You are on page 1of 8

UNANG TAGPO: Pagamutan ng San Pedro, Pangalawang araw sa balangkas ng kwento

( Sa loob ng isang kwarto sa pagamutan, makikitang suma-kabilang buhay na si LOLO ISKO at umiiyak
ang buong pamilya sa kaniyang pagkamatay. Makikitang nagbibigay suporta at simpatya ang
makakapatid na FRANCIS, TONIO at NINA sa isat isa, magkaka-akbay at nagyayakapan. Patuloy na
umiiyak si TINA, habang nasa likod niya ang kaniyang mga pinsang bakas rin ang kalungkutan. Walang
tunog ang buong tagpo kung hindi ang tunog ng makinang nagbabantay sa pagtibok ng puso ng isang
pasyente. Dahan-dahang babagal ang galaw ng mga tao at tunog ng makina. Makalipas, titigil sa
paggalaw ang mga tao at magiiba ang tunog sa isa na nagsisimbulo ng pagtigil ng tibok ng puso. )
--------------------------------------- BLACKOUT --------------------------------------PANGALAWANG TAGPO: Pagamutan ng San Pedro, Unang araw sa balangkas ng kwento
( Sa loob ng isang kwarto sa pagamutan, makikita na nakahiga si LOLO ISKO sa kamang
pampagamutan, habang nakapalibot sa kaniya ang pamilya ng kaniyang pangalawang anak na si
TONIO ang asawa niyang si CARIDAD at ang anak niyang si TINA. )
CARIDAD
Kailan darating mula Amerika ang kapatid mong si Nina?
TONIO
Nagkausap na kami kaninang umagat sinabi ko na ang sitwasyon ng tatay sa kaniya.
Bukas raw ng alas-sais ng umaga ang dating ng eroplano. Bago raw dumating ang
tanghalian, nandirito na sila. Sinama daw niya ang anak niyang si Joaquin. Sanay
umabot sila. (Titingin kay Lolo Isko)
CARIDAD
Napakalungkot naman na ang unang pagbalik-bayan ng batang iyon ay sumabay sa
ganitong sitwasyon. (Titingin kay Lolo Isko)
TONIO
Mabuti ngat may anak si Satunina na gustong umuwi sa Pilipinas. Na kahit sa huli, ay
magkakaroon ng pagkakataon na may makilala naman ang tatay kahit isa sa mga anak
niya.
TINA
Ngayon ko lang po makikilala ang Auntie Nina. Hindi ko po ata naabutan ang huli niyang
pagbalik-bayan sa Pilipinas.
TONIO
Oo, hindi ka pa pinapanganak nung huli siyang umuwi dito. Pagkatapos palang ng
kolehiyo ay nanirahan na ang Auntie Nina at Uncle Arthur mo sa Amerika. Nagkaroon sila
ng dalawang anak, at kung hindi ako nagkakamali ay nag-asawa na ng kano ang
panganay nilang babae. Yung kasunod ay yung pinsan mong si Joaquin, yung makikilala
mo pagdating ng Auntie mo bukas.
TINA
Si Auntie Nina rin po pala, nakakalungkot na nagbalik-bayan siya ngayon na ganito ang
sitwasyon ni Lolo. (Magkakatinginan si Tonio at Caridad)
TONIO
Alam mo sa katunayan, hindi lamang kayo magkahawig ng Auntie mo. Alam mo bang
pareho kayong ipinangalan sa Lola mo? Magkakaiba lang ng palayaw pero pareho kayong
tatlo na Saturnina ang buong pangalan. Kaya nga siguro malapit na malapit ang loob ng
lolo mo sayo, mas malapit pa nga siguro kaysa sa mga anak niya.

