You are on page 1of 2

Segismundo 1

Segismundo, Isabelle

2014-55553

Pan Pil 19 WFV1

Setyembre 23, 2015


Makabagong Romeo and Juliet

Noong nalaman ko na kailangan namin manood ng isang dulang hango sa Romeo and
Juliet naisip ko na kaagad-agad na mag-aaksaya lang ako ng pera at hindi ko magugustuhan ang
dulang papanoorin. Para sa akin, ang orihinal na Romeo and Juliet ay isa sa mga dulang hindi ko
naintindihan at nagustuhan dahil wala akong napulot na aral mula sa dula at napaka-layo ng dula
mula sa totoong buhay. Bago pa man magsimula ang dula na R </3 J hinanda ko na ang sarili ko
para sa inaakala kong dalawang oras na kabagutan; ngunit lubha akong nagkamali sa aking mga
inaakala. Mula pa lamang sa simula ng dula, makikita na iba ang dulang ito sa orihinal na Romeo
and Juliet.
Katulad sa orihinal, ang dula ay umiikot sa dalawang magkalabang pamilya. Ang bawat
pamilya ay may anak at sa isang pagkakataon silang dalawa ay nagkita. Ang dalawang anak ay
nagmahalan kahit na alam nilang hindi ito magugustuhan ng mga magulang nila. Sa huli, nabigo
ang magkasintahan at natapos sa isang trahedya ang kanilang kwento. Ito lang ang nakita kong
mga pagkakatulad ng R </3 J so orihinal na dula.
Isa sa mga diperensya ng dula mula sa orihinal ay ang pagbibigay ng mas malalim na
mga katangian o kwento sa mga karakter ng dula. Sa dula, si J ay hindi lang isang anak ng
mayamang pamilya, siya mismo ay isang artista, isang karakter na alam kung gaano kasalimuot
ang mundo, alam ang mga inaasahan sa kanya at ginagawa ito sa paimbabaw na paraan habang
tinatago ang kanyang mga bisyo. Sa kabilang banda, si R ay isang romatiko na umaasa na ang
kanilang pag-iibigan ay magtatagumpay. Kahit na ang mga ibang karakter ay nabigyan ng mas
malalim na katangian. Katulad ng ama ni J na isang korupt na politiko habang ang kaibigan ni R
ay isang bakla. Kumpara sa mga karakter ni Shakespeare sa orihinal na dula, mas interesante at
mas makatotohanan ang mga karakter sa bagong dula.
Nagustuhan kong lubos ang dula dahil mas malapit sa totoong buhay ang konteksto at
karakter ng dula. Makikita sa dula na ang kapaligiran na ginagalawan ng mga karakter ay nakaapekto sa kanilang pagkatao at personalidad. Ang masalimuot at maruming Manila ay nagpatulis

Segismundo 2
sa karakter ni J na isang taong nagpapanggap na mabait ngunit sa totoo ay isang karakter na
mapang-uyam. Sa dulang ito, nakikita na ang kapaligiran ng mga karakter ay napaka importante
at hindi mahihiwalay sa mga karakter di tulad nang sa orihinal na walang nakitang malaking
epekto ang kapaligiran kay Romeo at Juliet.
Huli ay ang paggamit ng ibat ibang klase ng media para maipakita ang dichotomy ng
ating nakikita sa talagang nangyayari. Kalat sa mga eksena ang gamit ng projector para ipakita
ang mga sinasabi o ginagawa ng karaketr. Ngunit, sa isang banda pinakita rin ang kakayahan ng
mga midyum na ito para tayo ay malinlang o mapakitaan ng isang huwad na imahe. Isang
magandang halimbawa ay ang panayam ni J sa simula ng dula; sa projector ipinapakita ang
kanyang magandang imahe habang sa totoo ay naninigarilyo na siya at minumura ang mundo.
Sa kabuuan, higit pa ito sa isang dula tungkol sa pag-iibigan. Oo, nag-ibigan at nasawi si
R and J ngunit kung ito lang ang mapupulot natin sa dulang ito, isa itong malaking kapinsalaan.
Ipinapakita ng dula na dapat natin isipin kung ang nakikita ba natin ay ang katotohanan o isang
huwad na imahe lang. Dapat natin tanungin din ang ating sarili kung anong lipunan ang
ginagalawan natin at kung ano ang naidudulot nito sa ating pagkatao.

You might also like