You are on page 1of 2

Huling Sambitla

ni: Ruthel D. Conchas


Sana ay inyong makamtan
walang hanggang karunungan
kalakip ang kasiyahan
na abot sa kalangitan
Sana ay inyong matawid
landas ng mahabang lubid
ng tulungan at pag-ibig
na mistulang magkapatid
Sana ay ipagmalaki
Dakilang wika ng lahi
Huwag sa ibay ikubli
Itoy gamitin parati.
Sana ay inyong malinang
Kakaibang kakayahan
Mga talento at tapang
Sa pighatit kabiguan
Sana ay inyong baunin
Ang masasayang gawain
At karunungang naangkin
Sa bawat paksat aralin.
Sana ay walang limutan
Kahit di nyo na kailangan
Tulad kong nagpapaalam
na simple at walang alam.
Sana ay laging isipin
Kayoy kayamanan nakin
Buong buhay babaunin
Na kayo ay kapiling.
Lubos akong umaasa
Na makamtan at magawa
Aking nais at adhika
Sa muli nating pagkikita.

You might also like