You are on page 1of 1

ANIBERSAYA

Ang Candor Publication ay naghatid ng kagalakan at


kaalaman sa pagsisimula ng ika-25 Anibersaryo ng CBA nitong
ika-10 ng Marso taong 2016 sa PLMUN Quadrangle.
Pinamagatan itong Candor Pinasaya at nagtampok sila ng
tatlong palaro, Ang una ay ang Candor Bluff kung saan
nagtagisan ng talino ang mga guro ng CBA. Hinati sila sa tatlong
pangkat, Ang Infinity, Forever, at Endless. Naging dikdikan ang
labanan ng tatlong grupo ngunit sa bandang huli ang grupong
Infinity ay muling itinanghal na panalo sa pangalawang
pagkakataon sa pangunguna ni Ms. Palmares at kanyang mga
kasama na sina Ms. Corpuz, Ms. Dullavin, at Ms. Reyes.
Sinundan ito ng Pahiramin ng Jacket yan kung saan ang
bawat kalahok ay papahiramin ng jacket na may kalakip na
limang katanungan na kailangan nilang sagutin at sa bawat
katanungang kanilang masasagot ay may katumbas na premyo.
Ang mga estudyanteng kalahok ay magiliw na sinagot ang mga
katanungan. Ang huli at pinakamasayang laro ay ang
KANTARIRIT, sa larong ito kailangang kantahin ng mga kalahok
ang lyrics ng kanta sa pamamagitan ng nabunot nilang tunog na
pamalit sa lyrics ng kanta.
Ayon sa mga mag-aaral na nakapanayam, ang pagdiriwang
na ito ay nagdulot ng lubos na kasiyahan at kagalakan. Sa
kabuuan, ang pagdiriwang ng ika-25 na Anibersaryo ng CBA ay
nagbigay ng galak sa mga estudyante at mga guro ng CBA.

You might also like