You are on page 1of 2

Case: Bernardo v NLRC, G.R. No.

122917, July 12, 1999


ANG NANGYARI:
Ang kasong ito ay inihain ng 43 empleyadong may kapansanan ng dating Far East
Bank and Trust Company. Sila ay tinanggal sa trabaho ng Far East sa kadahilanang
ang posisyong kanilang hinahawakan ay hindi na kinakailangan para sa pang arawaraw na operasyon ng bangko.
Nagumpisang kumuha ng mga empleyagong pipi at bingi ang Far East noong taong
1988, nagpatuloy ito hanggang taong 1993. Ayon sa Far East ang pagkuha ng mga
empleyadong may kapansanan ay sa kadahilanan na din ng pakiusap ng ilang mga
taong nagnanais na tulungan ang mga nasabing empleyado.
Ang mga petitioner sa kasong ito ay lumagda sa isang kontrata na tinalaga ng Far
East na Employment Contract for Handicapped Workers. Nakasaad sa nasabing
kontrata na sila ay kinukuhang empleyado ng Far East bilang money sorters at
counters. Nakasaad din sa kontratang pinirmahan nila na ang kanilang karapatan
bilang empleyado ng bangko ay base lamang sa kung ano ang pinirmahan nila at
nakasaad sa kontrata at wala ng iba. Maliban dito, nakasaad din na bilang isang
accommodated or ipinakiusap lamang na empleyado ng banko, ang kanilang
estado ay hindi kapareha ng isang regular na empleyado. Dahil dito, di gaya ng
isang regular na empleyado wala silang karapatan sa separation pay at iba pang
benepisyong tinatamasa ng isang regular na empleyado gaya ng seguridad sa
hanapbuhay o ng karapatang hindi matanggal sa trabaho ng walang dahilan.
TANONG:
Kung maaari ba silang maging regular na empleyado na may kaukulang benepisyo?
SAGOT:
Oo, ang isang empleyadong naglingkod ng mahigit sa anim na buwan sa isang
posisyong kinakailangan at kanais-nais para sa kumpanya ay itinuturing ng batas na
regular na empleyado bagamat ang kontratang pinirmahan nila ay nagsasabi na
ang kanyang estado ay probationary employee lamang.
Ang anumang nakasulat sa batas at sa Labor Code ng Pilipinas ay itinuturing din na
nakasulat sa bawat kontratang pinipirmahan ng isang empleyado. Sa kadahilanang
ito, bagamat nasusulat sa kontratang pinirmahan ng isang accommodation
employee na sya ay isang probationary employee lamang at hindi maaaring maging
regular na empleyado matapos maglingkod ng mahigit sa anim na buwan sya ay
ituturing na ng batas na regular na empleyado.
Ayon sa RA 7277 o ang Magna Carta for Disabled Persons ang isang qualified
diabled person ay kailangang bigyan ng parehong karapatan sa isang qualified
abled person.
Anuman ang rason sa pagtanggap sa isang empleyado, maging awa man ito o dahil
lamang sa pinagbigyan ang hiling ng isang tao, ang nasabing empleyado ay
magiging regular pa din base sa klase ng trabahong kanyang ginagampanan at sa
haba ng panahon ng kanyang paglilingkod sa kumpanya. Bilang mga money sorter
at counter ang pagiging pipi at bingi ng mga naghablang empleyado ay hindi
naging hadlang upang magampanan nila ng maayos ang kanilang tungkulin, sa

gayun karapat-dapat lamang na sila ay mabigyan ng benepisyong karapat-dapat sa


isang regular na empleyado.
Sa kadahilanang ang pagtanggal sa kanila ng Far East ay walang lehitimong rason,
sila ay binibigyan ng karapatan para sa backwages o sweldong hindi nabigay
magmula ng sila ay matanggal hanggang sa pagbibigay ng hatol sa kaso at
separation pay. Bagamat 43 ang naghabla, 27 lang ang binigyan ng korte ng
estadong regular employee sa kadahilangan ang 16 na naghabla ay hindi pa
naglilingkod ng mahigit sa 6 na buwan ng sila ay matanggal.

You might also like