You are on page 1of 14

About the book

Ang libro na ito ang magpapaliwanag sa kung anu ang totoong


nangyayari sa utak ng isang teenager, at kung bakit nga ba matigas
ang kanyang ulo, Ito ay para sa teenager at para sa magulang
na may anak na teenager. Sana makatulong sa inyo.
Ang librong ito ay hindi opinyon, katotohanan lamang
bawal po ito sa matitigas ang ulo.

Panimulang kwentong halimbawa


Si Jeni ay hindi sigurado kung maganda ba sya o hindi, may nagkakagusto sa kanya
ngunit hindi naman nya gusto ang may crush sa kanya, may crush sya pero hindi nya
sigurado kung magugustuhan ba sya ng crush nyang si Nardo, Si Nardo ay sikat sa
kanilang eskwelahan dahil sa kanyang gwapong mukha at talento sa pagsayaw, sa
tuwing may mga gala pagkatapos ng eskwela, ninanais ng Jeni na sundan kung nasan
nakatambay ang crush nyang si Nardo, sa pagnanais na magustuhan din sya
nito,napapadalas ang paguwi ng late ni Jeni at napapabayaan na nito ang kanyang
pagaaral, napuna ito ng kanyang nanay at pinagalitan si Jeni, si Jeni ay nagmamatigas at
ayaw sumunod sa kanyang mga magulang, hindi dahil wala syang galang, kundi meron
syang hindi maipaliwanag na goal.
Si Biboy ay masayahing bata nahilig sya sa pagtugtog ng gitara, palagi syang
nangangarap na magkaroon ng banda at tumugtog sa maraming tao, nakilala nya si
Mando at Jovert na mahilig din sa musika araw araw silang nageensayo,napapadalas ang
paguwi nya ng late sa bahay,nagalit ang kanyang tatay at binasag ang kanyang
gitara,labis na dinamdam ni Biboy ang pangyayari, lumayas sya sa bahay nila, at nakitira
sa mga kaibigan nyang mahilig sa musika.
Si Kaloy ay lumaki na palaging dinidiktahan ng magulang, pananamit,salita, ayos ng
buhok at pati kung sino ang kanyang pwedeng maging mga kaibigan, pagtungtong nya
ng college lagi syang tinutukso ng mga kaklase dahil hindi sya sumasama sa mga lakad
pagkatapos ng eskwela, labis itong dinamdam ni Kaloy at dumating sa punto na lumabag
sya sa batas ng kanyang mga magulang,sumama sya sa kanyang mga kaibigan, sobrang
saya ni Kaloy naranasan nya na masarap pala ang buhay na malaya sa kanyang mga
magulang, tumikim din sya ng alak,sigarilyo at chongke. Di nagtagal nadiskubre ito ng
kanyang mga magulang,tinakot si Kaloy na sya ay dadalhin sya sa ibang bansa para
makaiwas sa mga masasamang impluwensya, ngunit si Kaloy ay lumayas sa kanilang
bahay bago pa man sya dalhin sa ibang bansa, at naging lulong sa pinagbabawal na
gamot.
Si Elsa lumaki sa Ama na sinasaktan ang kanyang Ina, nanuot sa kanyang puso ang galit
sa Ama at ang pagnanais na balang araw ay maipaghiganti ang kanyang Ina, ang
pakiramdam ni Elsa ay wala syang lakas o magawang tulong
para solusyunan ang problema ng kanilang pamilya, pagdating ng college sumali sya sa
isang fraternity para makaramdam ng kapangyarihan, at ang pagkakaroon ng maraming
kaibigan na mahihingian ng proteksyon.

