You are on page 1of 30

Introduksyon

Ordinansa sa Kaligtasan at Kalusugan sa Trabaho

Mga Nilalaman

Mga Alituntunin sa Kaligtasan at Kalusugan


Lugar sa Trabaho
Kasuotan sa Trabaho
Kagamitan sa Pansariling Proteksyon
Pagpigil sa Hindi Ligtas na Asal
Mga Tanda sa Kaligtasan at Kalusugan
Pangkalahatang Mga Gagawin para sa Kaligtasan
A. Pag-iwas sa Sunog
B. Kaligtasan sa mga Gamit na De-kuryente
C. Pagpigil sa Mga Aksidente na Sanhi ng mga
Kasangkapang Gamit ng Kamay
D. Ligtas na Paggamit ng mga Hagdan
E. Mga Mapanganib na Substansya
F. Mga Pangkaraniwang Peligro sa Trabaho

i. Pagkahulog mula sa Mataas na Lugar

ii. Manual Handling Operations

iii. Pagtatrabaho sa Kulob na Lugar

iv. Mga Organik na Solvent

v. Alikabok/Nakasasamang Gas

vi. Ingay

Ligtas na Pagpapaandar ng mga Makina


Machine Guard
Display Screen Equipment
Mga Peligro na Biyolohikal
Mga Trabaho sa Labas
Karahasan sa Trabaho
Mga Stress sa Trabaho
Mga Tugon sa mga Sitwasyon ng Emergency

Introduksyon
Anumang industriya tayo kabilang, nakahaharap tayo ng iba't ibang uri ng
mga peligro sa kaligtasan sa trabaho at kalusugan, tulad ng pagtatrabaho
sa mataas na lugar, pagtatrabaho sa kulob na mga lugar, gumagamit ng
mga makina o mga kemikal, o mahabang oras ng paggamit ng display
screens equipment. Kung walang mga mga gagawin para sa kaligtasan at
kalusugan, maaari tayong mapinsala habang nasa trabaho, maputulan ng
bahagi ng katawan o maaaring mamatay.
Ayon sa Ordinansa sa Kaligtasan at Kalusugan sa Trabaho ( Occupational
Safety and Health Ordinance) at iba pang mga kaugnay na batas ang
nagpapatrabaho ay may responsibilidad na magbigay ng ligtas at malusog
na lugar sa pagtatrabaho pati na rin ang mga pasilidad sa pagtatrabaho.
Para sa mga manggagawa, dapat rin silang makipagtulungan sa kanilang
nagpapatrabaho, at tingnan din ang kanilang kaligtasan at kalusugan
at ng iba pang mga manggagawa. Kabilang dito ang pagtanda sa mga
pamamaraan na mataas ang panganib at mga pasilidad. Dapat din nilang
matugunan ang lahat ng mga kinakailangan sa kaligtasan at gumamit ng
mga mahalagang kagamitan sa pansariling proteksyon.
Ang Handbook sa Trabaho at Kalusugan (Work and
Heath Handbook ay) na ito ay ipinakikilala ang
karaniwang mga peligro sa kaligtasan at kalusugan
sa lugar sa trabaho at ang mga kaugnay na mga
usapin sa kaligtasan upang tulungan ang mga
manggagawa na maintindihan ang mga posibleng
peligro sa iba't ibang mga proseso ng trabaho at ang
kinakailangang mga gagawin na pangkaligtasan.

Ordinansa sa Kaligtasan at Kalusugan sa Trabaho


Ayon sa Ordinansa sa Kaligtasan at Kalusugan sa Trabaho, ang
nagpapatrabaho, ang Umuukupa ng lugar at ang manggagawa ay
mayroong mga ilang legal na obligasyon.

Ang nagpapatrabaho ay dapat na:


1. Magbigay at magpanatili ng planta at sistema ng trabaho na ligtas at
walang panganib sa kalusugan
2. Gumawa ng mga pagsasa-ayos upang matiyak ang kaligtasan at
kawalan ng mga panganib sa kalusugan na may kinalaman sa
paggamit, paghawak, pagtatabi o paglipat ng planta o mga substansya
3. Magbigay ng impormasyon, instruksyon, pagsasanay at pamamahala
kung kinakailangan upang matiyak ang kaligtasan at kalusugan sa
trabaho
4. Magbigay at magpanatili ng ligtas na paraan ng pagpasok sa at mga
labasan mula sa lugar sa trabaho
5. Magbigay at magpanatili ng ligtas at malusog na kapaligiran ng
trabaho.

Ang umuukopa ng lugar ay responsable para sa pagpapanatili


ng kaligtasan at kalusugan sa:
1. Lugar
2. Paraan ng pagpasok sa at paglabas mula sa lugar
3. Anumang planta o mga substansya na nasa lugar

Ang manggagawa ay responsable para sa:


1. Pagtingin sa kaligtasan at kalusugan ng sarili at iba pang mga tao sa
lugar sa trabaho.
2. Paggamit ng mga pasilidad na ibinigay ng nagpapatrabaho, at pagsunod
sa mga regulasyon at mga gawi na itinakda ng nagpapatrabaho.

Mga Alituntunin sa Kaligtasan at Kalusugan


Ang unang bagay na dapat tandaan ng isang manggagawa sa trabaho ay
ang sumunod sa lahat ng mga alituntunin sa kaligtasan at kalusugan sa lugar
sa trabaho. Ang bawat kumpanya o lugar sa trabaho ay may sariling mga
alituntunin at ang bawat manggagawa ay dapat na sundin ang mga ito.
Halimbawa, ang pagsuot ng pangkaligtasan na
helmet, kung hindi sinunod ng manggagawa,

Safety Rules

magpapakita siya ng hindi magandang


halimbawa sa iba pang mga manggagawa.
Kung kaya't ang mga alituntunin sa kaligtasan
at kalusugan ay dapat na sundin ng lahat ng
mga manggagawa.
Dapat na ituring ng isang manggagawa ang mga alituntunin sa kaligtasan
at kalusugan bilang isang hindi mahihiwalay na bahagi ng mga alituntunin
sa trabaho.

