You are on page 1of 2

Naglakad na si Ibarra na hindi batid ang destinasyon.

Nakarating siya
hanggang sa may Liwasan ng Binundo . Sa maraming taong pagkakawala
niya sa bayan,wala pa ring pagbabago sa kanyang dinatnan.
Sa paggala-gala ng kanyang paningin, naramdaman niyang may dumantay
na kamay sa kanyang balikat. Si Tinyente Guevarra,na sumunod sa kanya
upang paalalahanan na mag-ingat din sapagkat nangangamba siyang baka
matulad siya sa sinapit ng kanyang ama. Nakiusap si Ibarra na isalaysay ng
tinyente ang tungkol sa buhay ng kanyang ama sapagkat tunay na wala
siyang nalalaman dito.
Sianbi ni Ibarra na sumulat and kanyang ama sa kanya may isnag taon na
ang nakakalipas. Nagbilin si Don Rafael na huwag nitong ikagugulat kung
sakali mang hindi siya makasulat sapagkat lubha siyang abala sa kanyang
mga gawain.
Ayon sa tenyente Si Don Rafael ay siyang pinakamayaman sa buong
lalawigan. Bagamat siya ay iginagalang, may ilan din namang naiinggit. Ang
mga nuno nila ay mga kastila.Ang mga kastila dahil sa kasawian ay hindi
gumagawa ng mga nararapat. Ang masasama sa Espanya ay nakakarating
sa Pilipinas. Si Don Rafael ay maraming mga kagalit na mga kastila at pari.
Ilang buwan pa lamang nakakaalis sa Pilpinas si Ibarra,si Don Rafael at Padre
Damaso ay nagkasira. Diumano, di nangungumpisal si Don Rafael.
Nabilanggo si Don Rafael dahil sa pagkakaroon ng mga lihim na kaaway.
Pinagbintangan pa siya ang pumatay sa isang mangmang at malupit na
artilyerong naniningil ng buwis ng mga sasakyan. Pero hindi naman totoo.
Isang araw may isang grupo ng mga bata na sinigawan ang artilyero ng ba
be bi bo bu na labis na ikinagalit nito.Pinukol ng kanyang tungkod ng
artilyero ang mga bata. Isa ang sinampald na tinamaan at nawalan ng malay.
Pinagsisipa niya ito. Napatiyempo namang nagdaraan si don Rafael.
pinagalitan niya ang artilyero. Pero, ito ay lalong nagpuyos sa galit at si
DonRafel ang kanyang hinarap. Walang nagawa si Don Rafael kung hindi
ipagtanggol ang sarili.
Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang sumuray-suray ang artilyero at
dahan-dahang nabuwal. Terible ang kanyang pagkakabuwal sapagkat ang
kanyang ulo ay tumama sa isang tipak na bato. Nagduduwal ito at hindi
nagkamalay hanggang sa tuluyang mapugto ang hininga.
Dahil dito, nabilanggo di Don Rafael. Pinagbintangan siyang erehe at
pilibustero. Masakit sa kanya ang ganito sapagkat iyon ang itinuturing na
pinakamabigatna parusa.
Pero, lalong nadagdagan ang dagan sa kanyang dibdib. Pinaratngan din
siyang nagbabasa ng mga ipinagbabawal na aklat (El Correo de Ultramar) at
diyaryo, nagtatago ng larawan ng paring binitay, isinakdal sa salang
pangangamkam ng lupain at nagbibigay ng tulong sa mga tulisan.
Gumawa siya (tinyente) ng paraan para tulungan si Don Rafael at
sumumpang ito ay marangal na tao. Katunayan, siya ay kumuha ng isang
abugadong Pilipino na si G.A at G.M. Ito ay pagkaraang lumitaw sa pagsusuri
na ang ikinamatay ng artilyero ay nag pamumuo ng dugo sa ulo nito.
Nang lumaon, ang katwiran ay nagtagumpay din. Nang si don Rafael ay
malapit ng lumaya dahil sa tapos nglahat ang mga kasong ibinintang sa
kanya. Ang sapin-saping kahirapan ng kalooban na kanyang dinanas ay hindi
nakayanan ng kanyang pisikal na katawan.Hindi na niya natamasa ang
malayang buhay. Sa mismong loob ng bilangguan, nalagutan ng hininga si
Don Rafael.

Huminto sa pagsasalaysay na g tinyente. Inabot nito ang kanyang kamay kay


Ibarra at sinabing si Kapitan Tiyago na lamang ang bahalang magsalaysay ng
iba pang pangyayari. Nasa tapat sila ng kuwartel ng maghiwalay. Sumakay
sa kalesa si Ibarra.

You might also like