Teenager versus parents


Lahat ng tao ay dumadaan sa pagiging teenager ang pinaka masaya at pinakamaselang
stage ng pagbuo ng pagkatao ng isang tao. Sa Stage na ito natututo ang isang tao ng
kung anu-anong kalokohan, gaya ng paninigarilyo,panonood ng porn,magdroga o worst
makipagsex.
Maraming kabatan ang nagwawala at naliligaw ang landas hindi dahil gusto nila ito
kundi sa kanilang mga magulang o guardians na kulang ang kaalaman sa parenting, ito
na ang wakas ng inyong paghihirap mga teenagers, ipabasa ito sa inyong mga magulang,
itabi sa puso ang mga kaalaman na matututunan mo sa librong ito at ng sa pagdating nga
panahon na ikaw ay isa naring magulang alam mo kung papaano ihandle ang ganitong
sitwasyon,
Teenager at ang kanyang purpose sa mundo
Sa stage na ito, ang teenager ay kinikilala ang kanyang sarili, kahit ako nung teenager
ako akala ko ang mga simpleng pagpapasaway ko paglabas ng bahay,pagsubok ng kung
ano anong bagay ay peer pressure lang, sa kabila pala ng iyong utak ay isang mas
malalim na layunin, ang pagkilala sa iyong tunay na pagkatao o purpose sa mundo,
susubok sasali sa kung anu anung grupo para mahanap ang passion, at isa rin po itong
mainam na paraan para maagang umasenso ang isang tao, mas maagang madiscover ang
kanyang passion mas maaga din syang makakapagfocus para matupad ang kanyang
pangarap, halimbawa: may classmate ako nung first year highscool, mahusay sya
magbasketball at tinitilian ng mga babae pag sya ay naglalaro, dyan palang sa stage na
yan nakilala na nya ang kanyang tunay na sarili, makalipas ang maraming taon at inadd
nya ako sa facebook, ngayun ay isa na syang teacher at coach ng basketball sa parehong
eskwelahan, makikita mo rin sa mga facebook posts nya na sobra ang kanyang passion
for basketball marami narin syang achievements dito. Kumpara mo sa isang taong late
na madiscover ang kanyang passion, meron akong mga kilalang tao umabot sa 30 plus
hinahanap parin ang kanyang passion, wala naman masama magsimula ng late pero
again mas maganda kung maaga kang magsimula.
Nung ako ay first year highschool may classmate ako na tinuruan ako mag gitara, first
year pa lamang sya at ang kanyang level of expertice sa gitara ay mataas, kumbaga pag
nagitara sya para kang nakikinig sa radyo,plakado, nainspire ako at naging close friend
ko sya, araw araw ako nagpapaturo mag gitara sa kanya, hanggang sa susunod na taon
lumipat na ako ng iskul dala dala ko parin ang hilig sa musika na hanggang ngayun na
27 yeas old na ako, meron narin akong mga narating sa pag tugtog, gaya ng lumabas sa
tv, sumulat ng mga kanta mabigyan ng individual award sa mga competition, makasama

sa gig ang mga idol ko etc.. again mas maaga mahanap ang passion mas maganda.
Suporta at pagunawa ang matinding kailangan ng mga teenagers hindi po bunganga!
Kung gusto ng anak mong magbasketball hayaan nyo syang maglaro, lumabas at sumali
sa mga liga, kung mahilig sya sa musika suportahan ang kanyang hilig, mahilig syang
magdrawing suportahan at wag magsasawang umalalay hanggang sa mahanap nya ang
kanyang passion, dahil ang paghahanap ng passion kung minsan ay hindi nakukuha sa
isang hanapan lang, at wag na wag mo pipilitin ipagawa sa kanya ang bagay na hindi
nya passion,ang role ng isang magulang ay gumabay hindi diktahan ang buhay ng anak.
Teenager at ang pagkilala sa kanyang pagkatao
Nung isilang ang isang tao sa mundo wala itong kaalam alam sa mga bagay bagay as in
wala o blank ang utak, sa araw araw na nakakarinig ng tunog, nakakakita ng kung anu
anong bagay o tao, ang utak ng tao ay napupuno ng kaalaman,na humuhubog sa
pagkatao, sa pagtungtong mo ng tamang edad o pagkakaroon ng kaisipan o kamalayan
sa lahat, nakakakita ka ng ibat ibang tao na mas matatanda may
artista,doktor,driver,musikero at nagtitinda ng taho ang isang teenager ay magsisimulang
hanapin ang kanyang sarili o ang kanyang life purpose o kung anu ba ang papel nya sa
mundo, anu ba ang masarap gawin? anu ba ang cool gawin?, anu ba ang pakiramdam na
umibig?, masaktan o kumita ng pera?
Ang teenager at ang kanyang pagmamadaling tumanda
Ang mga teenager ay nagmamadaling tumanda ayaw nilang tinatawag silang bata,
pansinin mo sa mga facebook account ng mga teenagers, ang nakalagay sa work nila "eh
di sa puso mo", o kaya "wala pa nga eh, excited??" ang tanung na yan ay nakakairita sa
isang teenager kasi nakukwestyon nito kung anu ang silbi nya sa lipunan which is in
most cases wala pa kasi ang teen ager ay nagaaral pa lang dapat. Ang isang magandang
gawin ay turuan ang teenager kumita kahit sa maliit na negosyo o mga simpleng bagay
na pagkakakitaan sa ganyang paraan natututo sya kumita ng pera at malaman kung
gaanu kahirap kumita ng pera. nakakatulong din ito sa pag boost ng kanyang self
confidence na pakiramdam nya may silbi sya sa mundo at may sarili syang kakayahan at
magkaroon ng kapangyarihan magdesisyon.
Teenager at ang kanyang mga kakaibang kinikilos
Dumaan, napagdaanan o dadaan tayong lahat sa stage na ito, binanggit ko sa libro ko na
"Ang pumipigil kay noypi" na ang utak ay curious at patuloy itong maghahanap ng
mga kasagutan sa mga bagay na hindi malinaw,ngayun sa stage na ito napupunan ng