CARIDAD
Eh ang kuya mo? Kay tagal na ng tatay sa pagamutan, hindi parin siya dumarating. Alam
kong hindi maganda ang relasyon nilang mag-ama ngunit hindi naman niya siguro

gugustuhing di abutan ang tatay. (Hihina ang boses at sasabihin ng pabulong) Sabihan
mo na rin sa gastusin natin sa pagpapagamot... Alam mo namang hindi natin kaya... ito.
Kailangan natin ng tulong niya.
TONIO
Huwag na muna ngayon. Bukas rin ang dating nila, at doon ko na isisimple sa kaniya.
Kilala mo naman ang kuya. Kahit napakayaman nooy napakahigpit pagdating sa pera.
Pero huwag kang mag-alala, Caring. Ako na ang kakausap.
( Uungol at magigising ang LOLO ISKO. Makikita ang pagdama ng sakit sa kaniyang mukha, ngunit nang
kaniyang makita ang apong si TINA, ngingiti ang lolo, at patangong tatawagin ang apo )
LOLO ISKO
Saturnina. Hija.
TINA
(Litaw ang paglaki ng ngiti) Lolo! (Yayakapin niya ang lolo) Napakasaya ko po at gising na
po kayo! Walang sandaling hindi ko ipinagdarasal ang paggising niyo. Kamusta na po ang
pakiramdam ninyo? Gusto niyo po ng tubig? Sadyang napakalungkot ng panaderya
noong nagkasakit kayo. Hindi na nga po umaalsa ang tinapay nung nawala kayo CARIDAD
- Nako Tina, huwag mo muna biglain ang Lolo sa dami ng sinasabi mo. Nagawa mo pang
magbiro. Kailangan muna magpahinga ng tatay. (Haharap kay Lolo Isko) Masaya po
kaming nagising na kayo, tay.
LOLO ISKO
(Titingin kay Tonio) Mukhang hindi na ako tatagal, Toning.
TONIO
Huwag po kayo magsalita ng ganyan, tay. Ang importante poy magpagaling kayo.
LOLO ISKO
(Titingin kay Tina) Hija. (Uubo) May hiling ako sayo.
TINA
(Nanginginig na boses) Lo... huwag muna kayo mag ganyan.
( Hahawakan ni LOLO ISKO ang kamay ni TINA )
LOLO ISKO
Linya ng Tula 1
Linya ng Tula 2
TINA
Linya ng Tula 3
Linya ng Tula 4
( Ngingiti ang dalawa na nakatingin sa isat isa )
--------------------------------------- BLACKOUT ----------------------------------PANGATLONG TAGPO: Pagamutan ng San Pedro, Pangalawang araw sa balangkas ng kwento
( Sa loob ng isang kwarto sa pagamutan, makikita na nakahiga si LOLO ISKO sa kamang
pampagamutan, habang nakapalibot ang pangalawang anak na si TONIO, ang asawa niyang si
CARIDAD. Papasok ang bunsong anak ni LOLO ISKO na si NINA at anak niyang si WAX. )
( Magbibigay bati ang dalawang pamilya sa isat isa. Mayroong mahinang tunog ng makinang
nagbabantay sa tibok ng puso ng pasyente. )
TONIO
Kamusta ang biyahe, Nina?
NINA
Napakahaba, diko. Matapos ang higit isang dekada, parang wala paring ipinagbago ang
daan papuntang San Pedro. Kamusta si Dad?

TONIO
Alam mo namang malakas at hindi nagkakasakit yang si tatay. Gabi-gabi yang tulo-pawis
na naghuhurno ng tinapay sa panaderya. Mabuti ngat naginteres ang panganay kong si
Tina sa paggawa ng tinapay, at nagkaroon ng katulong ang tatay sa nakalipas na tatlong
taon. Nung huling linggo, biglang inatake sa puso ang tatay. Mabutit nandoon si Tina.
Sabi ng mga doktor ay malubha ang karamdaman ng tatay at baka hindi na siya
tumagal. Wala siyang malay mula noon, kahapon lang siya nagising ng panandalian,
tapos nawala ulit...
NINA
Bakit pa kasi hindi binenta yang panaderya na yan nung tumanda ang Dad.
naman ang pamangkin kong si Tina?

