Septyembre 10, 2015, PLMun covered court. Dahil hindi
nagpatinag ang koponan ng CITCS Womens Volleyball laban sa CBA Womens Volleyball sa kanilang pangalawang pagtutuos, inabot ng apat na sets ang laban ng dalawang koponan. Hindi na pinalagpas ng CITCS ang kanilang panalo sa unang set at tinambakan ang CBA sa puntos na 18-25 at nagtala ng puntos na 19-25 sa ikalawang set. Pero hindi nagpatinag ang CBA na makuha ang panalo at tinambakan ang CITCS sa 16-25 na puntos. Makikita sa dalawang koponan ang determinasyon na manalo at makamit ang kampyonato, pero isa lang ang pwedeng manalo, mahirap at mahigpit na laban ang nangyari sa ikaapat na set dalawang koponan na parehas ayaw magpatalo. Pero sa huli nanaig pa din ang departamento ng CITCS sa puntos na 16-25. Bawat isa ay nagpakita ng galing at nagbigay ng kontribusyon para maipanalo ang laban. Pagod at saya ang naranasan ng bawat kalahok ganun din ang mga nakanuod ng laban ng dalawang koponan.