kasagutan ang mga malalaking tanong,na dapat mapunan ng tamang impormasyon at


kung hindi, ito magdudulot ng problema in the future,halimbawa: nung bata pa ako
akala ko ang baby ay nabubuo ng mag-asawa sa pamamagitan ng paghahalikan, kasi yun
lang ang nakikita ko sa mga palabas sa tv, at naalala ko nung ako ay grade 3 ako,
napagusapan namin yan ng mga klasmate ko, sabi ko ang baby ay nabubuo sa
paghahalikan, ang sabi naman ng isa ko pang classmate,Hindi ang baby ay nabubuo sa
pakikipagtalik, dinedemo nya pa gamit ang kanyang kamay, yung ganto daw ay
ipapasok sa ganto basta ganun. Ang mga bagay na ito ang nagsisindi ng isang malaking
palaisipan sa isang bata, at patuloy syang maghahanap ng sagot sa tanung na yan
hanggang sa makuha nya ang sagot. Malaking tulong kung ikaw na mismo bilang
magulang ang magtalakay ng usapin na yan sa iyong anak, kung ikaw naman ay
teenager, wag kang makipagsex jusko po, dahil curious ka lang, pabata ng pabata po ang
nabubuntis dahil sa bwakanang inang curiosity na yan. Magresearch ka nalang about sex
education marami po nyan sa internet.
Ang teenager ay susubok ng mga bagay na nakikita nya sa nakakatanda gaya ng
paninigarilyo, ang mga kabataan ay naninigarilyo hindi dahil gusto nila, ito ang mga
dahilan ng kanilang paninigarilyo:
1. Gustong maging "in" o katanggap tanggap sa isang barkada o grupo, kung minsan
kahit labag sa loob mo at sinabi din ng nanay mo na wag kang manigarilyo, ngayun na
may mga kaibigan kang mga cool o mga bugoy sa iskul nyo, susubok ka rin
manigarilyo sa pagnanais na tanggapin ka nila o maging cool ka rin sa paningin ng iba.
2. Gustong magmukang brusko, nung ako ay nagbibinata una akong nakatikim ng
sigarilyo nung unang araw na papasok ako sa isang band rehearsal studio, 14 years old
lang ako nun, sa sobrang kaba ko at first time kong
hahawak ng totoong bass guitar napahingi ako ng sigarilyo sa gitarista namin na si
_______ haha ayoko banggitin name mo, part narin nun na gusto kong maging brusko
dahil isa na akong ganap na rockstar haha.Ang isang binatilyo ay hindi pa sigurado sa
kanyang pagkalalake sa ganyang stage, at marahil may mga taong kumukwestyon sa
kanyang pagkalalake o mismong sarili, ngayun para malunasan susubok syang
manigarilyo at ibubuga sa ere na mala Robin Padilla para magmukang tunay na lalake.
3.Naninigarilyo din ang isang teen ager bilang hudyat o pagpapakita ng pagrerebelde,
nakikita nya kasi sa tv na pag rebelde ang isang teenager, dapat nakayosi at umiinom ng
alak, isa po yan sa mga masasamang naidudulot ng ating tv o media, nagkakaroon ng
maraming maling kaalaman ang ating mga kabataan. kung hahayaan nyo ang mga bata
na manuod ng simpleng telenovela marami na itong pwedeng maiprogram sa utak ng
bata, halimbawa: gaya ng pagkakaroon ng karelasyon sa murang edad, paniniwala na
kailangan ng karelasyon para makaramdam ka ng pagmamahal, tv din po ang nagturo sa
tao ng ang mga nagbabanda ay nagdodroga at kung anu anu pa. Para maiwasan