Nasaan

CARIDAD
Ah, asa panaderya. Dumiretso siya doon para maghurno ng tinapay. Sa lahat, siya lang
ang nagka-interes sa ginagawa ng tatay sa panaderya. Napakasipag ng batang iyon.
Laking tuwa namin na nakakuha pa siya ng iskolarship sa pamantasan sa kapitolyo.
(Titingin kay Wax) At kamusta naman itong napaka-gwapong batang ito? (Balikong
ingles) Welcome to Philippines, Joaquin. Welcome home.
WAX
(Balikong tagalog) Salamat po, Tita Caring. Gusto ko po talagang makita ang hometown
ni Mommy at makilala si Lolo.
CARIDAD
Abay matatas pala ito mag-tagalog!
NINA
Oo, yan lang ang anak kong talagang nagka-interes sa Pilipinas at mga Pilipino. Ayoko
nga sanang isama, pero nagpapumilit. Napaka mahal kasi ng pamasahe mula sa at
pabalik ng Amerika.
( Darating ang panganay na anak ni LOLO ISKO na si FRANCIS. Kasama niya ang asawa niyang si
PORTIA, at ang pangalawa nilang anak na si CISCO. Magbibigayan ng bati ang pamilya. )
FRANCIS
Bakit naman dito mo dinala ang tatay, Antonio?
PORTIA
Oo nga, Antonio. Ang dumi rito. Nandiyan naman ang pribadong pagamutan!
( Makikita ang pagbuo ng inis sa mukha ni TONIO. )
CARIDAD
(Hahawakan ang braso ni Tonio) Alam mo namang ito lang ang kaya namin, kuya Francis.
(Titingin kay Tonio at magsasalita ng pabulong) Huwag kayo magaway.
TONIO
(Ililihis nalang niya ang atensyon kay Cisco) Cisco, hijo. Kamusta ang magdodoktor?
Patapos ka na ba?
CISCO
(Halatang naabala sa tanong) Hindi pa po, Tito.

FRANCIS
(Magpaparinig) Ewan ko ba sa batang iyan, sakit sa ulo. Hindi matapos-tapos ang
pagdodoktor at ang daming distraksyon. Sagabal yang paglilitra-litrato. Ayaw kasing
magseryoso kayat patuloy na nagdadala ng pagkadismaya sa pamilya. Sa oras na
malaman kong hindi ka na pumapasok...
CISCO
Dad

PORTIA
- Ay pero napakagaling niyang kumuha ng litrato, hindi ba, Cisco? Nanalo yan sa mga
kumpetisyon! Ikaw kumuha ng family portrait natin mamaya, Cisco. (Titingin kay Tonio)
Anong nangyari sa Dad, Antonio?
TONIO
Noong nakaraang linggo, naghuhurno ng tinapay si tatay
FRANCIS
- Naghuhurno? Hindi pa ba isinasara yang panaderya na iyan? Magkano ba kinikita niyan
na dapat pang pagtrabahuhin ang Dad? Baka kaya siya nagkaganyan. Parang wala akong
perang ipinapadala sa inyo ah! Saan napupunta ang ipinapadala kong pera? Oras na
malaman kong kayo ang gumagamit...
PORTIA
(Pabulong) I wouldnt be surprised...
TONIO
(Sinusubukang kalmahin ang sarili) Alam mong yan ang trabaho ng tatay mulat sapul.
Alam mong yan ang ikinaabala ng tatay simula ng nawala ang nanay nang ipinanganak si
Nina (Titingin si Wax kay Nina) Kahit na hindi kumikita ng malaki ang panaderya na iyan,
mahal ng tatay ang ginagawa niya at gustong gusto ng mga tao ng San Pedro ang mga
tinapay niya.
NINA
Nagpapadala ka ng pera dito sa San Pedro para kay Dad? Bakit parang wala namang
nagastos para sa kanya? (Makikita ang pagbuo ng inis sa mukha ni Caridad) Ikaw kuya,
bakit naman hindi mo kaya siya dinala sa Maynila? Kilala kang doktor doon, malaki ang
bahay mo, sigurado akong kayang-kaya mong alagaan ang Dad doon. Wala ka bang
pakialam?
FRANCIS
Pakialam? Teka lang Nina. Bakit biglang ikaw, nakikialam ka dito? Ilang dekada na ang
nakalipas mula ng tumakas ka papuntang Amerika. Bilang sa isang kamay ko ang mga
beses na umuwi ka ng Pilipinas. Ano ang nakain mo at biglang nagmamadre-madrihan ng
pamilya ka?
CARIDAD
Nasa harapan tayo ng tatay at nagaaway kayo parang mga bata! Magkarespeto naman
kayo. Kitang-kita niyong malubha na ang kalagayan ng tatay. Sa tingin niyo bay
matutuwa siya na makita sa kanyang mga huling araw (Titingin si Nina kay Caridad na
may naglalaking mata) na nagaaway ang mga anak niya sa lagay na madalang pa sa
asul na buwan kayong nagkakasamang kumpleto?
PORTIA
(Pabulong) Ugh. Hindi nangyayari saming mga Hontiveros ang ganitong kababawan.
NINA
Sa pagiging praktikal lamang, (uubo) ano nga bang mangyayari sa oras na... Nakausap
na ba si attorney... anong pangalan nun?

