You are on page 1of 1

Setyembre 11, 2015

G. Tomas Antonio A. Ortiguera


Bise Presidente sa Pananalapi at Administrasyon
Kolehiyo ng Tomas Del Rosario
Sa kinauukulan;
Kapayapaan!
Kami,mga miyembro ng ARTE-ETRA ay humihingi ng pahintulot na kuhanin ang lahat
ng aming kagamitan na nasa kalinga ni Ms. Sahlita Bautista na ating Property Custodian.
Nais ng aming organisasyon na kuhanin ang aming kagamitan dahil sa mga sumusunod
na rason.
1.Para sa aming mga dagliang pangangailangan.Kung nasa amin po ang mga kagamitan
ay mabilis po kaming makakapagsimula sa aming mga pagsasanay.Mayroon lamang po
kaming limitadong oras sa aming mga preparasyon.Sa katotohanan po,higit po kaming
naglalaan ng mahabang oras sa paghahanap ng aming mga gagamitin sa aming
pagtatanghal kaysa sa tunay na paghahanda sa aming mga palabas.
2.Ang aming pong mga gamit ay sadyang aming ipinundar upang makatipid sa mga
gastusin gaya ng pagbili ng mga paper plates,plastic cups ,kubyertos at maraming iba
pa.Isa po sa layunin ng aming organisasyon ay ang maging responsable ang lahat ng
miyembro sa lahat ng bagay. Hindi lamang po sining ng pagtatanghal ang nais mapaunlad
ng organisasyon kundi maging ang pagkakatuto sa mga pangunahing gawain na dapat
alam ng sinumang indibidwal.
3. Kami po ay madalas na nanghihiram ng gamit sa iba.
Kaugnay po nito ay nais rin naming humiling ng isang silid. Isang silid kung saan kami
ay magpupulong, magsasanay, at maghahanda. Isang silid na lalagakan ng aming mga
kagamitan. Isang silid na magiging aming tahanan.
Pagpalain nawa kayo ng Panginoon.
Maraming Salamat po!

G. Justin Frave Smaniego


Direktor

Bb. Rosalyn Silva


Tagapayo

G. Vicente B. Lintag
Punong-guro

You might also like