You are on page 1of 2

Ang human trafficking ay isang malalang krimen na nagaganap sa

halos lahat ng bansa sa mundo. Batay mula sa Coalitions Against


Trafficking in Human Beings in the Philippines ang human
trafficking ay ang pagkakalap ng mga tao at pagbenta sa kanila sa
kalakaran para sa mga ibat-ibang mga bagay. Ang Pilipinas ay isa
sa mga pinakamataas na persyento ng pangyayari na human
trafficking sa buong human. Ang mga babae sa bansa ay
pinapadala sa mga ibat-ibang parte ng Asya sa pagaakalang sila ay
makakakuha ng mga mga disenteng trabaho.

Mga Dahilan ng human trafficking:

Kahirapan: Karamihan ng mga taong nahuhulog sa human


trafficiking sa Pilipinas ay ang mga nangaling sa mga mahihirap na
pamilya na hindi masyado nakapag-aral. Dahil dito, mas
nahihirapan silang makahanap ng trabaho na may katamtamang
sweldo upang masuportahan ang kanilang mga sarili dahil sila ay
wala masyadong mga kahusayang sa mga bagay. Ang mga lalake
ang kadalasang kumikita para sa pamilya habang ang mga asawang
babae naman ay nagtatrabaho lamang sa bahay o tumatanggap ng
mga maliliit na trabaho ngunit ito ay kadalasan hindi pa sapat para
sa buong pamilya. Dahil sa kahirapang ito, maraming kababaehan
ang napipilitang maghanap ng trabaho sa mga bayan upang
makapaghanap ng trabaho na nagbibigay ng mas malaking sahod.
Ngunit, hindi lahat ng kababaehan ay nakakakuha ng matitinong
trabaho, ang iba nahuhulog sa prostitusyon at minsan ay ikakalakal
pa ng mga human traffickers.

Korupsyon: Ang gobyerno ng Pilipinas ay marami ng napasa na


mga batas hingil sa human trafficking. Ang mga batas na pinasa ng
pamahalaan ay nagbabawal sa mga human trafficking at
pinoprotektahan ang mga bata at babae. Pero, sa kabila nito,
marami paring mga opisyal ng gobyerno at ng pulisya ang
tumatanggap ng suhol para hindi pansinin ang human trafficking sa
bansa.
Edukasyon: Hindi lahat ng mga kabataan sa Pilipinas ay
nagkakaroon ng pagkakataon upang makapag-aral. Karamihan ng

mga pamilya ay pinapadala na lamang ang kanilang mga anak sa


mga lungsod o bayan upang makapaghanap ng mga oportunidad at
makakuha ng matinong trabaho.Ngunit,pag ang mga batang babae
ang nagpunta sa bayan, sila ay minsan malilinlang at magagamit
ng mga masasamang negosyante at puwedeng samantalahin.
Karamihan ng mga nalilinlang na babae, o kaya minsan ay mga
lalake rin, ay nahuhulog sa sistemang human trafficking.
Source:
Disney, R., Adrienne, A., & Cristina, D. (n.d.). Human Trafficking:
The Victimization of Filipino Women. Retrieved from
http://library.thinkquest.org/trio/TTQ04158/
Note! Hindi totoo first initials nila and last names. Kasi sa website,
firstnames lang nila nakalagay sa about us. Pero che check pa ba
ni sir yun? Nahhh hahahaha!

(Note: Mayroon ring 2 more causes ng human trafficking sa source


ko kaso nga lang medyo mauulit lang yung kahirapan at edukasyon
doon sa isa which is ignorance. Yung isa naman is irrelevant in
my opinion kasi about sa Vising Forces Agreement ng US. Pati
yung explanation nun walang kwenta for the subject hahahaha.

You might also like