Lugar sa Trabaho
Maraming benepisyo sa pagkakaroon ng malinis na lugar sa trabaho, tulad ng:
1. Pinapababa ang mga gastusin sa operasyon ng kumpanya.
2. Pinapababa ang pagkonsumo ng mga materyal at kompoment.
3. Pinatataas ang produksyon.
4. Pinagbubuti ang pamamahala sa
produksyon.
5. Mas epektibong nagagamit ang lugar
sa trabaho.
6. Pinapababa ang bilang ng aksidente.
7. Pinapalakas ang loob ng mga kawani.
8. Pinapababa ang mga peligro sa sunog.

Kasuotan sa Trabaho
1. Ang iba't ibang mga uri ng trabaho ay nangangailangan ng
magkakaibang kasuotan. Kung kaya't ang mga manggagawa ay dapat
na magsuot ng naaangkop na kasuotan sa trabaho.
2. Ang mga kasuotan sa trabaho ay dapat na palaging malinis, kung hindi
maaari itong maging sanhi ng mga sakit sa balat.
3. Ang mga maluwag na manggas, kurbata at malalaking panyo ay
madaling sumabit sa mga makina, na nagiging sanhi ng aksidente.
4. Madali ring sumabit sa mga makina ang mahabang buhok na nagiging
sanhi ng pinsala sa ulo.
5. Kung kinakailangan na magsuot ng kagamitan sa pansariling
proteksyon tulad ng mga pangkaligtasan na goggles, pamproteksyon
sa tainga, mga gwantes, gayundin ang respirator, dapat na ang mga
manggagawa ay suotin ang mga ito nang maayos.
6. Kung ang lugar sa trabaho ay nasasailalim sa peligro ng nahuhulog na
mga bagay, ang mga pangkaligtasang helmet ay maaaring makapagbigay
ng proteksyon kahit paano.
7. Ang mga pangkaligtasang sapatos
ay maaaring proteksyunan ang mga
daliri ng paa, at maiwasan na matusok
ang talampakan ng mga matulis na
bagay. Maaari rin na mapigilan nito na
madulas sa basa at madulas na sahig.
8. Kung ang kasuotan sa trabaho ay naging kontaminado ng mga
kemikal, dapat itong palitan kaagad at labahan nang husto.

Kagamitan sa Pansariling Proteksyon


A. Mga Uri
Kung kailangan sa lugar sa trabaho na magsuot ng kagamitan sa pansariling
proteksyon, dapat na sumunod ang lahat ng mga manggagawa.
1. Pangkaligtasang helmet.
2. Pamproteksyon sa mata / pantakip sa mukha
3. Pamproteksyon sa tainga
4. Respirator
5. Mga gwantes at pamproteksyong kasuotan
6. Pangkaligtasang sapatos
7. Pangkaligtasang harness / belt
8. Reflective vest / belt

B. Paraan ng Paggamit
Ang tamang paggamit ng kagamitan sa
pansariling proteksyon ay maaaring mapigilan
ang mga aksidente o mapababa ang pinsala sa
mga manggagawa sa hindi ganoong kalalang
mga aksidente.
1. Ang pagpili at paraan ng paggamit ay dapat
na sumunod sa mga instruksyon ng supplier
at ng nagpapatrabaho.
2. Ang pinamigay na kagamitang pamproteksyon
ay dapat na hindi baguhin nang walang
pahintulot, tulad ng paglagay ng maliit na
butas sa pangkaligtasang helmet.
3. Tandaan ang petsa kung hanggang kailan balido. Kung ang kagamitan
sa pansariling proteksyon ay napag-alamang depektibo, dapat na
ipagbigay-alam sa nagpapatrabaho upang mapalitan ito.

Pagpigil sa Hindi Ligtas na Asal


Hindi lang dapat ang manggagawa tumigil sa mga pag-asal na hindi
ligtas sa trabaho, mayroon din siyang responsibilidad na alertuhan ang
iba pang mga manggagawa.

Ang sumusunod na hindi ligtas na paraan ng pag-asal ay


mahigpit na ipinagbabawal.

Maling paggamit ng mga makina, hindi ligtas na paraan ng suporta, at


maling paraan ng transportasyon.

Papalapit o papasok sa isang mapanganib na lugar, tulad ng mga lugar


sa ilalim ng binubuhat na mga bagay at mga makina na umaandar.
Paglilinis, paglalagay ng langis o pagkukumpuni ng mga makina na
umaandar.

Pagsasagawa ng mga mapanganib na pagkilos na hindi ipinagbibigayalam sa iba, tulad ng biglaang pagpaandar ng ilang mga makina o mga

sasakyan.
Ang maling pagpili ng kailangang mga makina, o paggamit ng mga
makina na hindi sumusunod sa mga ispisipikasyon o may sira.
Ang pag-alis sa lugar sa trabaho
habang ang makina ay umaandar,
o paglagay ng mga makina o mga
materyal sa isang hindi ligtas na lugar.

Pagsira o pagtanggal ng instalasyon na


pangkaligtasan, tulad ng "guarding"
ng mga makina.

Paggamit ng mga hindi naaangkop na mga kagamitan sa trabaho.


Pagtanggi na gumamit o maling paggamit ng kagamitan sa pansariling
proteksyon, o pagsuot ng hindi naaangkop na kasuotan sa trabaho.
Pagtatrabaho habang nasa ilalim ng impluwensya ng mga droga/
alkohol, o paglalaro habang nasa trabaho.

Mga Tanda sa Kaligtasan at Kalusugan


Ang mga tanda sa kaligtasan at kalusugan ay dapat na ilagay sa mga
mapanganib na lugar, sa mga lugar kung saan itinatabi ang mga
mapanganib na substansya, o sa mga lugar kung saan madalas na
nahaharap sa aksidente ang mga manggagawa.
1. Ang mga tanda ay dapat na ilagay sa mga kapansin-pansing mga
lokasyon.
2. Dapat na maintindihan ng mga manggagawa ano ang ibig sabihin
ng mga tanda, at sundin ang mga kinakailangan na isinasaad ng mga
tanda.
3. Ang mga tanda ay dapat na hindi masira o tanggalin anuman ang
mangyari.

