You are on page 1of 1

Noemi V.

Sembreno
Filipino 1 (1:00 2:00 pm | MWF)

August 24, 2015

Modernong Henerasyon
Kabataan ang pag-asa nang ating bayan, isang napakasikat na kataga nang
ating pambansang bayaning si Gat. Jose Rizal. Sinabi niya na ang kabataan ang siyang
magpapaunlad nang ating lipunan. Tanong ko lang, posible pa kaya itong mangyari sa
panahon natin ngayon? Sa modernong panahon na labis labis ang kasakiman?
Kay rami nang balita patungkol sa mga kabataang naliligaw nang landas.
Nalulong sa bisyo, sa druga, sa alak, sigarily, isali na rin natin ang pagkahumaling sa
sobra sobra na paglalaro nang mga "online games", pati narin ang pag fi-facebook,
twitter at instagram. Na imbis ang oras sa pag-aaral na pupunta nalang sa mga walang
katuturan na mga bagay.
Di ikinakaila na ang internet ay napakalaking tulong sa lipunan, nandyan ang
pagbibigay nito nang kaginhawaan sa ating pag-aaral, libangan gamit ang sosyal
medya at iba pa. Pero wika nga nila, na minsan lahat nang sobra ay masama.
Aaminin ko isa ako sa mga kabataan na iyon, hirap aminin sa aming mga sarili
na kami ay nagiging pabaya. Hindi naiisip na sa aming kamaliang ginagawa maraming
bagay ang maaapektohan. Una sa listahan ang pag-aaral, pamilya at ang lipunan.
Masasabi ko na tama na ang panahon upang patunayan at sagutin ang tanong
na kabataan pa rin nga ba ang pag-asa nang ating bayan. Alam kung malaking
hakbang ang kailangag hatakin upang maging tama ang lahat. Kaya simulan natin itong
gawan nang paraan. Ibigin nang tunay ang ating mga sarili dahil pagkatapos nito,
matututunan na nating ibigin ang lahat. Magagawa nating gawing kanais-nais ang
paligid at higit sa lahat mapapaunlad natin ang inang bayan. Maging totoo tayo sa ating
mga sarili, maging masipag sa pag-aaral, masunurin sa magulang at higit sa lahat
manalig sa Poong Maykapal. Hindi man ora mismo masosolusyonan ang problema,
mas maigi na alam natin sating mga sarili na sinubukan at ipinaglaban nating kung ano
ang tama. Dahil naniniwala ako na mas maganda ang may ginawa kaysa naghintay na
walang napala.

You might also like