You are on page 1of 2

Unfinished Business

Bata pa lamang ako ay pangarap ko na ito. Kay tagal ko itong hinihintay at sa


wakas ay nakamtan ko na rin ito pero bago ilahad ang pinakamasayang pangyayari sa
buhay ko ay meron muna akong maliit na kwento sa kung ano-ano ang mga pagsubok
na hinaharap ko bago ko ito makuha. Lahat ng liga na aking sinasalihan ay bench
player lang ako, ibig sabihin walang silbi sa team. Akoy nanginginig sa takot kapag ako
ay pinapapasok, halos hindi na makapag-focus dahil sa aking kaba kaya sinasabi ko sa
sarili ko bat hindi ako magpraktis? Kaya nagsimula na akong mag-ensayo hanggang sa
hindi na ako nakadama ng takot sa Court at marunong ng magfocus.

Ika-1 ng Abril ngayong taon, sa Vista Bella Homes, may liga kung saan kinuha
ako ni Dave para maglaro sa kanilang team, ang Diamonds. Sa pagkakataong ito, dito
ko maipapalabas ang mga natutunan ko sa pag-eensayo hanggang noong ika-15 ng
Abril, 5:30 PM, ang semi-finals. Semi-finals na kalaban ang Bounjing at kung mananalo
kami sa larong ito ay lalabanan namin ang undefeated na team, ang Delima na kung
saan binubuo ng mga magagaling na players. 1 st quarter ay lamang ang kalaban
naming sa iskor na 19-15 hanggang sa 4 th quarter ay nag-iba ang ihip ng hangin at sa
awa ng Diyos ay nakalamang ng 10 na puntos na siyang ako ang naka-bida.

Sa larong ito ay ako ang Ankle Breaker na ibig sabihin kapag nakagawa ka nito
ay magaling ka sa pagdadala ng bola. Kaya nagtuloy tuloy na an gaming kalamangan
sa iskor na 50-39 at kakalabanin na naming ang Delima sa Championships. Sa araw ng
Championships, ika-20 ng Abril, ala sais ng gabi, ang mga ilaw ay nakabukas na,
marami ng tao at nagsimula na ang laro at bilang isang Star Player ng team ay
kailangan mong ipanalo ang laro para sa team. Kinakabahan ako dahil 1 st time kung
makalaro ng Championships na hindi na ako bench player. 1 st quarter dikit ang laban sa
iskor na 20-120 hanggang sa 2 nd at 3rd quarter ay tinambakan kami ng sampung puntos.
Nag-uulan ng 3-points at muntik na akong maging bangko ulit dahil sa maraming mga
mali ko kaya sa pagdating ng last quarter, inubos ko lahat ng lakas ko at sa oras na 3
minutes, lamang na kami ng 5 puntos at nagkasunod-sunod at sa wakas! Pinutol
naming ang 4-peat na Championship nila at kami ang nagwagi at yon ang
pinakamasayang pangyayari sa buhay ko. Alam kung maliit lamang na liga to pero
akoy naniniwala sa kasabihan na Big things comes up start with small things na totoo
naman. Yan lamang po. Salamat!

Rogelio P. Gala Jr.

Grade 10-A (SOF)

You might also like