You are on page 1of 1

Statement of the Problem:

Nakakatulong nga ba ang Classical Music sa pag-aaral ng mga piling


respondente hindi lamang sa spatial form kundi akademiko rin?

Layunin:
Pangkalahatan:
Nakakatulong nga ba ang pakikinig sa Classical Music sa pag-aaral ng mga
sampung estudyante ng Miriam College taong 2014-2015?
Espesipiko:
Matunton kung alin ang mas magiging epektibo ba ang pakikinig sa Classical
Music habang nag-aaral o bago magsimula ng pag-aaral.
Malaman rin kung gaano kahaba ang dapat gawin na pakikinig.
Anu-ano ang mga akademikong pag-aaral na lubhang maaapektuhan ng
pakiking ng Classical Music?

Thesis Statement:
Nakakatulong ang pakikinig ng Classical Music sa pag-aaral ng sampung
mag-aaral ng Miriam College taong 2014-2015.

Significance of the Study:


Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa pagpapalawig ng kaalaman ng mga
estudyante kung paano mas magiging epektibo ang kanilang pag-aaral. Maaari din
itong makatulong sa mga guro tuwing tuturuan ng bagong leksyon ang mag-aaral.
Ang pananaliksik rin na ito ay maaaring gawing basehan ng iba pang pag-aaral.

Background of the Study:


Bilang mag-aaral sa kolehiyo, sobrang importante ang pagkakaroon ng
magandang marka dahil ito ay makakaaepkto sa aming magiging trabaho sa
hinaharap. Karamihan sa mag-aaral ay nahihirapan sa kung paano pananatilihing
maayos ang kanilang mga grado. May ilan ring mga estudyanteng nahihirapang
makaalala ng mga pinag-aaralan dahil sa sunod sunod at dami ng kailangan gawin.
Ang pananaliksik na ito ay ginawa upang tulungan ang mga mag-aaral kung paano
mas makakaalala at makakapag-aral ang mga estudyante.

You might also like