You are on page 1of 1

Martina Jeunesse B.

Florendo

IV-WAVE
Cyber bullying virus

Ang internet ay malaki at malawak. Kahit sino ay libre na, makipagusap,


magsulat at basahin ang kahit ano. Kahit pa gaano kalawak ito, maliit lamang ang mundo
ng social media, dahil kahit saan mang panig ka ng mundo, malalapit ka sa taong kausap
mo gamit lamang ang kompyuter. Bukod sa maaari kang maglabas ng saloobin, maaari
ring makipagkilala, maglagay ng bagong litrato, makibalita at iba pa. Ang mga
impormasyong kumakalat sa internet ay nagbibigay impormasyon sa publiko tungkol sa
mga pangyayari sa bansa

Puwede natin ikumpara ang cyber bullying sa virus. Isa itong virus na kakaiba,
nagkalat ito kung saan saan, pero matatagpuan natin ito lalo na sa mga paaralan. Parang
sakit, nagsisimula itong lahat sa isang tao, ang tinatawag nating host ng virus. Ang ating
host, siya ang may hawak ng virus at naghahanap siya ng puwedeng mabiktima. Parang
sa pag sacyber bully, ang bully ay ang host natin, dahil siya ang may hawak sa virus.
Maghahanap ito ng puwede niyang mabully. Sa bawat text na sinesend nito at
bawat post na ginagawa ng host ay makikita ng kung sino-sino, sa ginagawang ito ay
kinakalat niya ang virus, gamit ng social media sites at iba pang paraan ng
komunikasyon.
Mabilis lang itong kumalat, ang negatibong pagiisip ng host ay maaring
mahahawa ng iba, walang immuned sa virus na ito. Katulad ng virus na pakalat-kalat,
kahit sino puwede mabiktima. Sa oras na makahanap ito ng kaniyang ibibiktima ay
makakaranas ito ng side effects, kagaya ng depression. Ang epekto ng virus ay puwedeng
magtagal ng ilang oras o araw bago itoy tuluyang maapektuhan ang biktima.
Isang rason sa pag suicide ng kabataan ay dahil sa cyber bullying. Malaking
epekto ito sa buhay ng mga tao, lalo na sa ganitong edad. Sabi nga nila ang mga babae ay
mas nabibiktima sa cyber bullying. Ano nga ba madudulot mo sa pag bubully ng ibang
tao? May ikabubuti ba ito sayyo? Kung biktima ka ng cyber bullying ang best na
puwedeng gawin ay iwasan itong bully, wag makipaglaro sa bully, wag mag respond,
hayaan mo nalang or lumapit sa iyong pamilya and teachers para puwede madiscuss.

You might also like