You are on page 1of 2

Sa nabasa kong libro na Filipino Heritage ako ay nagalak dahil bago pa man

dumating ang mga mananakop na nagsasabing nadatnan nila ang bansa nating ang
mga Pilipinong nakatira ditto ay walang wala at hindi sibilisado ay nalaman ko na
iyon ay walang katotohanan.
Nang dumating ang mga mananakop ay halos nahubaran sa karapatan
pagdating sa pagkakapantay pantay ang ating mga ninunong kababaihan. Kung
ating iisipin na kung ang mga ganitong bagay ay ating babalikan at bibigyan ng
pansin, ay magiging isang masaganang bayan ang Pilipinas pagdating sa
pagkakapantay pantay.
Hindi tulad ngayon na ang mga pagiisip ng mga mamayan ay mas magaling
mamuno ang mga lalaki, bagaman madami na ding mga kababaihan ay nasa
katungkulan ng ating gobyerno ang estado ng kababaihan noon sa pamamahala sa
nasasakupan, ay pantay ang kalalakihan at kababaihan. Patunay dito ay isa sa
aking nabasa na ang lubluban na tinatawag kung saan sila ang namamahala sa
paggawa ng batas noong unang panahon ay mga kababaihan ang karaniwang
namumuno. Batas na ayon sa paniniwala, mga pag mamay ari, mga sistema at
ikakabuti ng nasasakupan.
Noon ay labis na pinagpipitagan ang mga babae na mamuno mapa relihiyon
man o pulitika. Isa sa mga magagandang halimbawa nito ay ang Prinsesa Urduja ng
Pangasinan. Ayon sa aking nabasa, pinamunuan nya ang mga mandirigmang
kababaihan sa pangangaso at pakikipagtanggol sa mga mananakop.
Ang Reyna Sima ay isa pang halimbawa at katibayan na hindi lamang
kalalakihan ang namumuno sa isang pinakamataas na posisyon sa pulitika noong
unang panahon. Isa sya sa mga namuno ng pag papanatili ng kapayapaan sa
Cotabato sa loob ng mahabang panahaon noong 17 th dantaon.
Ang kasarian ay hindi iniisip na balakid o hadlang noong unang panahon
upang maging isang lider o pinuno. Kapag namatay ang isang pinuno ay
awtomatikong hahalili ang kanyang anak mapa babae man o lalaki.
Ang mga kababaihan din noon ay pwede ding humawak ng pakto, aat maging
isang representante ng isang pag uusap at mga kasunduan.
Ang kalagayan noong unang panahon pagdating sa pulitika ay sumasalamin
sa isang masaganang pagkakapantay pantay ng karapatan pagdating sa kasarian.
Mahalagang ang mga ganitong bagay ay mapanatili hanggang sa hinaharap upang
sa gayon ay matigil na ang ideyolohiyang ang mga kababaihan ay pambahay
lamang. Dapat lamang ito sapagkat sila rin naman ay may utak at pisikal na lakas
katulad ng sa kalalakihan. Dapat ay maiwasan ang pagkukumpara sa bawat
kasarian dahil ditto nagsisimula ang hindi pagkakaunawaan at pag sisimula ng
pagtapak sa kanilang mga karapatan.
Sila ay dapat pagkatiwalaan at ringgin dahil an gating mga ina ay babae at
ang pagiging ina say hindi basta basta dahil ang pag iisip ng isang ina ay malalim at
talaga nga naming selfless nga kung sa ingles na tinatawag. Mapagmahal ang ang

kanilang pag iisip. Kung saan ang pagmamahal ay napakalawak at ang kanilang pag
iisip na mapagmahal ay malawak. Hindi nakapokus sa sarili lamang.

You might also like