FRANCIS
Garcia? Pinapunta ko na siya. Mamayang hapon darating na siya para basahin ang huling
testamento.
TONIO
(Pumitik na, pinipigilan ni Caridad) Sumusobra na kayo! Walang hiya kayo! Buhay pa ang
tatay pinaghahatian niyo na! Utang na loob, magkarespeto kayo sa ama niyo! Ni minsay
nandoon kayo para alagaan ang tatay pare-pareho kayong lumayas ng San Pedro at
iniwan sakin ang responsibilidad!
( Biglang uubo si LOLO ISKO at mapapansin ito ni WAX at CISCO. )

WAX / CISCO
Si Lolo!
( Maiiba ang tunog ng makina sa isa na nagsisimbulo ng pagtigil ng pagtibok ng puso ni LOLO ISKO. )
TONIO / CARIDAD
Tay? Tay?! Tatay!! Diyos ko po! Tay, huwag!
( Tuluyan nang mapapaiyak si TONIO at CARIDAD. Dala parin ng emosyon ng away, may mukha ng
pagka-gulantang si FRANCIS at NINA at sabay na titingin palayo, habang ang mga apong si CISCO at
WAX ay lalapit sa kama ni LOLO ISKO na bakas ang lungkot sa kanilang mukha. Naramdamang napagiwanan siya, makiki-hagulgul si PORTIA at hihimatayin, na agad na sasaluhin ni CISCO. )
--------------------------------------- BLACKOUT -----------------------------------PANG-APAT NA TAGPO: Pagamutan ng San Pedro, Pangalawang araw sa balangkas ng kwento
( Sa loob ng isang kwarto sa pagamutan, makikita na nakahiga ang sumakabilang-buhay na si LOLO
ISKO sa kamang pampagamutan, habang nakapalibot sina FRANCIS, PORTIA, CISCO, TONIO, CARIDAD,
NINA at WAX. Bakas sa kanilang mukha ang kalungkutan mula sa pagkawala ng lolo. Isinasaayos na rin
ng NARS ang paghahanda sa paglipat ng libi ng lolo. May kakatok at sasagot si CISCO. )
CISCO
(Haharap sa lahat ng kapamilya) Atty. Garcia...?
TONIO
Talaga ring hindi niyo ipinagpaliban ang pagpunta ni Atty.
FRANCIS
Bumiyahe nat nandito na siya, Tonio. Alamin nalang natin ang huling testamento.
NINA
Halika na, Diko.
( Lalabas sina FRANCIS, TONIO at NINA sa kwarto para harapin si Atty. Garcia )
ATTY. GARCIA
Ikinalulugkot ko ang nangyari sa inyong ama. Nasa akin ngayon ang huling mga hiling at
testamento ng inyong amang si Francisco Lazaro Sr.
(Ang huling testamento:
Makukuha ni Nina ang Panaderya
Makukuha ng mag-asawang Tonio at Caridad ang bahay, lupa at taniman sa San Pedro
Makukuha ni Francis ang isang sulat at ang pinagnunuan ng pamilya Lazaro, isang
lumang orasang binubulsa. )
Iyan ang huling mga hiling ng inyong ama.
Papasok sila ulit ng kwarto.
(Unang magagalit si nina.)
NINA
Bakit naman yang walang kwentang bakery ang nakuha ko!
FRANCIS
Nagawa pa ng Dad na insultuhin ako ng huling beses. Hanggang sa huli mananaig ang
marahas na pagtrato niya sa akin.
TONIO
Bakit kayo ganyan mag-isip, parang yang mana na lang ang importante sa inyo.
NINA
Diko, hindi mo alam kung gaano kahirap ang buhay sa Amerika. Kailangan kumayod
araw-araw para mabuhay. Paano kami ng mga anak ko? Malaki ang matatulong sa akin
ng kung ano mang makukuha ko. Natural lamang na kunin ang maiiwan.