ang pagrerebelde at yun din ang point ng libro na ito, tapusin mong basahin ang libro na
ito para maintindihan mo ng mabuti.
Ganun din po sa pag-inom ng alak, hindi po masarap ang alak ang masarap ay
pagkakaroon ng kausap o mapagsasabihan ng gusto mong sabihin at pagkakaroon o
mapabilang sa isang barkada, ang pagiging lasinggero ay isa ding defense mechanism
para hindi masubukan ang silbi ng isang tao sa takot na mapatunayang wala syang silbi,
ayan po ay napahakaba ding topic, focus muna tayo sa teenagers.
Ang teenager at ang kanyang unang pag-ibig
First love never die,first kiss, ayan po ang lason na itinuro sa atin ng TV o media, Sa
simpleng linya na yan, ang isang teenager ay magtataka kung sino nga ba ang kanyang
first love, nung grade 1 palang ako may crush na ako, at binanggit ko dun sa libro ko na
"ang misteryo ng love at first sight" ang tao ay umiibig sa taong makakapuno ng
kanyang pangangailangan o papasa sa kanyang criteria na nabuo sa mga ibat ibang
bagay na kanyang naririnig sa paligid, naalala ko pa gusto ko lagi ko syang katabi sa
upuan, nalulungkot ako pag absent ang crush ko, isa po yan normal na stage sa buhay ng
isang tao. pero kung naiintindihan mo ito ikaw na mismo ang magturo sa anak mo na
ang pagkakaroon ng crush o paghanga ay normal lamang o kung ikaw naman ay
teenager, alam mo na ito ay normal lamang at wag magpadala sa emosyon jusko po may
mga nadedepres na pong teenager dahil sa pag-ibig.
Ang mga teenagers ay marunong ng magmahal
Ang mga teenagers ay marunong ng magmahal subukan mong kwestyunin ang
nalalaman ng isang teenager sa pagibig at siguradong magagalit sila sayo, sa stage na ito
kinikilala nila ang sarili pag dating sa pagibig, nararamdaman nila ito, at hindi din nila
maipaliwanag kung bakit sila nagiging balisa dahil sa pag ibig o pagkakaroon ng crush.
Gusto din nila ng pagibig dahil nakikita nila na ang kanyang mga kaibigan ay may mga
kanya kanyang pag-ibig, ayaw ng teenager na napagiiwanan at pipilitin nyang
magkaroon ng pagibig para hindi nya maramdaman na walang nagmamahal sa kanya,
nakakatawa isipin pero isa itong normal na stage at lahat tayo ay dumaan dito.Paanu
maiiwasan??, again education parin, ito po ay normal at hindi ibig sabihin na wala
nagmamahal sa kanya kung wala man syang karelasyon at ang lahat ng bagay ay may
tamang panahon, wag sumubok pumasok sa relasyon dahil lang ito ay uso,busugin sa
pagmamahal ang anak para hindi maghanap ng pagmamahal sa ibang tao,kung minsan
kasi namimisinterpret ng teenager ang saya na nararamdaman nya pag may tumutulong
sakanya o nagpapakita ng sweetness,akala nya pagibig na ito. Again ito ay natutunan sa
TV o media.
Kung minsan din po ginagawang defense mechanism ng isang teenager ang

pakikipagrelasyon para malunasan ang sakit na nararamdaman na nag-ugat sa loob ng


