You are on page 1of 1

BuodngSuddenly its Magic

Si Marcus Hanson ay isang sikat na aktor sa Thailand. Palagi siyang sinusundan ng mga
fans at reporters kahit saan siya magpunta at palaging binabato ng mga isyu tungkol sa kanilang
kanyang dating nobya at ka loved team na si Sririta. At dahil dito, nakapag-desisyon ang actor na
umalis ng bansa upang makapagpahinga at makalayo sa mga reporters at fans kahit na maraming
mga projects ang nakaschedule para sa kanya. Napili niyang magbakasyon sa Pilipinas dahil
binigyan siya ng ideyang kanyang yaya naPinay. Sa isang resort sa Ilocos namalagi si Marcus at
ditto niya nakilala si Joey. Si Joey ay isang dalagang Pilipina na gumagawa ng mga cakes at
cupcakes ngunit katulad rin siya ni Marcus na sawi sa pag-ibig dahil iniwan siya ng kanyang
nobyo sa araw ng kanilang kasal. Hindi maganda ang unang pagkikita ngdalawa ngunit
nagkasundo rin sila. Naging sila ni Joey kahit na isang linggo pa silang magkakilala. Sa kabilang
banda, ang ina ni Marcus na nasa Thailand ay hinahanap ang anak dahil sa mga gawain na
kailangang gawin ng kanayang anak isa na ditto ang paggawa ng pelikula na ang katambal ay si
Siririta ng malaman niya na nasa Pilipinas ay agad itong tumungo. Sa resort unang nagkakilala
ang ina ni Marcus at si Joey. Ang ina ni Macus ay gusto nang pauwiin ang kanyang anak ngunit
tila ang binata ay walang planong umuwi sa kanilang lugar kung hindi sasama si Joey. Noong
una ay tinanggihan ito ng dalaga ngunit kinalaunay sumama siya kay Marcus papunta sa
Thailand. Sa isang press conference ipinakilala ni Marcus sa kanyang mga tagahanga si Joey
bilang ganap niyang nobya at maraming mga dismayadong fans nila Srrita at Marcus. Sa
pangyayaring iyon maraming Thai fans ang nagalit kay Joey. Si Marcus naman ay naging busy
dahil kaliwat kanan ang project na kailangan niyang gawin, kaya halos wala na siyang oras para
sa dalaga. Dito nagsimula ang dagok sa kanilang relasyon dahil sa araw na bumawi si Marcus sa
kay joey ay araw din yun kung saan pumunta ang isang international director ngunit hindi
nakasipot si Marcus kaya hindi niya nakuha papel para sa international singing program. Galit
siyang nakpiag-usap sa dalaga at ditto na nagka-alinlangan ang dalawa kung saan ang mas
matimbang ang kinabukasan o ang kanilang relasyon. Dito napagdesisyunan ni Joey na umuwi
nalang sa Pilipinas para hindi siya maging sagabal sa karera ni Marcus. Sa pag-alis ngdalaga ay
nagging malungkot si Marcus ngunit nakuha niya ang role dahil binigyan siya ng isang
pagkakataon ng International director. Ilang araw na ang nakalipas tila naging maayos ang dalaga
kahit na wala si Marcus ngunit laking gulat niya na nakita niya si Marcus at gusto siyang balikan
nito. At tinanggap naman si Marcus muli ng dalaga at muling nag-ibigan ng walang kamerang
nakatutok sa kanilang pagmamahalan.

You might also like