You are on page 1of 2

Czech Republic

Ang Czech Republic. Ang Czech Republic ay makikita sa gitna ng


Europa. Praha o Prague ang kabisera ng bansang ito. Ito ay napapalibutan ng
Germany sa kanluran, Poland sa hilagang-silangan, Slovakia sa timogsilangan, at Austria sa timog. Ang Czech Republic ay may klima na
continental humid. Ang tawag sa mga taong naninirahan dito ay mga Czech.
Maraming magagandang tanawin ang Czech Republic, hindi lang ito
maganda, ito rin ay makasaysayan. Ang kabisera nito, ang Prague ay
mayaman si kasaysayan. Makikita rito ang Astronomical Clock na makikita sa
Old Town Square. May isang alamat na nagsasabi ni ito ay ginawa ni Master
Hanus noong 1410. Ang mga konsehal ng Prague ay nabahala na baka
gumawa pa ng isa pang Astronomical Clock sa ibang lungsod, dahil dito
binulag si Master Hanus upang hindi na siya makagawa ng isa pang
Astronomical Clock. Makikita rin sa Prague ang Charles Bridge at ang Palace
Gardens. Sa Gitnang Bohemia makikita ang Karltejn Castle, Simbahan ni
Sta. Barbara sa Kutn Hora, at ang Chateau Konopit na nagging
kapalit ng Hasburg throne ni Franz Ferdinand. Makikita naman sa Silangang
Bohemia ang Adrpach-Teplice Rocks, Chateau and chateau complex
in Litomyl, at ang Hospital and Church of the Holy Trinity in Kuks.
Ang Kanlurang Bohemia ay kilala dahil sa Prazdroj Brewery, at ang
Marinsk Lzn. Sa Timog Bohemia makikita ang esk Krumlov, at
ang Lipno nad Vltavou. Sa Hilagang Bohemia naman makikita ang
Pravick brna at ang Krkonoe Mountains. Kilala sa Czech Republic
ang mga pagkaing ito dahil sa masarap nitong lasa. Svkov na Smetan
o ang marinated beef sirloin, isa rin ang Vepo-knedlo-zelo, ito ay
roast pork na may kasamang dumplings at sauerkraut, isa rin ang
Fried bramborky o ang fried potato pancakes at ang Obloen
chlebky na kilalang miryenda sa Czech Republic. Noong Enero 1919,
ang mga delagado ng Czechoslovak Provisional Government ay
nagmungkahing ipagsama ang Bohemian Kingdom, Slovakia, at ang
Carpathian Ruthenia upang maging Czechoslovakia na inaprubahan naman
ng pagpupulong, na nagging Unang Republika. Noong Marso 1938,
napasailalim sa mga Nazi ang parte ng Czechoslovakia, na tinawag na
Protectorate of Bohemia and Moravia na tinawag na Ikalawang Republika.
Noong Abril 1945, naibalik ang kapangyarihan at ang gobyerno sa
Czechoslovakia na nagging Czechoslovak Republic na katulad ng dati.
Pagdating ng Pebrero 1948, nagkaroon ng kudeta ang mga komunista sa
bansa, ang dating Czechoslovak Republic ay nagging Czechoslovak Socialist
Republic na napasailalim sa Komunistang Pamahalaan. At noong Nobyembre
1989, nagkaroon ng isang mapayapang pag-aalsa ang mga Czech at Slovak

laban sa Komunista Pamahalaan na tinawag ng Velvet Revolution o ang


Velvet Divorce, na nag-bigay daan sa pagkakahiwalay ng Czechoslovakia.
Ang Czech Republic at ang Slovakia ay naghiwalay noong ika-31 ng
Disyembre, 1992 hanggang ika-1 ng Enero, 1993. Ang ilan sa mga kilalang
tao sa Czech Republic ay sina Ludvik Svoboda na isang heneral na lumaban
sa Una at Ikalawang Pandaigdigang Digmaan at nagging Pangulo ng
Komunistang, Pamahalaan ng Czechoslovak Socialist Republic, isa rin si
Wenceslaus I, ang Duke ng Bohemia, na isa ring Santo at ang Patron ng
Czech Republic. At si Milos Zeman, ang kasalukuyang pangulo ng Czech
Republic.

You might also like