bahay o para makatakas sa problemang kanyang hinaharap sa kanyang pamilya.
Ang teenager at ang nakakabwisit nyang katigasan ng ulo
Ang tao po ay may "ego", opo lahat po tayo ay meron nyan, ngayun, sa paglaki ng isang
bata nakaagapay ang kanyang magulang at may mga ibang magulang na O.A. sa
pagbabantay sa kanilang mga anak, praning o over protective, umaabot sa punto na wala
ng sariling disisyon ang kanilang mga anak, puro magulang nalang ang nasusunod,
pananamit,paniniwala o kung sino ang kanyang pwedeng maging kaibigan, ito pong
pagiging over protective ng magulang ay nakakaapekto sa pagiging matigas ng ulo,
paano?? balik tayo sa "ego", ang teenager ay hinahanap ang kanyang life purpose at sa
kanyang paghahanap marami syang susubukang mga bagay at sasalihang mga grupo o
organisasyon sa pagnanais na mahanap ang kanyang life purpose, kapag ang isang teen
ager ay pinigilan mo sa kanyang gustong gawin, pipilitin nyang kumalas sa sistema o sa
pumipigil sa kanyang paghahanap sa kanyang sarili in a form of rebellion, ayan na!, sa
kagustuhan nyang maredeem ang kanyang kontrol sa kanyang sariling buhay, lalabas sya
at gagawa ng sarili nyang batas para matupad nya ang paghahanap sa sarili. Wag po
mapraning,hindi dahil tulala ang isang teenager ay nagdadrugs na, kausapin at alamin
ang tunay nyang nararamdaman, tama,kausapin wag kastiguhin dahil lalo lamang
mabubwisit ang teenager sa magulang kung sya ay iyong pagbibintangan.
Matigas ang ulo ng anak ko, ano ang tamang gawin?
Kailangan maging maingat ka sa mga sasabihin mo sa iyong anak, inuulit ko maselan
ang stage na ito isang maling salita,pagalitan mo sya o ipahiya na wala sa lugar asahan
mo na ang kanyang pagrerebelde o paglilihim sa kanyang mga tunay na ginagawa pag
wala sa harap ng magulang,para makaiwas, kailangan mong mabuo ang
magandang relasyon sa iyong anak, kailangan walang boundery o pader na nagbubuklod
sa anak at magulang, ang mga magulang na may magandang relasyon sa kanilang mga
anak ay nakakapagpalaki ng malulusog at mahuhusay na anak.
Gabayan mo sila pero wag mo silang pigilan, pipigilan mo lamang ang isang teenager
kung ang kanyang ginagawa ay dilikado o pwedeng makasama sa kanyang buhay, pero
kung mga simpleng bagay lamang gaya ng pagsusuoot ng mga kakatuwang damit,
pagaayos ng buhok ng parang alien, ok lang yan, again, kung hindi naman ito
mapanganib, relax at hayaan mo sya para hindi magrebelde.

Ang ang mangyayari kapag pinigilan mo ang teenager?


Bukod sa magrerebelde sila pwede rin maging duwag din sila o takot sumubok ng mga
bagong bagay, bakit? dahil sa sobrang protective ng magulang nawalan ng kalayaan
magdisisyon para sa sarili, at almost wala syang naranasan na matindi para humubog sa
kanyang pagkatao, ang resulta hahanapin nya ang sarili kung kailan matanda na sya.
Im sure pamilyar ka sa kanta ng Rivermaya na "awit ng kabataan" at kung bakit sikat na
sikat ito hanggang ngayun sa mga kabataan, totoo kasi ang nilalaman na lyrics "
subukan nyo kaming pigilan, bakit hindi nyo subukan, lalo lang kayong hindi
maiintindihan, ang awit ng kabataan"
Marami pong mga bagay na nangyayari sa buhay natin ngunit hindi natin alam ang
tunay na paliwanag, ngayung alam mo na ito sana makatulong ang mga natutunan mo sa
libro na ito, at kung ikaw naman ay teenager, hinay hinay at wag magmamadali
namnamin mo ang pagiging isang teenager, kunin mo lahat ng pwede mong matutunan,
hindi masaya tumanda kung hindi mo alam ang gagawin mo sa buhay mo.
Hindi po ako nagmamagaling, lahat po ng nakalagay dito ay katotohanan ng human
psychology, hindi ito opinyon o gawa gawa ko lamang.
Paano hindi mapapahamak ang teenager na anak?
Pag sinabi ng malapit at pinagkakatiwalaan mong kaibigan na masarap ang sigarilyo at
hindi lang nya ito isang beses sinabi maniniwala ka sa kanya, ang utak ng tao ay parang
isang computer, napoprogram ito ng mga taong pinagkakatiwalaan, isipin mong mabuti,
naaalala mo pa ba yung paborito mong teacher nung highschool? lahat ng itinuro nyang
bagay ay pinaniwalaan mo, kasi malamang hindi lang nya yun isambeses sinabi. kung
nagegets mo na o hindi pa, ok, eto na ang mga hakbang:
1. Magandang relasyon ng magulang at anak, kailangan mabuo ang tiwala ng anak sa
magulang, kailangan maprogram ng magulang ang utak ng anak bago pa ito maprogram
ng ibang tao: halimbawa may kabigan ako, lahat ng katarantaduhan ay naranasan namin
bilang isang barkada, sumasama sya pero hindi sya sumusubok ng kung anu man
yun (i'll leave it to your imagination), madalas ikwento ng tinutukoy kong kaibigan ang
paghanga nya sa kanyang Ama na itinaguyod sila sa pagsisikap at ang Ama nya ang lagi
nyang nakakausap pag may problema sya, ibig sabihin bago kumausap ng kung sino
sinong poncio pilato ang kaibigan namin (which is kami) nakausap at nahingan na nya
ng payo ang kanyang Ama. ang resulta, maayos na pagiisip ng anak at matibay na
paninindigan, hanggang ngayun isa din syang tarantado na katulad namin pero never sya