BAWAL
MANIGARILYO

MAGSUOT NG
GOGGLES

PELIGRO SA
KURYENTE

PANGUNANG
LUNAS
(FIRST AID)

LABASAN

PAMATAYSUNOG

Pangkalahatang Mga Gagawin para sa Kaligtasan


A. Pag-iwas sa sunog
Nagkakaroon ng sunog kapag ang "fuel" ay nainitan sa isang tiyak na
temperatura, at magpapatuloy ito kapag may tuloy-tuloy na supply ng
oxygen at ang temperatura ay nananatili sa temperatura na nagpapaningas. Magpapatuloy ang pag-apoy hanggang sa maubos na ang "fuel".
Upang maiwasan ang mga sunog, mahalaga na kontrolin ang lakas ng init
at "fuel".
1. Panatilihin ang lugar sa trabaho na malinis, iwasan ang pagtambak ng
mga maruming bagay at basura.
2. Ang dami ng mga nakatabing maaaring magliyab na mga substansya
at ang lugar na pinagtataguan ay dapat na sumunod sa mga legal na
kinakailangan, at dapat na malayo sa mga pinangagalingan ng init o
pinagmumulan ng pagningas.
3. Tiyakin na ang daanan para sa pagtakas sa sunog ay walang mga
nakaharang.
4. Magbigay ng sapat at maayos na
napananatiling serbisyo sa instalasyon
at kagamitan sa sunog.
5. Sumali sa mga pagsasanay kung ano
ang gagawin kung ay sunog (fire drill).
6. Sanayin ang sarili sa mga karakteristik
at paraan ng paggamit ng mga
pamatay-sunog.

Pangkalahatang Mga Gagawin para sa Kaligtasan


B. Kaligtasan sa mga Gamit na De-kuryente
Ang makuryente ay pangunahing sanhi ng kontak ng katawan ng tao
sa mga "buhay" na parte ng mga de-kuryenteng mga gamit. Kadalasang
malubha ang mga epekto nito.

Pag-iwas na Makuryente
1. Ang instalasyon, koneksyon at pagpapasuri ng lahat ng mga gamit na dekuryente ay dapat na gawin ng mga may kakayahan at awtorisadong mga tao.
2. Ang mga gamit na de-kuryente ay dapat na hindi nakasaksak.
3. Gumamit ng mga gamit na may dobleng insulasyon.
4. Gumamit ng residual current circuit-breaker.
5. Isara ang mga pinanggalingan ng kuryente bago
ilipat ang anumang de-kuryenteng gamit.
6. Maaari ring maiwasan na makuryente sa paggamit ng may
insulasyon na mat at pagsuot ng de-goma na sapatos.
7. Kapag gumagamit ng gamit na de-kuryente, panatilihin na tuyo ang
katawan at ang lugar sa trabaho.

C. Pagpigil sa Mga Aksidente na Sanhi ng mga


Kasangkapang Gamit ng Kamay
1. Pumili at gumamit ng nararapat na
mga kasangkapan na gamit ng kamay,
regular na tingnan upang matiyak na
ang mga kasangkapan na gamit ng
kamay ay hindi sira.
2. Kung nalagyan ng langis ang kasangkapan
na gamit ng kamay, dapat na punasan ito
upang maiwasan ang mga aksidente na
sanhi ng pagkadulas.
3. Gamitin ang mga kasangkapan nang
tama at hindi para sa ibang mga gawain.
4. Ibalik ang mga kasangkapan sa lalagyan nito pagkatapos gamitin.

10

Pangkalahatang Mga Gagawin para sa Kaligtasan


D. Ligtas na Paggamit ng mga Hagdan
1. Pumili ng hagdan na matatag at angkop ang taas. Ang hagdan ay
dapat na makatugon sa kaugnay na pamantayan sa kaligtasan.
2. Gumamit ng mga hagdan na may insulasyon kapag nagsasagawa ng
mga trabaho na may kinalaman sa kuryente.
3. Tiyakin na ang hagdan ay nakatayo nang matatag sa lupa.
4. Kapag gumagamit ng tuwid na hagdan, panatilihin na 75 digri ang
anggulo nito mula sa lupa. Maliban na lang kung ang hagdan ay nakaangkla o nakatali, mahalaga na may isang tao na tutulong upang
suportahan ang hagdan.
5. Sa mga de-tupi na hagdan, dapat itong i-instalasyon
na may mga bisagra at nakabuka.
6. Bago pumanik sa hagdan, palaging tingnan kung ito
ay matibay at matatag.
7. Panatilihin ang three-point contact sa pagpanik sa
hagdan, ito ay upang mahawakan ang hagdan ng hindi
bababa sa tatlong bisig ang haba sa anumang oras.
8. Dapat na ilagay ang mga kasangkapan na gamit ng kamay sa loob ng
bag at nasa baywang habang pumapanik ng hagdan.
9. Magsuot ng naaangkop na sapatos, hal. panlaban sa dulas na sapatos.
10. Kapag nakatayo sa hagdan, laging magtira ng dalawang hakbang pa
na mahahawakan ng mga kamay.

Ang sumusunod na hindi ligtas na mga kondisyon ay lubos na


ipinagbabawal:

Pataasin pa ang hagdan sa pagpatong nito sa mga kahon, ladrilyo


(brick) o iba pang mga hindi matatag na mga bagay.
Magbuhat ng mabigat na mga bagay habang pumapanik ng hagdan.
Tumayo sa tuktok ng hagdan.
Mas itaas pa ang katawan sa hagdan.
Ibahin ang pwesto ng hagdan sa pagkilos ng katawan (hal. upang
ipitin ang hagdan sa mga binti) at hindi bumaba upang ilipat ng
pwesto ang hagdan.
Masguot ng sandalyas, tsinelas o pumanik ng naka-paa.

11

Pangkalahatang Mga Gagawin para sa Kaligtasan


E. Mga Mapanganib na Substansya
Ang mga panganib ay maaaring sanhi ng mga kemikal na nahahati sa
pitong mga kategorya - sumasabog, nag-o-oxidize, nagliliyab, nakalalason,
korosibo, nakasasama at mga nagiging sanhi ng iritasyon. Ang bawat
uri ng panganib ay dapat markahan ng simbolo. Ang lalagyan para sa
mga kemikal ay dapat na lagyan ng simbolo ng kategorya kung saan ito
kabilang, upang direktang matukoy ang peligro.

