You are on page 1of 1

TAO DISIPLINADO

______________________________________________________________________________

LINYA DISIPLINA
BLUE LINE

SIDEWALK BOUNDARY MARKER

Ang Lungsod ng Antipolo ay magpapatupad ng Linya Disiplina o ang pagguguhit ng


Blue Line sa mga bangketa kahalintulad ng Pink Line Sidewalk Boundary Marker na ipinatupad
sa Kalakhang Maynila. Ang pagguguhit ng asul na linya na base sa pamantayang sukat ng
road-right-of-way na ipinatutupad ng Office of the City Engineer and Building Official ay isang
paraan upang ang mga mamamayan ng Antipolo at ang Pamahalaang Panlungsod ay may
pagkakaunawaan sa lugar na nasasakupan nito sa bangketa.
Ang Blue Line ay matatagpuan sa pagitan ng bangketa at ng property line ng mga
gusaling pangkomersiyo at tirahan. Magbuhat sa property line ay kailangang may tatlong (3)
metro na sukat ng front yard setback para sa mga tirahan samantalang limang (5) metro naman
para sa mga commercial establishments alinsunod sa National Building Code of the Philippines.
Gayunpaman, ang tanging hangad natin sa pagguguhit ng asul na linya ay ang
pagtatanggal ng mga sagabal sa bangketa sa pamamagitan ng maayos na pagtalima ng mga
mamamayan ng Antipolo sa mga mas simple at mas madaling tuparin na mga tuntunin gaya ng
mga sumusunod:
MGA TUNTUNIN SA BLUE LINE:
1. Ang Blue Line o Linya Disiplina sa bangketa ay nagtatakda ng hangganan para sa
lakaran ng tao o sidewalk.
2. Walang anumang construction ang maaaring lumampas sa kinasasakupan ng blue line.
3. Mahigpit na ipinagbabawal sa mga tricycle, jeepney at iba pang sasakyan ang pagtiterminal, parking, garahe o talyer sa loob at hangganan ng blue line.
4. Hindi pinahihintulutan ang pagtitinda o anumang gawain sa loob at hangganan ng blue
line.
5. Hindi pinahihintulutan ang paglalagay ng anumang uri ng advertisement o billboard sa
nasasakupan ng blue line, permanente man ito o pansamantala.
Anumang
advertisement o billboard na nakasabit nang pahalang o pataas sa nasasakupan ng blue
line ay parehong ipinagbabawal.
6. Walang anumang sagabal o obstruction ang pinahihintulutan sa loob at hangganan
ng blue line pati na ang pagtatambak/pagtatapon dito ng basura, kuyagot at kahit
kapirasong kalat. Kinakailangang malinis ang lakaran ng mga tao sa lahat ng oras.
7. Walang itatayo o babaguhin sa bangketa nang walang pahintulot mula sa Pamahalaang
Panlungsod ng Antipolo.
8. Sinumang lumabag sa mga alituntuning ito ay mananagot at magbabayad ng
karampatang bayad-parusa.

You might also like