tumikim ng mga bawal.


2. Wag kokontrahin ang anak or else sya ay magwawala, dahil ang pakiramdam nya
nawawalan sya ng kontrol sa takbo ng kanyang sariling buhay. Hanggat hindi naman
sobrang delikado,ok lang po yan.
3. Gumawa ng batas pero dapat ito ay pinagusapan ng anak at ng magulang,ang batas
dapat ay flexible depende sa mapaguusapan nyo ng anak mo, inuulit ko ang teenagers ay
susuway sa batas ng magulang sa pagnanais na hanapin ang sarili at magkaroon ng
kontrol sa buhay nya, ayaw po ng teenagers ng pakiramdam na wala silang kontrol sa
buhay nila. Pagusapan ang mga batas pero wag na wag maging over
protective, Kung si nanay Dionesia ay over protective sa anak at kinulong nya si Manny
sa bahay nila para hindi makapagpraktis magboxing sa takot na masuntok at masaktan
ang anak, wala po sana tayong kampyon, hindi po magiging mahusay si Manny kung
hindi nya alam ang pakiramdam ng masuntok sa muka.
Magulang na walang alam VS. magulang na may alam
Scenario 1: Nalaman ng magulang nanonood ng porn ang binata nilang anak:
Ang magulang na walang alam ay magpapanik, sasaktan ang anak, pagsisimbahin ang
anak sa paniniwalang ito ay sinasapian ng demonyo, at mapapraning na maging
rapist o manyakis ang anak nila.
Ang magulang na may alam, maiintindihan ang nagaapoy na curiosity ng anak sa
usaping sex, ipapaliwanag sa anak ang pagiging responsable sa sex, at anu anu ang mga
kapahamakan kapag sumubok ng bawal na hindi sapat ang kaalaman.
Scenario 2: Nalaman ng magulang na may boypren ang kanilang dalagang anak na
isang siga sa kanto:
Ang magulang na walang alam ay mageeskandalo at ipapahiya ang anak sa pagnanais na
wag ng lumabas ng bahay ang kanilang anak, mapapapraning at iisipin na napapariwara
na ang kanilang anak.
Ang magulang na may alam: Mauunawaan ang dahilan kung bakit nainlab ang kanilang
anak kakausapin sa mga limitasyon at ipapaliwanag ang mga masasamang pwedeng
mangyari kapag gumawa ng bagay na hindi pa napapanahon.
Ganun pa man ang magulang na may alam ay hindi hahayaang malagay sa mga nasabing
sitwasyon ang kanilang anak dahil mula pagkabata ang mga anak ay naprogram na ang
utak tungkol sa mga nabanggit na usapin.

