You are on page 1of 2

RESULTA AT INTREPRETASYON

Naisagawa ang pananaliksik


Ang sarbey na isinagawa ay nilahukan ng limampung respondents na mga rehistradong
botante edad labing walo at higit pa na magaaral ng dalubhasaan ng edukasyon sa
pamantasan ng De La Salle-Damarinas. Ang mga sagot ng mga responde ay magiging
datos upang masagot ang suliranin at upang malaman ang mga salik ng pagboto ng
mga kalahok na ibinatay base sa edad at kasarian ng mga responde.
1. Edad at kasarian ng mga kalahok sa sarbey.
Isang katangian ng pagiging rehistradong botante ay ang pagkatungtong
sa wastong edad na labing-walo (18). Sila ay mga babaet lalaki na may kakakhayahan
na magpasya sa taong tingin niya na karapat-dapat na mamuno sa ating bansa.
Sa pagsasagawa ng sarbey, (50) limampung magaaral ng dalubhasaan ng
edukasyon sa pamantasan ng De La Salle-Damarinas ang napili upang lumahok sa
nasabing sarbey. Tatlumpung isa dito ay ang mga kababaihan na may animnaputdalawang bahagdan habang ang labing siyam dito ay mga kalalakihan na may
tatlumput-walong bahagdan.
Pigura 1.1 frequency distribution table ng kasarian ng mga respondents sa isinagawang
sarbey.
Kasarian ng respondents
Lalaki
Babae
TOTAL

frequency
19
31
50

Pigura 1.1: ipinapakit sa pigura na mas maraming kababaihan botante ang rehistrado at
boboto sa darating na eleksyon.
Ang edad ng mga kalahok sa isinasagawang sarbey ay nasa pagitan ng labing- walo
hanggang dalawamput- taon gulang. Limamput apat na bahagdan ay may edad na
dalampu at isinilang sa taong 1995.
Batay sa datos ng COMELEC, may 54.4 M ang botante dito sa pilipinas at
may bahagdan na 45.48% ng mga botante na ito ay may edad labing-walo (18)
hanggang tatlongput-apat (34) o ang mga kinokonsidira bilang mga millennials at ito
rin ang pinakamalaki sa lahat ng sector na boboto sa darating na eleksyon. Itnuturing
na Malaki ang maiiambag ng mga kabataan sa malaking pagbabagoong inaasahan ng
mga Pilipino.

You might also like