You are on page 1of 6

Module 4: Maayos at malinis na kaanyuan, Good Grooming tungo sa mabuting

pamumuhay

I. Mga layunin:
MGA PANGKALAHATANG LAYUNIN: Sa pagtatapos ng aktibidad/programa, ang
mga mag-aaral na kasali sa laro ay malaman at maunawaan ang kahalagahan
ng pagiging maayos at malinis na kaanyuan tungo sa maunlad na pamayanan.
MGA TIYAK NA LAYUNIN : Sa pagtatapos ng aktibidad/ programa ang mga
kasali sa laro ay magagawang:
a. Ipaalam at ipakita ang mga tamang pag-aayos at tamang kalinisan ng ating
kaanyuan, wastong kalinisan sa katawan, Sa pamamagitan ng aktibidad na
naayon sa kalinisan, maaring pagsayaw o pagkanta.
II. Bahaging Pampatatag: (Tignan ang Apendiks A: Program Schedule)

A. Masaliksik
Dapat na mahikayat ang bawat mag-aaral na malaman ang kahalagahan ng
tama at wastong ayos ng anyo, dapat laging manalamin upang Makita ang
magandang kaanyuan. Maari ding magdula-dulaan tungkol sa epekto ng di
maayos na kaanyuan maging sa pangangatawan. Upang malaman kung anu
ang di magandang maidudulot nito.
B. Magsatibay
Susuriin ng mga nakapanood na mag-aaral ang nagdula-dulaan at pwede nitong
sabihin ang kanilang mga alam upang maging maayos at malinis ang kaanyuan
o good grooming. At para na rin sa karagdagan ng tamang kaalaman sa good
grooming.
C. Mapalalim
Dapat malaman ng mag-aaral na napakahalaga ng pagiging maayos at malinis
ang kaanyuan ng isang tao, Maaring pasimulan ng awit tungkol sa kalinisan at
kaayusan o good grooming. Susundan naman ito ng pagtalakay sa mga
sumusunod na paksa:

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.

Pagligo araw-araw..
Panatilihing malinis at maiksi ang kuko.
Pagsisipilyo ng ngipin.
Pananamit
Maghugas ng kamay.
Pagsusuklay ng buhok
Pagpapagupit sa buhok
(Tignan ang Apendiks B)

D. Paglipat
Maaring magkaroon ng dalawang pangkat sa mga kasaling bata at mamimili sila
ng leader sa bawat pangkat at miyembro nito at maaring gumupit ng mga
larawan na halimbawa ng mga gamitan na maaring magamit sa kalinisan ng
kanilang katawan upang madaling maunawaan ng bawat mag-aaral. (Tignan ang
Apendiks C)

III.

Ebalusasyon

Kailangang maipaliwanag ng bawat grupo kung anu ang kahalagahan ng kalinisan at


bakit dapat na maging maayos at malinis ang anyo ng bawat isa. Maari ding magkaroon
ng pagsusulat upang malaman kung sila ba ay may natutunan. At sa panghuli ay maari
silang bigyan ng mga bagay sa maaring gamitin sa kanilang kalinisan. Pwedeng mga
suklay, toothbrush, nail cutter, cotton buds, at iba pang bagay na makakatulong sa
kalinisan at magandang kaanyuan.

APENDIKS A
TIME

ACTIVITY

IN-CHARGE

6:30 am

7:00-9:00 am
9:00-9:30 am
9:30-11:30am
11:30-12:30 am
12:30-2:30 am
2:30-3:00 pm
3:00-5:00 pm
5:00 pm

Assembly Time of
Volunteers at UST
(Attendance)
Travel time to Kasiglahan
Registration and Snack
Module 4: Good Grooming
LUNCH
Module 5: Oral Hygiene
Closing
Travel time to UST
Arrival at UST