Mga Pangkalahatang Gagawin para sa Kaligtasan sa Paghawak


ng mga Kemikal
1. Sistema sa kaligtasan

tamang paglalagay ng pangalan

naaangkop na kapaligiran sa
trabaho

pagsasanay, gabay at pamamahala
sa mga gumagamit

kagamitan sa pansariling
proteksyon
pansariling kalinisan
tamang pagtapon ng mga
kemikal

2. Pagtago ng mga kemikal



pagtago sa may maayos na bentilasyong lugar

pagkandado sa silid na taguan at may pamamahala
ng may kakayahan na tao

ang mga tao na hindi sinanay sa kaligtasan sa
kemikal ay hindi pinahihintulutan na pumasok

sumunod sa Ordinansa sa mga Mapanganib na Bagay ng Fire
Service Department kaugnay na mga regulasyon at ang Factory
and Industrial Undertakings (Dangerous Substances) Regulations ng
Departamento sa Trabaho.
3. Mga pangalan ng kemikal at Material Safety Data Sheet

dapat na lagyan ng tamang pangalan ang mga lalagyan ng mge kemikal

dapat nakalagay ang pangalan ng kemikal, ang peligrong hatid nito
gayundin ang mga gagawin para sa pag-iingat at kaligtasan.

Magbigay ng Material Safety Data Sheet (MSDS) ng mga kemikal para
kunsultahin ng mga gumagamit tungkol sa mga kinakailangang mga
gagawin sa pag-iingat at kaligtasan.
4. Paghahanda para sa mga sitwasyon ng emergency

instalasyon ng mga kagamitan sa emergency, kabilang ang mga
panghugas sa mata, "shower", at kagamitan para sa pagkumpuni ng
mga tumatagas

12

Pangkalahatang Mga Gagawin para sa Kaligtasan


F. Mga Pangkaraniwang Peligro sa Trabaho
I. Pagkahulog mula sa Mataas na Lugar
1. Hangga't maaari dapat na iwasan ang
pagtatrabaho sa mataas na lugar.
2. Dapat na mayroong ligtas na platform habang
nagtatrabaho sa mga mataas na lugar.
3. Dapat na maibigay ang ligtas na paraan ng pag-access, tulad ng mga
hagdan.
4. Ang platform sa trabaho ay dapat may maayos na mga guardrail
(ang isa may taas sa pagitan ng 900 mm at 1,150 mm; at ang isa sa sa
pagitan ng 450 mm at 600 mm) at ang toe-boards (hindi mas mababa
sa 200 mm ang taas).
5. Ang mga platform sa trabaho, kabilang ang mga mobile access tower;
ay dapat na itayo ng mga sinanay na mga trabahador. Sa kabilang
dako, ang bawat platform ay dapat na inspeksyunin ng isang may
kakayahan na tao bago gamitin, isang beses tuwing 14 na araw at
pagkatapos na may baguhin. Dapat ding lagdaan ang Form 5.
6. Kung gagamitin ang nakabitin o mataas na platform sa trabaho, ang
gumagamit ay dapat na sinanay sa operasyon at kaligtasan.
7. Kung nagtatrabaho sa mas mataas sa 2 metro ngunit hindi praktikal ang
instalsyon ng platform sa trabaho, dapat na magsuot ng pangkaligtasan
na belt. Dapat na itali ang pangkaligtasang belt sa isang nakatayo na
lifeline o sa isang matatag na bagay.

II. Manual Handling Operations


Bago Hawakan ang mga Bagay
1. Pag-isipan kung ang mga pantulong na aparato tulad ng mga trolley at
ang pagbuhat ng mga gamit ay maaaring gamitin upang mabawasan
ang oras ng manual handling.
2. Magsuot ng nararapat na kasuotan sa trabaho at gumamit ng
naaangkop na kagamitan sa pansariling proteksyon tulad ng mga
gwantes at mga pangkaligtasang sapatos.

13

3. Tantiyahin ang bigat at laki ng bagay. Kung ito ay napakabigat o mahirap


na hawakan dahil sa hugis o laki nito, dapat na humingi ng tulong sa
ibang tao.
4. Inspeksyunin ang bagay upang matiyak na walang mga pako o matulis sa
dulo na maaaring pagmulan ng pinsala.
5. Linisin ang daraanan at tanggalin ang anumang mga nakaharang.

Kapag Humahawak ng mga Bagay


6. Kapag naghahanda na buhatin a ng isang bagay, dapat na
paghiwalayin ang mga binti. Ang isang binti ay dapat nasa tabi ng
bagay, habang ang isa pang binti ay nasa likod ng bagay. Ang gulugod
ay dapat na panatilihin na nakatuwid at patayo.
7. Dapat na hawakan ng mahigpit sa palad ang bagay, at hindi ng mga
daliri lamang. Ito ay upang maiwasan na dumulas mula sa kamay ang
bagay.
8. Ang bigat ng katawan ay dapat na nasa paa. Lumapit sa bagay, at
buhatin ito gamit ang lakas ng mga binti, sa halip na ang likod.
9. Kapag naglilipat ng mga mabigat na bagay, igalaw ang mga paa sa
halip na itabingi ang baywang. Kung kinakailangan na buhatin at ilipat
ang bagay ng sabay, dapat na naunang nakaturo ang paa sa direksyon
ng destinasyon.
10. Huwag buhatin ang mabigat na bagay na nakatapat sa baywang sa
isang galaw lamang. Una, ilipat ang bagay sa platform sa trabaho o
sa isang lugar na halos katapat ng kalahati ng taas ng baywang, at
pagkatapos i-adjust ang lokasyon ng palad, at pagkatapos buhatin ulit.

14

Mga punto na dapat tandaan:


1. Mag-ingat nang husto kapag may hinahawakang mga bagay sa platform
sa trabaho, mga gulod, mga hagdan o mga lugar kung saan madali kang
mawalan ng balanse. Kapag idinaraan ang bagay sa pinto, tiyakin na
sapat ang lapad ng pinto upang hindi mapinsala ang palad o mga daliri.
2. Kapag humahawak nang magaang mga bagay, huwag itong ipagwalangbahala, dahil ang biglaang pagtabingi ng baywang ay maaaring
magresulta sa pinsala sa baywang.
3. Kapag naglilipat nang mahabang bagay, ang unahang parte ay dapat na
bahagyang nakataas upang hindi mapinsala ang mga tao sa paligid.
4. Kapag nagpapasa ng bagay sa isang tao, dapat mo munang tiyakin na
hawak na niya nang mahigpit ang bagay bago ito bitawan.
5. Kapag higit sa dalawa o mas marami pang tao ang humahawak sa bagay,
may isang dapat na nangunguna upang tiyakin na magkakasabay ang
mga hakbang at sabay-sabay na tinataas o binababa ang bagay.

