You are on page 1of 1

Kaugnay na Literatura

Ayon sa Republic Act No. 1425 na naisabatas noong ika-12 ng Hunyo, 1956,
Courses on the life, works and writings of Jose Rizal, particularly his novel Noli Me
Tangere and El Filibusterismo, shall be included in the curricula of all schools,
colleges and universities, public or private: Provided, That in the collegiate courses,
the original or unexpurgated editions of the Noli Me Tangere and El Filibusterismo or
their English translation shall be used as basic texts.
Nakasaad dito na bilang papugay sa mga bayani ng ating bansa, partikular sa
ating pambansang bayani na si Jose Rizal, aalalahanin natin ang buhay at mga
sinulat na humubog ng kanyang pagiging makabayan. Aalalahanin natin ang mga
ito sa pamamagitan ng pag-aaral sa elementarya, sekondarya at kolehiyo ng buhay
at mga sinulat niya.
(http://www.gov.ph/1956/06/12/republic-act-no-1425/)

Kaugnay na Pag-aaral
Ayon kay Juan Carlo P. Tejano sa kanyang maikiling pagsusuri ng rebolusyon
ni Rizal, Sa kabila subalit ng ganitong paglalararawan, hindi naging tahimik si Rizal
ukol sa konsepto ng rebolusyon bilang instrumento ng panlipunang pagbabago. Sa
katunayan, masasabing rebolusyon ang pangunahing isyung pinapalibutan ng
kuwento ng ikalawa niyangnobelang El Filibusterismo.
Isinasaad niya sa pananaliksik niya na ito na isang repormista si Rizal na
payapa at legal na naghahangad ng pagbabago sa paraan ng pamamahala ng
Espanya sa ating bansa. Isinaad din niya dito ang pagtutol ni Rizal sa rebolusyong
sinimulan ng Kataas-taasang, Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan
o KKK. Nais ni Jose Rizal ng pagbabago ngunit hiindi sa pamamagitan ng dahas kaya
karapat-dapat siyang maging pambansang bayani.
(http://www.academia.edu/966595/Maikling_Pagsusuri_ng_Rebolusyon_ni_Rizal)

You might also like