You are on page 1of 1

Catalla, Zeej Louise P.

10-Wisdom
Isyung Pang OFW!

Ang hirap malayo sa taong nakasanayan mo ng lagging nasa tabi mo, hindi ba?
Bakit nga ba kailangan pa nilang lumayo? Pwede namang nandito sila at dinadamayan
sila sa kanilang paghihirap na dinaranas. Bakit napipilitan ang mga magulang na mang
ibang bansa at doon magtrabaho?
Ang mga OFW ay nadadamay sa mga isyu sa bansang kanilang
pinagtratrabahuhan. Nagpapakahirap sila upang may ipadala lang sa pamilya nila.
Lahat ng trabaho na kaya nila kahit sobrang pagod na sila ay nagpapakapagod. Ang
nasa isip lang ng mga OFW ay magtrabaho para may maipadalang pera sa pamilya
kahit na ilang taon silang mahiwalay sa mga mahal nila sa buhay, kahit sobrang
nahohome-sick na sila at sa mga panahon na hindi sila nakakadalo sa mga
mahahalagang pangyayari sa buhay ng kanilang mga anak ay wala silang magawa.
Noong 1995, isa sa ating kababayan ay nahatulan nh death-row sa Singapore
dahil sa bintang na siya raw ang pumatay sa kaibigan niya ngunit ito ay hindi naman
totoo pero siya ay walang magawa dahil anon ga bang laban niya. Ang pamilya ni Flor
Contemplacion ay walang nagawa upang maisalba ang buhay ng kanilang anak, ina at
asawa na si Flor. Sobra siyang minaltrato. Dapat may ginagawa ang gobyerno para
maligtas ang buhay ng isa sa kaniyang sinasakupan kahit mahirap dahil madaming tao
ang umaasa sa kanila sa kadahilanan na sila yung may kapangyarihan at alam nilang
kaya nila ngunit wala silang nagawa.
Noong nakaraang taon lamang ay may binalita na isa rin sa ating kababayan ay
nahatulan din ng death-row na si Mary Jane Veloso. Ito naman ay dahil sa nakitaan siya
ng droga sa kaniyang bagahe. Gumawa ng paraan ang ating president na si Pnoy
upang hindi matuloy ang pagbitay sa Malaysia at ito ay napaburan ngunit itutuloy parin
siya pero hindi na sa inaasahang petsa. Sinasabing ito raw ay dahil sa employer ni
Mary Jane pero kahit sabihin na ang employer ang naglagay ito ay walang patunay
kaya si Mary Jane parin ang nahihirapan lalo na ang kaniyang pamilya na hinihintay
ang kaniyang pagbabalik sa ating bansa upang makasama ulit sila.
Mahalaga ang mga OFW dahil sila ang mga taong nagpapakita na ang mga
Pilipino ay malakas at kaya nilang gawin ang lahat para sa pamilya nila. Mahirap man
malayo sa pamilya nila pero kung para sa ikakabuti nila bakit hindi nila gagawin.
Kailangan nilang kayanin ddahil sila ang inaasahan. Kailangan lang nila ng pagrespeto
galling sa ibang tao. Ipaglaban ang mga OFW sa mga banyangang walang ginawa
kung hindi ang apihin at tapakan ang kanilang dignidad bilang isang tao. OFW ang mga
bagong bayani!

You might also like