III. Pagtatrabaho sa Kulob na Lugar


Ang mga kapaligiran sa trabaho tulad ng mga "manhole" at mga tangke
ng tubig sa gusali ay tinuturing na kulob na lugar, at maaaring naglalaman
ng nakalalasong mga gas o maging sanhi ng mapanganib na kondisyon
dahil sa kawalan ng oxygen. Dahil dito, dapat na tandaan ng bawat mga
manggagawa ang sumusunod kapag nagtatrabaho sa kulob na espasyo:
1. Bago pumasok sa isang kulob na lugar, dapat kang magtalaga ng
may kakayang tao na magsasagawa ng pagtatasa sa panganib at
magrekomenda ng mga pag-iingat para sa kaligtasan.
2. Tiyakin na lahat ng rekomendasyon sa mga pag-iingat para sa
kaligtasan ng pagtatasa sa panganib ay naipatupad na. Maaaring
kabilang dito ang insulasyon, paglilinis, pagsusuri sa hangin,
bentilasyon, ilaw at ang paggamit ng mga aparato sa paghinga, atbp.

15

3. Batay sa rekomendasyon mula sa pagtatasa sa panganib, maglabas ng


"permiso sa trabaho" upang patunayan na ang lahat ng kinakailangan
na mga pag-iingat para sa kaligtasan ay nagawa, at upang tukuyin ang
tagal ng pananatili ng manggagawa sa kulob na lugar.
4. Tiyakin na tanging ang mga sertipikadong manggagawa lamang ang
makapapasok sa kulob na lugar, at magbigay nang ligtas na paraan
nang pagpasok at paglabas.
5. Habang nagtatrabaho, magtalalaga ng isang tao sa labas ng kulob na
lugar upang laging may komunikasyon sa (mga) manggagawa sa kulob
na lugar.
6. Magbigay ng naaangkop na pasilidad sa pagligtas, kabilang ang mga
sertipikadong pantulong sa paghinga, pangkaligtasang harness,
lifeline, resuscitation aids, ilaw sa isang emergency, mga kahon sa
pangunang lunas, stretchers, tripods at winches, at magtakda ng mga
pamamaraan sa isang emergency at naaangkop na mga pagsasa-ayos
sa pagligtas.
7. Kung sumama ang pakiramdam ng manggagawa o naharap sa dikaraniwang mga sitwasyon habang nagtatrabaho sa kulob na lugar,
umalis kaagad at abisuhan ang supervisor.
8. Kung matagpuan ang isang tao na
nawalan ng malay sa loob ng isang

Ass Risk
essm
e

nt

kulob na lugar, kaagad na simulan


ang mga pamamaraan na pwedeng
gawin. Kung wala ka ng mga
naaangkop na aparato sa paghinga
at kagamitan sa pagligtas at hindi
rin angkop na nagsanay, huwag
kailanman pumasok sa espasyo
upang gawin ang pagligtas.

16

Work
it
Perm

IV. Mga Organik na Solvent


Karamihan sa mga organik na solvent ay maaaring magliyab, at kung
malanghap, makararanas ang biktima ng sakit ng ulo, pagkahilo,
pagsusuka at panghihina.

Mga Karakteristik
1. Nagliliyab o Sumasabog.

3. Pagka-irita ng balat o mga mata.

2. Pampamanhid.

4. Pinsala sa atay o bato.

Mga gawain para maiwasan:

THINNER

1. Dapat na may takip ang lalagyan at may panaklob (lid).


2. Huwag kailanman gamitin ito upang maghugas ng kamay.

THINNER
- Highly flammable
- Irritant to skin and
respiratory track
- Wear goggles, face
shield, chemical
resistant gloves and
apron
- Exhaust ventilation

3. Huwag kailanman ilagay ang mga ito malapit sa sistema sa bentilasyon.


4. Dapat gumamit ng naaangkop na kagamitang pamproteksyon

V. Alikabok / Nakalalasong Gas


Ang mga proseso sa trabaho tulad ng paggugupit, paggiling at paghukay
ay nagpapalabas ng magkakaibang laki ng alikabok. Ang paglanghap
nang napakaraming alikabok mula sa mineral sa mas mahabang oras ay
nagiging sanhi ng pneumoconiosis. Bukod dito, nakapagpapalabas din
nang masamang gas ang pag-welding.

Mga gawain para maiwasan:


1. Subukan na kontrolin ang pinagmulan ng alikabok
at nakasasamang gas.
2. Paganahin ang lokal na exhaust system upang
matanggal ang mga alikabok at nakasasamang gas.
3. Kapag ang sistema ng bentilasyon ay nabigo na epektibong makontrol
ang alikabok o nakasasamang mga gas, kakailanganin ng mga
manggagawa na magsuot ng naaangkop na respirator.
4. May dalawang kategorya ang respirator ang uri ng pangsala at ang
aparato sa paghinga na may supply ng hangin.

17

5. Kapag gumagamit ng aparato sa paghinga, tiyakin na ang supply ng


hangin ay hindi kontaminado.
6. Regular na linisin at panatilihin ang maayos na paggana ng mga respirator.

VI. Ingay
Maaaring habambuhay na mapinsala ang pandinig kung malantad nang
matagal sa maingay na paligid. Dapat magsagawa ang nagpapatrabaho
ng pagtatasa sa maingay na kapaligiran, at magpatupad ng mga gagawin
para maproteksyunan ang pandinig batay sa antas ng araw-araw na
pagkakalantad ng bawat manggagawa.
Sitwasyon ng Ingay

Antas ng Ingay

Mga gagawin para maproteksyunan ang pandinig

Araw-araw na
personal na
pagkalatantad sa
ingay na 85 hanggang
89 dB(A)

Unang antas
ng aksyon (First
action level)

- ipatupad ang gagawin upang mabawasan


ang araw-araw na pagkalatantad sa ingay
ng mga manggagawa.
- m a g b i g a y n g s a p a t n a k a u g n a y n a
impormasyon, instruksyon at pagsasanay.
- Sa hiling ng manggagawa, magbigay ng
inaprubahang pamproteksyon sa tainga

Araw-araw na
personal na
pagkalatantad sa
ingay na 90 dB(A) o
mas mataas

Ikalawang
antas ng aksyon
(Second action
level)

Pinakamataas na
antas ng presyur ng
tunog na 140 dB o
pinakamataas na
presyur ng tunog na
200 Pa.