Tanong: Ikaw Paparok kamusta ang iyong buhay teenager? Sa totoo lang naranasan ko
din pigilan ng magulang sa umpisa pero di nagtagal naintindihan ako ng Nanay ko at
hinayaan nya akong gawin ang gusto ko, Maniwala kayo sa hindi Highschool palang ako
ay binibigyan ako ng nanay ko ng isang paketeng sigarilyo na stock ng tatay ko galing
ibang bansa, marahil naisip ng nanay ko na ganun din naman ang gagawin ko kahit hindi
ako bigyan bibili din ako ng sigarilyo. Hindi ko po pinopromote ang bisyo, ang ibig
kong sabihin, wag mong pigilan ang anak mo, hayaan mo syang magdesisyon kung
maninigarilyo ba sya o hindi, magisip kang mabuti, ikaw kahit anong pigil mo
sa anak mo, hindi mo sya kontrolado ng bente kwatro oras, ang magandang gawin,
ipaliwanag mo sakanya ang mga bagay at mga negatibong mangyayari kung gagawin
nya ang isang bagay. wala pong tao ng hindi sumubok manigarilyo kahit isang stick,
dahil kailangan maibsan ang nagaalab na curiousity.
Sa aking buhay musikero, katorse anyos pa lamang ako ng magsimula na akong
sumabak sa mga gigs sa mga bar sa Lagro Quezon City, naranasan ko din magsuot ng
mga kakatuwang damit gaya ng pagsusuot ng palda at mala junkshop na mga accesories
gaya ng kutsarang binaluktot at gagawing bracelet, kadena ng aso na gagawin palamuti
sa pantalon at kung anu anu pa, dahil sa pagnanais kong mapabilang sa mundo ng mga
rakista o pagkakaroon ng identity ginawa ko yan, naranasan ko din hindi bigyan ng
pamasahe para hindi ako makapunta sa gig, ang ginawa ko, tumuloy parin ako at
naglakad papunta sa gig, see?? gagawa ang tao ng paraan mara matupad ang isang goal,
sa pagkakataong yan ang goal ko ay matupad ang gusto ko na tumugtog at makaramdam
ng kakaramput na kasikatan sa kakaramput na taong nanonood sa aming banda.
Sa madaling sabi:
Hindi po nababaliw ang anak nyo kung kakatuwa ang kanyang pananamit at hairstyle,
hindi rin po sya nababaliw kung nagiging balisa sya,hindi rin po sya adik kung uuwi
man sya ng late, kausapin ang anak at magkaiba po ang usap at ang pagbibintang, kung
maliliit pa ang anak nyo ito ang magandang simula para iprogram ang kanilang utak, at
hindi nyo po mapoprogram ang utak ng anak nyo kung sya ay walang tiwala sayo.
Kung ikaw naman ay teenager, kilalanin mo ang sarili mo hanapin mo ang passion mo,
kung hindi mo makita ang katuturan ng pagistambay mo dyan sa kanto kasama ang mga
tropa mong malalaki ang damit, baka hindi yan ang passion mo, baka masaya ka lang
kasi masaya sila kasama at sandali mong nakakalimutan ang problema sa bahay. Wag
mong gawing dahilan ang libro na ito para magrebelde sa magulang, kung may hindi
kanais nais na karanasan,unawain mo maigi ang sarili mo maging matapang at harapin
ang problema kesa magpaliguy ligoy ka at pahabain ang paghihirap mo,ganun pa man
sana nakuha nyo ang sustansya ng libro na ito, kahit
gaano ko pahabain itong libro na ito, paikot ikot lang po yan, sana makatulong ako sa
inyong mga buhay.

Ang libro na ito ay hindi isang argumento o opinyon ito po ay katotohanan ng human
psychology. Hindi ko na po saklaw kung iba ang paniniwala mo, kung sadyang matigas
ang ulo mo marahil kailangan mong basahin ang isa ko pang libro na "Ang pumipigil
kay Noypi" salamat.

About the author


Eric Gonzaga studied BSHRM at National College of Business and Arts
Fairview Branch, it took him 5 years to
finish college due to peer pressure and rock n' roll type of lifestyle,
He learned about human psychology because of severe boredom.
He continuesly read personality development books
until he became a geek.
He also plays bass for an alternative rock band called Hapiville.
He works in the bpo industry.
He has done podcast shows, just search for them online :)
He wanted to become an action star like Robin Padilla and Jeric Raval,
but action movies died in late 90's, so
he decided to write a book and play music instead, which is more realistic.

My Band Hapiville
Click this to go to our Facebook fanpage
Our songs are below: Click each to listen
Ikalawang Liham
Parang
Uwowow
My Friday
Ang aking karoling
Huling Panaginip

You might also like