N/A

N/A
RCYC, Rotaract
Rotaract
Rotaract
RCYC
RCYC
N/A
N/A

APENDIKS B
GOOD GROOMING
Ang good grooming ay ang pagiging malinis at maayos ng isang tao sa
kanyang pangangatawan. Ito ay mahalaga sapagkat ito ay nakakaapekto sa pang-arawaraw na gawain ng mga tao kagaya na lamang ng kanyang kalusugan. Kapag ang tao ay
malinis sa kanyang katawan ay mas makakaiwas siya sa sakit, kumpara sa mga taong
marumi sa pangangatawan. Maaari rin itong makatulong sa pagtitiwala at paggalang sa
sarili, pati na rin sa mga taong nasa paligid niya.
Narito ang ilang mga gawi para sa good grooming:
1. Pagligo araw-araw. Ito ay mahalaga upang maging malinis at
mabango. Mahalaga ring madalas ang pag-shampoo at pag-gamit ng
conditioner sa buhok upang maiwasan ang pagkati ng anit. Mainam rin
ang paghihilod sa balat.
2. Panatilihing malinis at maiksi ang kuko. Mahalagang maiksi at
malinis ang mga kuko upang hindi sumingit ang mga dumi sa ilalim
nito dahil maaaring sumama rito ang ilang bakterya na nagsasanhi ng
sakit, lalong lalo na kapag ang tao ay mahilig ngatngatin ang kanyang
kuko. Mas mabilis humaba ang kuko sa kamay kaysa sa paa, kaya
namay dapat itong putulan kada-isa o dalawang linggo.
3. Pagsisipilyo ng ngipin. Mainam na magsipilyo ng ngipin tatlong
beses kada araw pagkatapos kumain upang maalis ang mga dumi at
ang bad breath. Maaari ring gumamit ng mouthwash upang maalis
ang mga bakterya na nagsasanhi ng mabahong amoy dito.Bumisita rin
sa dentist dalawang beses kada taon.
4. Pananamit. Ang mga damit ay dapat panatilihing malinis at maayos.
Kapag magsusuot ay dapat na walang bahid ng dumi o gusot. Mas
mainam kung ito ay mabango o bagong laba.

5. Maghugas ng kamay. Ang paghuhugas ng kamay ay mahalaga


upang maiwasan ang pagkakasakit at pagkalat nito. Maghugas ng
kamay pagkatapos (1) gumamit ng banyo, (2) bago, habang at
pagkatapos magluto, (3) bago kumain, (4) pagkatapos sumingha o
umubo, at (5) pagkatapos humawak ng mga hayop o dumi ng mga ito.
Kapag maghuhugas ng kamay, dapat pinabubula ang sabon at
kailangang malinis ang buong kamay.
6. Pagsusuklay ng buhok. Dapat ay sinusuklay ang buhok upang itoy
maayos at hindi magulong tignan. Ang pagsuklay din nito ay
nakakatuong upang itoy kumintab. Huwag ring magpapahiram ng
suklay sa iba upang maiwasang magkakuto.
7. Pagpapagupit sa buhok. Mainam na magpa-trim ng buhok

APENDIKS C
PALARO

Unang Laro: Itugma Mo


A. Materyales: Kartolina
Grupo ng mga salita
Unang grupo ng mga salita:

Sabon
Nail cutter
Toothbrush
Suklay

Ikalawang grupo ng mga salita:

Kamay
Kuko
Ngipin
Buhok

B.
C. Mga Kalahok: Lahat ng mga bata at tatlong taga-muno
D. Pamamaraan: Itutugma ng mga bata ang ikalawang grupo ng mga salita sa
unang grupo ng mga salita at i-didikit ang mga napagtugmang mga salita sa
isang larawan ng isang madamuming tao. Magkakaroon ng maiksing
pagpapaliwanag pagkatapos.

Pangalawang Laro: Tuwing Kailan


A. Materyales:
Grupo ng mga salita o parirala

Pagligo
Pagputol ng kuko
Pagsisipilyo ng ngipin

Paghuhugas ng kamay
Pagsusuklay ng buhok
Pagpapagupit sa buhok

B. Mga Kalahok: Lahat ng mga bata at tatlong taga-muno


C. Pamamaraan: Ilalagay ng mga bata ang bawat grupo ng mga salita sa tuwing
kalian dapat ginagawa ang mga ito: (1) araw-araw, (2) kada-linggo, o (3)
kada-buwan. Magkakaroon ng maiksing pagpapaliwanag pagkatapos.

Ang dalawang laro ay magtatagal ng tatlongpung minuto minuto


hanggang isang oras.

You might also like