Pinakamataas na
antas ng aksyon
(Peak action
level)

- ipatupad ang gagawin upang mabawasan


ang araw-araw na pagkalatantad sa ingay
ng mga manggagawa.
- m a g b i g a y n g s a p a t n a k a u g n a y n a
impormasyon, instruksyon at pagsasanay.
- magtakda ng lugar na pamproteksyon sa
pandinig o tukuyin ang layo sa maingay
na makina o kagamitan, at pagsuotin ang
mga nagtatrabahong manggagawa na nasa
loob ng lugar o distansya na magsuot ng
inaprubahang pamproteksyon sa tainga.

Sa manggagawa, kung magtatrabaho sa loob ng


lugar na dapat may pamproteksyon sa tainga,
magsuot ng inaprubahang pamproteksyon sa
tainga.

18

Ligtas na Pagpapaandar ng mga Makina


A. Pagsuri bago paandarin
Bago gamitin ang makina, mahalaga na tiyakin na nasa
magandang kondisyon ito. Kung ang makina ay luma
na, may sira, o tumatagas ang langis at may kakaibang
tunog, dapat mong ipagbigay-alam sa supervisor para sa
pagpapakumpuni. Kung ipagwawalang bahala ang mga
problemang ito, maaaring may maganap na mga aksidente.

B. Pagsasanay at proteksyon ng nagpapaandar


Ang nagpapaandar ng makina ay dapat na nakatanggap ng mahalagang
pagsasanay sa pagpapaandar at kaligtasan. Dapat din silang gumamit ng
naaangkop na kagamitan sa pansariling kaligtasan.

C. Mga Tanda
Sa maraming tao o maingay na kapaligiran sa pagtatrabaho, madalas
na ginagamit ang mga manwal na tanda para sa komunikasyon. Dapat
na malinaw sa mga maggagawa ano ang kahulugan ng bawat tanda, at
magamit nila ito sa mga naaangkop na panahon.

D. Sumunod sa mga pamamaraan ng operasyon


Huwag gawing simple ang mga pamamaraan sa trabaho para lamang
sa pagpapabilis ng gawain, o kontrahin ang mga gabay para sa ligtas
na pagtatrabaho. Maraming aksidente ang nangyayari sa ganitong mga
sitwasyon.

E. Mga Espesyal na usapin


Kung mayroong mga espesyal na problema na maganap habang nasa
trabaho, tulad ng kailangan ng pagpapakumpuni ng makina, inspeksyon o
pagsusuri, kailangan mo na ipagbigay-alam sa iyong supervisor, na siyang
maghahanap ng kwalipikadong tao para gawin iyon.

19

Machine Guard
Kabilang sa mga peligro sa makina ang mabangga o masabit ang katawan ng
manggagawa sa umaandar na parte ng makina at mahatak sa mapanganib
na lugar, o ang manggagawa ay napinsala ng nasirang piraso nito na umitsa.
Ang gamit ng machine guards ay upang paghiwalayin ang kamay o
iba pang bahagi ng katawan ng nagpapaandar ng makina mula sa
mapanganib na mga parte ng makina.
1. Upang matiyak ang normal na operasyon ng machine guards, huwag
kailanman na tanggalin o sirain ang mga ito para lang mapabilis ang
trabaho.
2. Ang regular na pagpapatingin at inspeksyon ng machine guards ay
pinahahaba ang buhay nito para sa matagal pang paggamit.
3. Kung ang machine guard ay napansing may sira, ipagbigay-alam sa
supervisor upang maipakumpuni ito.
4. Bago kumpunihin ang guard o iba pang mga parte ng makina, dapat
mong isara ang pinagmumulan ng kuryente at tiyakin na ang makina
ay huminto na. Ikandado ang mga switch at maglagay ng tanda upang
mapigilan ang ibang tao na mabuksan ng hindi sinasadya ang makina.

20

Display Screen Equipment


Display Screen Equipment sa Lugar sa Trabaho
at Tamang Postura sa Trabaho
Kung kinakailangan na gumamit ng display screen equipment tulad ng
computer nang mahabang oras, ang lugar sa trabaho ay dapat na hustong
angkop sa mga gagamit. Kung hindi, maaaring maging sanhi ito ng mga
problema sa musculoskeletal. Dapat na magsagawa ang nagpapatrabaho
ng pagtatasa sa panganib para sa mga gumagamit at sa kanilang lugar na
pinagtatrabahuhan, at magbigay ng impormasyon at pagsasanay upang
mapangalagaan ang kalusugan ng mga gumagamit. Dapat na mapanatili
ng mga gumagamit ang maayos na postura sa pag-upo kapag gumagamit
ng mga display screen na pasilidad.

A. Unang screen na halos kapantay ng mata o mas


mababa ng kaunti

H. Sapat na espasyo para sa binti

B. Kumportableng layo ng pagbabasa (350-600mm)


C. Tamang anggulo ng braso

J. Ang screen ay nasa kanang anggulo na nasa


linya ng mata

D. Na-a-adjust ang taas ng sandalan

K. Na-a-adjust na hawakan ng dokumento

E. Na-a-adjust na taas ng upuan upang ang gumagamit


ay maaaring ipatong ang kanyang mga hita sa
upuan at ang mga paa ay makapahinga sa sahig

L. Panatilihin na bahagyang naka-angat ang


pupulsuhan (wrist

F. Matatag na base ng silya na may makinis na castor


para sa madaling paggalaw
G. Kung kinakailangan magkaroon ng matatag na
patungan ng paa

