You are on page 1of 2

Law Week 2015

IBP ORIENTAL MINDORO CHAPTER NAGSAGAWA NG


PAGSASANAY SA MGA USAPING LEGAL SA MGA
KAPULISAN NG LALAWIGAN
Isang Seminar On Police Arrest Procedures, Human Rights and
Effective Preparation Of Criminal Complaints ang isinagawa ng
Integrated Bar of the Philippines Oriental Mindoro Chapter sa
pamumuno ng pangulo nito na si Atty. Pepito A. Mortel noong ika
24 Setyembre 2015 sa Sangguiang Panlungsod Session Hall,
Guinobatan, Lungsod ng Calapan.
Humigit kumulang sa 50 mga pulis mula sa ibat ibang bayan ng
Oriental Mindoro at Lungsod ng Calapan ang nakiisa sa nasabing
pagsasanay. Layon ng nasabing programa na mabigyan ng
karampatang kaalaman ang mga kapulisan ng lalawigan,
partikular ang mga imbestigador ng mga tamang kaalaman sa
pagsasampa ng kaso, pagrespeto sa karapatang pantao at
tamang pag aresto ng mga kriminal o suspects.
Ayon sa istatistika, may mga krimen na napapawalang saysay o
na-didismiss dahil sa mga teknikalidad o pagkakamali sa
pagsasampa ng kaso. Nais ng nasabing gawain na mabigyan ng
sapat na kaalaman ang mga kapulisan ng lalawigan para mas
lalong maging mahusay ang mga ito hindi lamang sa pag huli ng
mga kriminal kundi maging pati sa pag usig ng mga kaso sa
hukuman. Kasama din sa programa ang pagbibigay kaalaman sa
mga kapulisan na nagsidalo patungkol sa konsepto ng karapatang
pantao.
Si Atty. Hospicio Pyke Laygo, Jr., isang private law practitioner at
kasalukuyang Secretary ng IBP Oriental Mindoro ang siyang
tumalakay sa usapin ng Human Rights samantalang si City
Prosecutor Dorina H. Joya naman ang nagbigay kaalaman
patungkol sa Proper Arrest Procedure at Complaint Preparation.

Sa hanay ng Oriental Mindoro Provincial Police Office, dumalo si


PSUPT .Sergio B. Vibar, Jr. na siyang representante ni Oriental
Mindoro Police Provincial Director PSSUPT Florendo O Quibuyen.
Nagkaroon din ng isang open forum kung saan malayang
nakapagtanong ang mga kapulisan sa mga abogado ng IBP
Oriental Mindoro at kay Kgg. Tomas Leynes, Executive Judge ng
First Judicial District of Oriental Mindoro at Presiding Judge ng RTC
Branch 40. Kabilang sa mga nakiisa din sa programa ay sina IBP
Oriental Mindoro Chapter Auditor Atty. Antonio S. Perez, Jr at mga
miyembro ng Board of Directors nito na sina Atty. Abraham Abas
at Atty. Florante Legaspi Sr. Narroroon din si Atty. Luningning
Centron na siyang Clerk of Court at Ex Officio Sheriff ng Regional
Trial Court sa Lungsod ng Calapan. Naging tagapagpadaloy ng
programa si Atty. Michael Ceniza, isang abogado at pulis.
Ayos kay Atty. Mortel ang nasabing programa ay ambag ng IBP
Oriental Mindoro - Chapter sa pagdiriwang ngayong lingo ng
National Law Week. Ayon sa din sa kanya, marami pang mga
aktibidades ang nakalinya na ipapatupad ng IBP - Oriental
Mindoro Chapter sa mga darating na buwan. Nagpasalamat din si
Atty. Mortel sa mga tumulong na maipatupad ang ng nasabing
programa na sina Vice Mayor Bong Brucal ng Calapan City, Vice
Mayor Mayor Joel Tevez ng Naujan, Oriental Mindoro at City Mayor
Arnan C. Panaligan ng Lungsod ng Calapan.

You might also like