You are on page 1of 2

IKALAWANG PAMBANSANG KOMPERENSIYA SA ARALING FILIPINO

(WIKA, KULTURA, AT MIDYA)

Mayo57,2015
RexTouristInn,CaramoanBicol,Pilipinas

PANAWAGAN PARA SA PAGBASA NG PAPEL


Sa pangunguna ng Dalubhasaan ng Umuusbong na mga Mag-aaral sa Araling Filipino
(DANUM), CLA Graduate Student Council, Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng Malalayang Sining,
at Pamantasang De La Salle, magkakaroon ng komperensiya ang mga mag-aaral, akademiko at iskolar
sa Araling Pilipino. Layunin ng Ikalawang Pambansang Komperensiya ng palakasin ang mga pag-aaral
o pananaliksik na may kinalaman sa Araling Pilipino. Ang komite ng komperensiya ay tumatanggap ng
papel na may kaugnayan ngunit hindi limitado sa mga paksang Kultura, Wika at Midya.
Pagpapasa ng Abstrak:
1. Ang ipapasang abstrak ay maaaring nakasulat sa wikang Ingles o Filipino at ipapadala sa e-mail
address na danumconference@gmail.com.
2. Ipangalan ang isusumiteng file gamit ang apelyido (SURNAME, gamit ang upper case), kasunod
ang pangalan (first name, gamit ang lower case), at ang maikling bersyon ng pamagat ng inyong
papel.
Halimbawa: FELICILDAjoshuaWikaatInternasyonalisasyon.
3. Para sa abstrak na may 300-500 na salita, gamitin ang MS Word document (.doc file format).
Gumitin ang Arial, 11-point font na nasa letter-sized na pahina, na may one-inch margin sa lahat
ng gilid.
4. TANGING TEXT LAMANG ang DAPAT LAMANIN ng ABSTRAK walang anomang grap,
litrato o talahanayan. Kinakailangang naglalaman ito ng pamagat / pangalan ng awtor /
(salungguhitan ang pangalan ng awtor na magtatalakay ng papel sa aktwal na presentasyon),
departamento / e-mail address.
5. Kinakailangan lamanin ng abstrak ang maikling introduksyon, buod ng resulta, at kongklusyon
ng pag-aaral.
Mahahalagang Petsa:
Deadline para sa Pagsumite ng Abstrak
Notipikasyon ng Resulta ng Ebalwasyon
Deadline para sa Early Bird na Rehistrasyon
Deadline para sa Pagsumite ng Buong Papel
Deadline para sa Regular na Rehistrasyon

- Marso 4, 2016
- Marso 11, 2016
- Marso 18, 2016
- Abril 8, 2016
- Abril 15, 2016

Rehistrasyon: Ang kabuoang bayarin para sa rehistrasyon ay:


Estudyante
Propesyonal

Early Bird
3,500.00
4,000.00

Regular
4,500.00
5,000.00

Late
5,500.00
6,000.00

IMPORTANTE:

Saklaw ng rehistrasyon ang sertipiko, conference kit, akomodasyon sa Rex Tourist Inn, at
pagkain. Hindi saklaw ng rehistrasyon ang transportasyon patungong Naga City at pauwi sa
inyong pagmumulan.

Maaaring magbayad sa pamamagitan ng anomang sangay ng UCPB (account name, De La Salle


University; account number, 120-114711-9, at SWIFT code UCPBPHMM).

Para sa mga magbabayad ng tseke, ipangalan lamang sa De La Salle University. Paki-email


ang scanned copy ng inyong deposit slip sa danumconference@gmail.com.

Para sa anomang katanungan, mangyari lamang makipag-ugnayan kay Bb. Leslie Anne Liwanag
sa numerong 0916-7182-357 o magpadala ng e-mail sa leslie_liwanag@dlsu.edu.ph, o kay Bb.
Mary Irene Clare Delena sa numerong 0917-5610-093 o magpadala ng e-mail sa
mary.irene.delena@dlsu.edu.ph.

You might also like