You are on page 1of 2

MENDOZA, Jessa Patricia Anne B.

11436638

FILTURS A51
Sir Efren Domingo
Panunuring Papel

Paano nagagawa ng teknolohiya na malakbay ang bawat sulok ng mundo?


Sa panahon ngayon, patuloy na nagbabago at nag-aupgrade ang teknolohiya. Bawat taon,
makikita natin ang makabagong bersyon ng teknolohiya na ibang iba sa nakaraang teknolohiya.
Dahil dito, patuloy na ring dumarami ang mga bagay na pwede nating gawin sa tulong ng
teknolohiya. Sa pag-usbong ng ibat ibang apps at social networking sites nagkakaroon ng
makabagong pamamaraan ang mga tao upang matuklasan at matuto ng iba;t ibang bagay.
Napapabilis ng teknolohiya ang ating mga Gawain at malaking tulong ito para sa pang arawaraw na buhay ng mga tao.
Sa isang pindot, maaari na nating makita ang ibat ibang magagandang lugar sa buong
mundo. Sa tulong ng Google, makikita natin ang mga litrato ng mga magagandang lugar.
Nagkakaroon tayo ng biswal na paglalakbay sa mga ibang bansa at kahit paano ay nagkakaroon
tayo ng ideya ukol sa mga lugar na iyon. Sa YouTube, makikita natin ang mga bidyo ng
paglalakbay ng isang tao sa isang lugar. Sa paraang ito, para na rin nating naramdaman na tayo
rin ay nakapaglakbay sa lugar na nakita natin sa bidyong iyon. Marami pang mga social
networking sites ang maaari nating gamitin upang biswal na maglakbay sa ibat ibang lugar sa
buong mundo. Nagkakaroon kaagad tayo ng karanasan sa pamamagitan ng pagsearch ng mga
litrato o panonood ng mga bidyo sa internet. Sa paraan ding ito nagkakaroon tayo ng interes na
puntahan o bumisita sa mga lugar na nakita natin sa internet dahil iba pa rin ang karanasan kung
tayo mismo ang makakapunta sa mga lugar na iyon.
Sa teknolohiya rin ay maaari nang magbook ng tickets papunta sa ibat ibang lugar. Noon
ay kailangan pang pumunta sa opisina ng airlines o kaya ng mga travel agencies para lamang
makapagpabook ng ticket. Salamat sa teknolohiya at naging mabilis na ang prosesong ito. Isang

paraan ito para malakbay natin ang buong mundo. Mayroong mga apps na makakatulong sa atin
para biswal na makapaglakbay. Sa aking palagay, isang paraan ng biswal na paglalakbay gamit
ang teknolohiya ang mga virtual dictionaries na tumutulong upang matuto tayo ng ibat ibang
lenggwahe gaya ng Japanese, Korean, German, Italian at iba pa. Sa paraang ito ay
mararamdaman natin na tayo ay nakapunta na sa mga lugar kung saan sinasalita ang lenggwahe.
Mayroon ding mga apps na tumutulong upang malaman kung anu-ano ang magagandang
puntahang lugar o mga tourist spots sa isang bansa.
Sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya, maraming bagay ang magagawa natin na
hindi natin maaaring gawin noon. Maganda ang naitutulong ng teknolohiya para
makapaglakbay tayo sa ibat ibang lugar. Nagkakaroon tayo ng kakaibang karanasan sa
pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya sa paglalakbay. Sa patuloy na pag usbong ng
teknolohiya, patuloy ding magbabago ang pamamaraan ng paglalakbay ng mga tao.

You might also like