Sa dulo ng langit,sa likod ng ulap Sa hanay ng bitwin,ika'y hinahanap Matamis na ngiti ng giliw kong dilag Pumasok ang hangin sa bintanang bukas Dumampi sa 'kin,malamig mong alab Amiha'y binulong sa pusong binihag Tamis ng pag-ibig sa malayong agwat Sa bintanang capiz,akin kang natanaw Gandang nagniningning,bituing dinungaw Larawa'y nabuo,sa kislap ng ilaw Saki'y nakangiti,saki'y nagmamahal Ako'y hinalikan ng mapulang buwan Ginuhit ng luha yaong kalungkutan Sayo'y nangulila,pag-ibig kong hirang Nawa'y mapawi na,aking agam-agam Matayog na bundok,sati'y nakaharang Malawak na dagat,sati'y namagitan Bintanang maliit ang naging ugnayan Upang ang mahal ko'y aking masilayan Layo'y bilang lamang,di makahahadlang Sa dalawang pusong saklaw ng sumpaan Di ka papalitan,nag-iisang mahal Makakapiling din pagdating ng araw