linggo.


Nag-aalay ng bukal sa sarili.
Iginagalang ang mga araw ng pangolin
Tumutulong sa kapwa lalo na sa kaaway
Iginagalang ang paniniwala ng iba.

V. Kasunduan:
Pumili ng isang relihiyong matatagpuan sa bansa at itala ang mga tungkulin at obligasyon dapat
tupadin ng mga kasapi nito.

CHARACTER EDUCATION V
Date: _________________
I. Layunin:

Nasusunod ang mga ipinagbabawal ng sariling relihiyon


II. Paksang Aralin:
Pamumuhay ng naayon sa Sariling Paniniwala
B.P.
: Ispiritwal
K.P.
: Pananalig sa Panginoon
E.L.C.
: ph. 17
Kagamitan : Larawan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral:
Magsabi ng kaugalian sa ating bayan kapag sumasapit ang Semana Santa?
2. Pagganyak:
Ano ang itinuturo sa inyo ng inyong relihiyon tungkol sa kagandahang asal?
B. Panlinang na Gawain
Si Maria ay isang magandang huwaran ng kapwa niya bata. Siya ay palasimbahin. Pag araw
ng Linggo makikita mo siya kasama ng mga kapatid at tatay at nanay niya na nagsisimba. Siya ay
magalang matulungin at maalalahanin. Walang hindi natutuwa sa kanya. Ang lahat ng
magagandang katangiang makikita sa kanya ay bunga ng mga itinuturo sa kanya sa paaralan
ngunit lalung lalu na sa kanyang pagiging isang junior legionary, isang samahang pansimbahan
para sa mga batang katulad niya.
K. Paglalapat:
Saan natutuhan ni Maria ang katutihang asal na ipinakikita niya?
Ano ang iyong nararamdaman kung kayo ay napupuri kapag kayo ay nakagawa ng mabuti?
Ano ang magandang bagay na itinuturo ng inyong relihiyon?
IV. Pagtataya:
Ano ang itinuturo ng sarili ninyong relihiyon? Gumawa ng lista at lagyan ng tanda kung
sinusunod ninyo o hindi.
V. Kasunduan:
Magtala ng 3 mga Gawain sa inyong relihiyon at ibahagi ito sa klase bukas.

You might also like