FRANCIS
Ikaw Tonio, sa tutuusin, ikaw ang nakakuha ng lahat habang kamiy wala. Parang ikaw
lang ang anak ah. Paano iyon nangyari, aber?
PORTIA
May hindi pagkapantay-pantay na nangyayari dito at muhang kagagawan ito ng mga
pinaka malapit sa Dad.
NINA
Tatlo tayong anak at hindi ba nararapat lamang na lahat ng pag-aari ay hahatiin sa tatlo?
Dapat may karapatan rin kami sa lupat bahay, pati ng taniman natin sa San Pedro. Ang
panaderya? Kalokohan!
TONIO
Aba hindi porket akin ang pinaka-mahirap na pamilya ay kaya niyo nang ibintang ng
ganyan lamang sa amin ang nangyari!
NINA
Nakapagtataka lamang na nakuha mo ang pinaka-maganda, ang pinaka-mahal. Dapat ay
ibenta nalang lahat at paghatian natin ang pera.
TONIO
Lumalabas na ang tunay mong kulay, Nina. Wala ka talagang ni-kaunting katiting ng
pakialam sa pamilyang ito. Sarili mo lang ang iniisip mo.
FRANCIS
Iyan problema sayo, Tonio. Gusto mo ikaw lang ang mabuting anak. Natamo mo ang
gusto mong mangyari. Ibiningay sayo ang lahat. Ano itong sa akin?
TONIO
Wala ka nang nakikita kung hindi anong wala. Binigay sayo lahat ng tatay! Lahat ng
pagkakataon mulat sapul binibigay sayo, at ni hindi mo man lang tinignan ang
pinagkaiba sa aming dalawa. Nung lumaki ka na at hindi na kayo magkasundo pawang
binitawan mo na si tatay.
FRANCIS
Hindi mo alam kung gaano kalupit si Dad sa akin, Tonio
TONIO
Kasi naniniwala siya sa abilidad at talino mo! Ikaw ang may pinakamalayong mararating!
Na kahit lumalayo ka na sa kanyay gusto lang naman niya ipakita na ipinagmamalaki ka
niya. Hindi na maghihirap ang mga anak mo. Ngunit ang sakit na sarili mong
pinagdaanan ang patuloy na nakikita at hindi ang tunay na mensahe ni tatay!
NINA
Maliban sa ating tatlo, kasama si Ate Caring sa huling testamento. Mukhang sa buong
taon na nakasama niyo ang tatay ipinasok niyo na sa pag-iisip niyang kayo lang ang
nararapat na bigyan ng mana! Mapagsamantala talaga kayong mag-asawa!
CARIDAD
Punyeta para kayong mga sanggol na hindi kilala ang isat isa kaya nagkakasakitan na.
Ikaw kuya Francis, dahil sa galit mo sa pagtrato sayo ng tatay dinala mo na sa
pagkatanda. Hindi mo ba siya kaya patawarin? Ganoon lang ka-simple iyon. At ikaw
Nina? Wala ka. Ilang taon wala ka. Bigla kang darating dito at ngayoy pagbibintangan
ako? Wala kayo. Nandito kami ni Tonio. Umalis kayo. Hindi namin pinili pero hindi namin
tinakasan ang responsibilidad sa pamilyang ito kahit na mahirap. Kaya siguro binigay
samin ng tatay. Ako na ang gumanap na anak higit pa sa inyo! Parang walang pamipamilya sa inyo. Wala kayong konsepto ng pamilya. Ipinapasa niyo yun sa mga anak
niyo. Mawawala na ang mga Lazaro. Lumabas na rin ang tunay na pakay niyo dito. Hindi
para magpaalam sa tatay. Para patayin siya.
FRANCIS
Wala naman talagang naging konsepto ng Pamilya Lazaro. Ano bang kahulungan ng
Pamilya Lazaro? Wala! Lazaro, Lazaro, Lazaro!

