You are on page 1of 1

Kahalagahan ng Pag-aaral

Makakatulong ang pananaliksik na ito sa mga mag-aaral, mga magulang,


mga dalubguro at mga institusyong pang-edukasyon.
Mag-aaral. Sa pananaliksik na ito dalawang uri ng mga mag-aaral ang
matutulungan, ang mga kumuha na ng asignaturang Buhay at mga Sinulat ni Dr.
Jose Rizal at ang mga kukuha pa lang ng asignaturang ito. Nakakatulong ang
pananaliksik na ito sa mga kumuha na ng nasabing asignatura dahil matutulungan
nitong maalala ng mga aral na makukuha sa buhay at mga akda ni Dr. Jose Rizal.
Makakatulong naman ang pananaliksik na ito sa kukuha pa lang ng asignaturang ito
sa pamamagitan ng pagbuo ng mga (&^$&expectation*^&*%^&) sa isipan ng mga
mag-aaral at magiging kapanabik-nabik ang pagkuha nito. Sa pangkalahatan,
makakatulong ang pananaliksik na ito sa lahat ng mga mag-aaral dahil mahuhubog
nito ang isipang nasyonalismo ng mga mag-aaral.
Magulang. Bilang pangunahing suporta ng mga mag-aaral sa kanilang pagaaral, malalaman ng mga magulang kung ano ang natututunan ng kanilang mga
anak sa pamamagitan ng pananaliksik na ito. Hindi nila paghihinayangan ang
pagpapaaral sa kanilang mga anak lalo na kung alam nilang hindi lang nabibigyan
ng edukasyon ang kanilang mga anak, kundi nabubuksan din nito ang kanilang
isipang nasyonalismo.

You might also like