You are on page 1of 4

Dr. Filemon C.

Aguilar Memorial College of Las Pias City


Golden Gate Subd., Talon III 1747, Las Pias

OPM Modernong Musikang Pinoy Bahagi Ng Kulturang Pilipino

Isang Pamanahong Papel Na ihihaharap sa Departamentong Pilipino sa


Ilalim ng Paggabay ni

Maam Jocelyn M. Zeta

Bilang Bahagi ng Katapuparan Sa asignaturang Filipino


Unang Taon

Nila:
Kiara Mae Morta
Tiara Olympia

I9

Pebrero 22, 2016

Dahon ng Pagpapatibay

Bilang isang bahagi ng mga gawaing kailangan sa pagkumpleto ng mga


kailangan para sa asignatura ng Pagbasa at Pagsulat tungo sa
pananaliksik, ang proyektong ito ay pinamagatang OPM Modernong
Musikang Pinoy Bahagi Ng Kulturang Pilipino sa mga mamayanan ng
Pilipinas ay inihahanda nina Kiara Mae Morta at Tiara Olympia mula sa
I-9 sa mataas na paaralan ng Dr. Filemon C. Aguilar Memorial College
of Las Pias City.

Introduksyon:

Bilang Bahagi ng Kulturang Pilipino Bilang panimula, alinsunod sa konstitusyon


ng 1987 (Artikulo XIV, seksyon 6-9),malinaw na itinakda ang Filipino bilang wikang
pambansa ng Pilipinas.
Kasunod nito ang paggamit sa Filipino bilang opisyal na wika sa mga ispesipikong
larangan. Ngunit ano na nga baang kalagayan ng Filipino ngayon sa ating bansa at
maging sa hinaharap? Mahalaga pa ba parasa ating mga Pilipino ang papel ng
Filipino? Ano-ano ang mga implikasyon nito sa ating kultura?Ilan lamang yan sa mga
katanungan na bibigyang linaw mula sa sanaysay na ito.
Gawin nating halimbawa ang Original Pinoy Music o OPM sa pagsusuri sa papel ng
wikang Filipino. At para sa pagsisimula, alam naman natin na likas na sa ating mga
Pilipino ang pagkahilig sa musika o sa mga awitin. Sa katunayan, bago pa dumating
ang mga dayuhang mananakop tulad ng mga Kastila, Amerikano, at Hapon, sapul pa
sa ating mga ninuno ang paggamit ng musika. Madalas nilang gamitin ang musika sa
pagpapahayag ng damdamin, pagbibigay-sigla sa mga pagdiriwang at pagtitipon,
pagsunod sa mga ritwal at kahit sa pagpapalipas lamang ng oras. Namulaklak pa ang
mga musikang ito ng mga Pilipino sa pagdating ng mga kastila. Dito na nga nauso ang
kundiman at harana na mga kilala dahil sa pagpapahayag ng damdamin, tulad ng pagibig sa harana at kasiyahan o kalungkutan naman sa kundiman.
Kalaunay pumasok pa ang marami sa mga musikang nagmula sa labas ng bansa na
nakaapekto sa lokal na musika,subalit ang paghinang ito ng ating musika ay
panandalian lamang. Sa paglipas pa ng mga panahon, nagkakaroon na ng mga barayti
sa musika hanggang sa magkaroon na tayo ng sarilingawitin at tinawag na OPM.

Layunin

Layunin ng pananalisik na ito na ipaalam ang kahalagahan ng modernong


musikang pilipino o mas kilala sa tawag na OPM na hikayatin ang mga pilipino na
tangkilikin at suportahan ang modernong musikang filipino na naglalayon na tayo ay
mas lalo pang makilala sa larangan ng musika sa ibang bansa at upang ang ating mga
lokal na mang aawit ay mabigyang pansin at karangalan sa kanilang mga naiambag sa
pag papaunlad ng kulturang filipino sa musika at upang sila din ay mabigyan ng
parangal mula sa ibat ibang pagkilala dahil ang bawat karangalan at papuring kanilang
maiuuwi sa bansa at siyang patunay na ang mga Pilipino ay dapat din kilalanin sa
larangan ng musika na tayo ay may mga talento sa pag gawa at pagpapayabong ng
musikang sariling atin ang OPM o Original Pilipino Music. Nais rin nito na maipamulat
sa mga susunod na henerasyon na hindi pa patay ang Musikang Pilipino. Naglalayon
din ito ba bigyan at imulat ang kaalaman ng mga kababayan natin na Pilipino na
mayroon tayong sariling musika na maari nating ipag kumpara at ipangbtapat sa mga
banyagang musika na tayong mga filipino ay kaya rin gawin ang mga nagagawa ng
ibang bansa na tayo ay mayroong sariling lebel ng musika na pwedeng ipagmalaki na
tayo ay mayroon orihinal na gawang mga kanta sa mapagmamalaki at siguradong tatak
pinoy.

Kahalagahan ng Pag aaral:


Ang pag- aaral ay makakatulong sa mga sumusunod:

1) Guro Makakatulong ang pag aaral sa ating mga guro bilang isang dagdag
na kaalman sa pag aaral tungkol sa Modernong Musikang Filipino. Upang
mapataas ang kalidad ng pag tuturo tungkol sa paksang ito.
2) Mag-Aaral Malaki ang maiiambag ng resulta ng pag aaral na ito dahil
madaragdagan ang kanilang kaalaman at madagdagan ang kanilang pagpapahalaga
sa musikang Pilipino. At upang mapatibay din ang relasyon nila sa bawat isa sa
pamamagitan ng musika.

3) Pamahalaan Malaki ang maiaambag ng pag aaral na ito ukol sa


pagpapahalaga at pagsuporta n gating pamahalaan sa musikang Pilipino
dahil napakaramig mga pilipinong mang await ang nangangailangan ng
tulong at suporta mula sa mga namamahala at pamahalaan.

4) Kabataan -

Suliranin sa Pag aaral:

Upang lubos pang maunawaan ang pag aaral nangangailangang sagutin ang
mga sumusunod na katanungan:

Pangunahing Suliranin:
1) Ano ang OPM?

2) Mas gusto parin ba natin ang mga musikang dayuhan kaysa sa musikang
sariling atin?

3) Mas Gusto parin ba natin ang kanta ng One Direction at Justine Bieber kaysa
sa mga kanta ni Yeng at Jed Madela?
4) Orihinal at Pinoy pa rin bang maituturing ang mga musikang naririnig natin?
Sa paghahalo ng dayuhan at ng Filipino sa ating musika, alin ba ang maituturing na
Pinoy? Sapat na bang Pinoy ang mang-aawit para maituring na OPM?

You might also like