I. Sapat na suporta sa pupulsuhan (wrist)

M. Na-a-adjust na suporta sa screen para sa pagikot at pagtabingi.


N. Bilog o naka-scroll na upuan
O. Makabubuti ang na-a-adjust na taas ng mesa

21

Mga Peligro na Biyolohikal


Ang mga bulaklak, palumpon ng damo o mga lugar na patay ang tubig
ay maaaring maging lugar upang magparami ang mga lamok. Bukod sa
makaaapekto sa kalinisan ng kapaligiran, ang mga lamok ay nagkakalat
ng Japanese encephalitis, dengue at iba pang mga sakit. Hindi lamang
ang mga ito lugar kung saan nagpaparami ang mga lamok, maaari rin
itong pamugaran ng mga daga. Kung magkakaroon ng kontak sa mga
dumi ng daga, maaaring magkaroon ng leptospirosis, at kung makagat
ng daga, maaaring magkalagnat dahil sa kagat ng daga. Kaya't ang mga
manggagawa ay dapat na gawin ang lahat na mapanatiling malinis ang
kapaligiran upang maiwasan ang mga biyolohikal na peligro.
1. Panatilihin ang kapaligiran na malinis at maayos ang bentilasyon.
2. Tanggalin ang patay na tubig sa lugar sa trabaho. Para sa mga sisidlan
ng tubig gaya ng mga plorera (vase), ang tubig sa loob ay dapat na
palitan isang beses sa isang linggo.
3. Tanggalin kaagad ang mga hindi gumagalaw na tubig upang maiwasan
na dumami ang mga lamok.
4. Panatilihin ang kalinisan ng katawan sa paghuhugas ng kamay
pagkatapos ng trabaho at bago kumain.
5. Gumamit ng naaangkop na kagamitan sa pansariling kaligtasan, tulad
ng mga pamahid upang hindi madapuan ng lamok, mga pantakip sa
mukha at mga damit na mahaba ang manggas.
6. Kung may mga lamok, o may nakitang daga, umupa ng propesyunal na
kumpanya sa pamatay peste upang ayusin ang sitwasyon.
Kung ang mga manggagawa ay kailangang magtrabaho kung saan
ginagamot (tulad ng mga ward ng ospital at mga silid na pang-quarantine)
ang mga pasyente na nakahahawa (tulad ng trangkaso), ang sumusunod
ay ang mga dapat gawin upang maiwasan na mahawa:
1. Naaangkop na kagamitan sa pansariling proteksyon ang dapat na suotin.
Kabilang dito ang mga pantakip sa mukha, goggles, pamproteksyon na
kasuotan, mga gwantes, mga takip ng sapatos, atbp.

22

2. Iwasan na hawakan ang mata, ilong o bibig habang nagtatrabaho.


3. Iwasan ang pisikal na kontak sa mga pasyente
maliban na lang kung kinakailangan.
4. Dapat na tamang maitapon o malinis o i-sterilize
(kung hindi disposable) ang mga kagamitan sa
pansariling proteksyon.
5. Pagkatapos ng trabaho, gumamit ng naaangkop na
paraan sa paghugas ng kamay upang hugasan nang
mabuti ang kamay.
6. Kung magkaroon ng sintomas ng impeksyon,
ipagbigay-alam sa supervisor at humingi ng medikal
na tulong.

Mga Trabaho sa Labas


Kung kailangan ng isang manggagawa na magtrabaho sa labas nang
mahabang oras, dapat siyang may mga gawing pang-iwas upang
maiwasan ang heat stroke sa ilalim ng mainit na panahon.
1. Palitan ang pamamaraan sa trabaho: pag-isipan ang posibilidad
ng pagpapalit ng kapaligiran sa trabaho, tulad ng pagtatrabaho sa
loob o sa isang malamig, o may habong na lugar, upang maiwasan
ang mahabang pagkakalantad sa ilalim ng araw.
2. Magbigay ng masisilungan: magtayo ng masisilungan sa lugar sa
trabaho upang mabawasan na malantad sa direktang init ng araw
ang mga manggagawa.
3. Ibahin ang mga oras ng pasok o uri ng mga trabaho: iwasan na
magtrabaho sa oras na pinakamainit ang araw. Isang alternatibo
rin ang palitan ang mga uri ng trabaho ng manggagawa upang
maiwasan na magtrabaho nang matagal sa labas.

23

4. Magpahinga sa isang malamig na lugar sa tamang oras.


5. Uminom ng maraming tubig.
6. Gumamit ng kagamitan sa pansariling
proteksyon: magsuot ng angkop na
kasuotan sa trabaho, mga salamin sa
mata na panlaban sa sinag ng araw, mga
sumbrero at gumamit ng suntan lotion
atbp.
Dagdag pa rito, dapat na mag-ingat ang
mga manggagawa sa mga ahas, mga ligaw
na aso o iba pang mapanganib na mga
hayop sa paligid. Kung makita ang mga ito,
itigil agad ang trabaho at humingi ng tulong
mula sa mga kaugnay na departamento.
Kung maharap sa mga masamang panahon ( tulad ng malakas na hangin at
mga pagbagyo) sa lugar sa trabaho, dapat na sundin ng mga manggagawa
ang mga mahalagang gabay na ipinalabas ng pamahalaan o ng kumpanya,
o kunsultahin ang supervisor upang makapagpasya kung ipagpapatuloy
ang trabaho o hindi. Kung mapagpasyahan na ititigil ang trabaho, kaagad
na pumunta sa ligtas na lugar, at tiyakin na bago umalis naisagawa ang
mga gagawin para sa kaligtasan (hal. itali nang husto ang mga maaaring
gumalaw na patungan, ibaba ang mga nakabitin na bagay, atbp.) Huwag
kailanman makipagsapalaran na ituloy ang trabaho sa mapanganib na
kapaligiran kahit na kailangan nang tapusin ang trabaho.