(Biglang mabubuhay nang muli si Lolo kasabay ng pagsigaw ni Francis)


TONIO
(Hindi makapaniwala) Ang tatay... humihinga muli. Tawagin niyo ang doktor!
(Hindi rin makapaniwala si FRANCIS at NINA)
DOKTOR
(Aalamin niya ang kalagayan ni lolo at makikita niyang nabuhay nga ito muli. Siyay
mapupuno ng tuwa)
Isa itong himala! Dapat natin itong ikawtuwa! Mayroon pong pagkakataong nangyari ito
sa buong kasaysayan ng pagggagamot, halos 30 beses palang! Isa itong miraculo! Autoresusitasyon ang nangyari o mas kilala sa sindromang Lazaro. Kahit na nagkaroon ng
pagkakataong mangyari ito, wala paring medikal na paliwanag. Masasabing may rason
liban sa medikal. Sa pagkapambihira ng sitwasyon masasabing maaring spiritual ito, na
may paniniwala sa labas ng mundo ng paggagamot na hindi pa tapos ang misyon ng
taong yun sa mundo. Ipagdiriwang natin ito!
(Masaya ang doktor at si Tonio, habang hindi parin makapaniwala si FRANCIS at NINA)
PANLIMANG TAGPO
NINA
Hindi ako makapaniwala sa nangyari.
FRANCIS
Totoo ang sinasabi ng doktor. Nangyayari ito. Ngunit ang pagkakataon nitong mangyari?
Yun ang hindi ko mapaniwalaan. Kapalaran. Kung totoo ang sinasabi nila sa labas ng
mundo ng paggagamot, bakit bumalik ang tatay? Sa lahat ng pagkakataong nangyari ito
ay hindi rin tumagal ang pasyente, pero nabigyan siya ng oras na mabuhay muli, kahit
sandali.
CARIDAD
Mas malaki sa atin ang nangyari. Kailangan nang tumigil ang away at hindi pagkaka
intindihan sa atin. May rason kung bakit nangyari ito.
Darating si Tina

TINA
Lolo! Akala koy nawala na kayo. Wag na po kayo mawawala. Mahal na mahal ko kayo!!
CARIDAD
Ano yang dala mo, anak?
TINA
Huling hiling po sa akin ng Lolo yan. (Ibibigay niya ang pastelerya sa lahat). Matapos
maghuhurno ng tinapay ang Lolo palagi siyang gumagawa ng pastelerya na sabi niyay
espesyal para sa akin. Hindi daw niya ito ibebenta, talagang para sa akin lang. Isa ito sa
ginagawa ng lolo na mahal na mahal ko. Nung humihina na ang lolo itinuro niya sakin
ang paggawa nito, at kitang kita ko ang pagmamahal na inilalagay niya sa bawat
espesyal na pastelerya.
NINA
Ginagagawa rin niya saamin yan nung kabataan ko. Araw araw, ngunit binalewala ko
TINA
Lagi po ako pinapasaya at pinapangiti ng pastelerya ng lolo. Lagi niyang binibiro na
walang hindi kayang pasiyahin ng tinapay na gawa sa pagmamahal. Basta sa tuwing
bibigyan niya ako ng paborito kong pasteleryang iyon, sasabihin niya,
Linya ng tula 1

TONIO
Linya ng tula 2
NINA
Linya ng tula 3
FRANCIS
Linya ng tula 4
(Iiyak ng tuluyan si Francis at Nina)
NINA
Patawad, tay. Bilang bunsoy hindi ko naranasan ang pagiging pamilya natin. Ang naging
kasalanan ko, dahil doon hindi ko na binigyan ng pagkakataon ang sarili kong maging
parte ng pamilya, at wala na akong inisip kung hindi umalis, iwanan at takasan ang
pagiging Lazaro ko.
FRANCIS
Pinapatawad ko na kayo Dad. Patawad ang tagal dumating, na pinigilan ko. Linamon ako
ng galit ko at kinalimutan ko na ang lahat, ang pamilyang ito.
(Mamamatay uli si Lolo Isko, babalik sa unang tagpo at unti unting babagal ulit ang
paggalaw hanggang tuluyang tumigil)
LOLO ISKO
(hindi gumagalaw ang iba)
)
Linya
Linya
Linya
Linya

ng
ng
ng
ng

tula
tula
tula
tula

1
2
3
4

(Parang magpapaalam na si lolo pero masaya siya. Buo na muli ang pamilya niya

You might also like