You are on page 1of 3

How the Evolved Mind Votes in Modern Elections

Kabanata 4- Paglalahad, Pagsusuri at Pagbibigay Kahulugan ng Data


Isinasaad sa kabanatang ito ang mga nakalap na mga impormasyon ukol sa naturang isyu
na siyang pinag aaralan, mga impormasyon ukol sa naisagawang survey at ang interpretasyon sa
mga data na nakuha sa survey. Ito ay direktang nagbibigay ng kahulugan sa mga nagawang
pananaliksik at nakuhang impormasyon base sa mga naungang mga kabanata
Ang mga kinuhang katugon (respondents) sa survey na isinagawa ay mga estudyanteng
nasa ikatlong taon na sa pag-aaral nga agham pampulitika na may bilang na 103 respondents. Sa
mga susunod na bahagi ng kabanatang ito makikita ang mga resulta sa naturang survey na
isinagawa.
Ang survey na isinagawa para sa pananaliksik na ito ay binubuo ng tatlong parte na
siyang susuriing mabuti bawat isa at kasabay nito ang pagpapaliwanag kung bakit ganun ang
kinahinatnan ng kanilang pagpili. Ang unang bahagi ng survey na siyang ipapaliwanag na ay
tungkol sa nailing kandidato ng mga 103 respondents.

Mga Kandidato ng Pagkapresidente


Miriam Santiago
Jejomar Binay

61

Grace Poe 0
Rodrigo Duterte

40

Manuel Roxas 2
0

10

20

30

40

Mga Kandidato ng Pagkapresidente

50

60

70

Sa limang naibigay na pagpipilian kung sino ang nais nilang iboto sa pagkapresidente,
makikita sa talanguhit na si Miriam Santiago ang may pinakamaraming boto na may kabuuang
halaga ng 61 na boto, sunod si Rodrigo Duterte na may bilang na 40 na boto, si Manuel Roxas
naman na may 2 na boto lamang, at Si Jejomar Binay at Si Grace Poe na parehas ay walang
bumoto sa kanilang dalawa. Sa pangalawang bahagi ng survey na kung saan malalaman kung
ano ang dahilan ng kanilang pagboto sa isang kandidato at sa kung ano ang hinahanap nila na
katangian sa kung paano sila pipili ng kandidato na nais nilang maging president sa sususnod na
eleksyon. Ang resulta ng pangalawang bahangi ng survey ay nakaapekto sa naging desisyon ng
mga tagatugon sa pagpili sa kanilang kandidato na nais nilag iboto para sa eleksyon, malalaman
din dito ang katangian na hinahanap ng mga tagatugon na maaring nag-udyok sa kanila upang
iboto ang isang kandidato.

Miriam Santiago
Ang kanyang ikalawang pagsubok sa pagtakbo ng pagkapresidente, at sa pagkakataong ito ay
mas lumaki na ang kayang tiyansa na Manalo sa darating na eleksyon. Kumandidato sa
Presidential elections nuong 1992 si Miriam Santiago, mabilis na na-promote mula sa pagiging
Immigration chief papuntang Secretary ng Agrarian Reform si Miriam Santiago at ipinakita niya
sa kanyang pamamalakad ang kanyang kakayahan na baguhin ang sistema kung kayat napansin
iyon ng mga tao kung kayat gayun na lamang ang bilis ng kanyang pagsikat at pagdami ng
suporta para sa kanyang kandidaturya bilang Pangulo ng bansa ngunit hindi siya pinalad na
manalo pero kahit na ganun pa man ay ipinagpatuloy niya padin ang kanyang tungkulin at ang
kanyang paglilingkod sa bansa at hanggang ngayon ay patuloy niyang isinasagawa ang kanyang
kagustuhin na baguhin ang sistema ng Pilipinas upang ito ay mas lalo pa umunlad. Ang mga
maaangas nyang comment, ang mga maka-masa nyang jokes, ang mga patutsada nya sa mga
kapwa pulitiko, at ang pagkastigong ibinibigay nya sa ibat ibang tao sa panahon ng senate court
hearings ang nag-aangat na naman sa estado ng senadora bilang paboritong pulitiko ng mga
Pilipino.
Si Miriam Santiago ang nanguna sa survey na isinagawa ng grupo. Ito lamang ay patunay
sa pangalawang bahagi ng survey na siyang pahayag nito na ang pagkakaroon ng magandang

karanasan ay ang hanap ng mga tagatugon sa isang kandidato kung kayat hindi kamanghamangha na si Miriam ang nanguna sa naturang survey.

You might also like