24

Karahasan sa Trabaho
Maaaring magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga manggagawa
sa kanilang mga kasamahan o kliyente habang nasa trabaho. Ang mga
insidente na ito ay mga away na maaaring maging usapin na emosyonal,
o sa ilang malalang sitwasyon ay maging insidente na magkaroon ng
karahasan at mayroong masaktan. Kaya't dapat ang mga manggagawa
ay manatiling mahinahon sa bawat oras habang nasa trabaho. Kung
mayroong hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kasamahan at mga
parokyano, dapat kang manatiling mahinahon at harapin ang insidente
na walang pinapanigan, at may layunin na malutas ang problema nang
maayos. Huwag kailanman maging emosyonal. Kung tumanggi ang isa
na makipag-ayos, maaari mong pag-isipang gawin ang sumusunod upang
mapahinahon ang tao o mabawasan ang epekto ng insidente:
1. Sabihin na naiintindihan mo ang nararamdaman ng isa pa;
2. Idiin na ang iyong kapangyarihan ay limitado lamang;
3. Gamitin ang "crowd pressure";
4. Tahasang aminin ang iyong pagkakamali;
5. Gumawa nang kaagad na pagkilos sa
harap ng taong sangkot:
6. Subukan na mag-isip ayon pananaw at
interes ng taong sangkot;
7. Ipaalalala sa taong sangkot ang katulad
na mga insidente noon;
8. Ipaliwanag ang patakaran ng iyong kumpanya sa taong sangkot; o
9. Hilingin sa iyong supevisor na harapin ang insidente.
Kung sa pakiramdam ng manggagawa hindi niya malulutas ang problema
nang mag-isa o ang sitwasyon ay maaaring lumaki pa ( maaaring maging
marahas na insidente), humingi ng tulong kaagad.

25

Mga Stress sa Trabaho


Karaniwang usapin ang stress sa trabaho sa kaligtasan at kalusugan sa
trabaho, dahil maaari itong lumitaw sa magkakaibang mga propesyon.
Ang usapin ng stress sa trabaho ay karaniwang pinababayaan, ngunit sa
katotohanan maaari itong magdulot ng maraming negatibong epekto sa
mga manggagawa. Sa mga malubhang kaso maaari itong maging sanhi ng
mga problema sa kalusugan.
1. Mga Sikolohikal na problema pagkabalisa, pamamantal, pagkainis,
depresyon, hindi makapag-konsentrasyon, pagkalimot at pagkalito
2. Mga problema sa pag-asal kawalan ng gana na makisalamuha,
walang katahimikan ang isip, kawalan ng gana / walang kontrol sa
pagkain, marahas na pag-asal, o hindi makatulog atbp.
3. Mga problema sa kalusugan sakit ng ulo, sakit ng tiyan/ pagsusuka,
matigas na dumi/ pagtatae, pagtaas ng presyon ng dugo, pananakit ng
kalamnan, at madalas na mabilis mapagod.
Ang mga manggagawa ay maaaring maiwasan at mapamahalaan ang
kanilang stress sa trabaho sa sumusunod na mga paraan:
1. Panatilihin ang malusog na pamumuhay at balanseng diyeta.
2. Magkaroon ng mabuting sikolohiyal na pananaw at positibong pagiisip. Maging positibo at matutunan paano harapin ang tagumpay at
pagkabigo, at iwasan ang lubos na paghahangad ng materyal na mga
bagay.
3. Panatilihin ang masayang damdamin, at huwag aksayahin ang iyong
oras sa mga hindi mahalagang mga alalahanin.

26

4. Sabihin ang iyong mga pananaw sa management, alisin o bawasan


ang pinagmumulan ng presyur, at makipag-usap sa iyong supervisor at
kasamahan paano lutasin ang mga problema.
5. Planuhin ang iyong trabaho at itakda ang mga prayoridad, at pagbutihin
ang pamamahala sa iyong oras.
6. Magpahinga, at maglaan ng oras para sa maikling pahinga hangga't
maari.
7. Magtatag ng mabuting kaugnayan sa mga kasamahan, mga miyembro
ng pamilya at mga kaibigan, at magtatag ng network ng suporta.
8. Kapag may problema o nalilito, ibahagi ang nararamdaman sa mga tao
na may tiwala o humingi ng propesyunal na payo.
9. Kung nagpapakita ng mga sintomas na pagkabalisa at depresyon
humingi ng medikal na tulong hangga't maaga.

27

Mga Tugon sa mga Sitwasyon ng Emergency


1. Manatiling mahinahon, at ipagbigay-alam sa iyong supervisor ang mga
detalye ng aksidente, tulad ng lokasyon at dami ng mga pinsala.
2. Abisuhan ang pulisya kaagad at tumawag ng ambulansya.
3. Huwag pakilusin ang napinsalang (mga) tao maliban na lang kung
mayroong sinanay na tao sa pangunang lunas (first aid) ang naroon sa
lugar.
4. Panatilihin ang kasalukuyang sitwasyon hangga't maaari upang
makatulong sa susunod na mga imbestigasyon.
5. Kahit na walang mga pinsala sa insidente, dapat ka pa ring mag-ulat sa
pinuno sa iyong departamento upang may maisagawang imbestigasyon
at maiwasan na maulit ang insidente. Ang insidente na walang
napinsala ay maaaring maging aksidente na may mga malubhang
pinsala sa hinaharap kung hindi bibigyang pansin.
6. Dapat na mayroong detalyadong plano para sa pagtugon sa mga sunog.

MGA INSTRUKSYON SA KALIGTASAN SA SUNOG


Kapag mayroong sunog

1. Lakasan ang boses at sumigaw.


2. Abisuhan ang Fire Emergency Unit ng Kumpanya.
3. Kung ligtas ang sitwasyon, gamitin ang mga pamatay-sunog at hos atbp. upang
patayin ang apoy.
4. Kung hindi mapatay ang apoy, ang Fire Emergency Unit ay dapat na pindutin ang
alarma at i-dial ang 999 upang abisuhan ang Fire Services Department.

Kapag narinig ang alarma ng sunog

1. Isara ang lahat ng mga pinto at bintana.


2. Isara ang lahat na bukas na mga de-kuryenteng gamit. Ang Fire Services Unit ay
dapat na isara ang pangunahing switch ng kuryente (ngunit dapat panatilihin na
bukas ang ilaw).
3. Sundin ang mga instruksyon ng Fire Emergency Unit upang lumabas sa gusali sa
nakasaad na daanan, at magkita-kita sa XXX na pasukan.
4. Mag-ulat sa Fire Emergency Unit.

Mangyaring tandaan:

HUWAG gamitin ang elevator.


HUWAG magpaiwan upang kunin pa ang iyong mga gamit
HUWAG pumasok ulit sa gusali hanggat ang mga awtorisadong tao ay sabihin
na ligtas na itong gawin.
Fire Emergency Unit tao na namumuno: XXX
Mga Miyembro: XXX XX
Address: XX XXXX XX

28

You might also like