You are on page 1of 2

Mga Kasapi: Felicio Barcelon, Angelica Lee, Joanna Qui

Lugar na Pinagbabaran: Catholic Ministry of Deaf People (Varsity Hills, Q.C.) at Heneral M. Hizon
Elementary School (Tondo)
Framework: SLA

ASSET PENTAGON (Catholic Ministry for Deaf People)


Social (Rating: 3)
Mga pampublikong paaralan tulad ng Paaralang Hen. M. Hizon sa Tondo kung saan
maaari magsagawa ng klase ang mga deaf na katekista tulad ng Religion and Values
formation para sa mga deaf na estudyante.
Mga pribadong indibidwal na patuloy na sumusporta sa CMDP sa pamamagitan ng tulong
pinansyal at materyal kaya patuloy ang mga programa tulad ng Religion and Values
formation class at scholarship grants para sa mga deaf students.
Human (Rating: 2)
Ang mga volunteer na deaf na katekista na may hangaring matulungan ang nakababatang
henerasyon ng mga deaf students (lalo na ang mga mahihirap); upang maunawaan nila ang
kanilang kakayahan bilang indibidwal.
Mga interpreter na patuloy ang pagtulong sa mga katekistang deaf sa pamamagitan ng
pagiging tulay ng komunikasyon sa mga taong hearing at non-hearing.
Sa kasalukuyan, merong dalawang deaf na katekista at tatlong hearing na katekista.
Physical (Rating: 3.5)
Pagtayo ng kanilang opisina sa Varsity Hills, Q.C. at ang mga satellite na opisina sa
Visayas at Mindanao kung saan napapadali ang pag-organisa at komunikasyon sa mga
kasapi ng CMDP.
Isang official website at ilang print materials (may limitadong sirkulasyon) upang
maparating ang layunin ng grupo sa publiko.
Economical/Financial (Rating: 3)
Tulong pinansyal mula sa mga board of trustees at private benefactors mula sa Pilipinas at
ibang bansa.
Mga kita mula sa entrepreneurial programs tulad ng pag-gawa ng mga deaf students at
katekista ng Christmas card.
Natural (Rating: 4)
Makikita na ang CMDP at ang kanyang mga sinasakupang erya ay nakalugar sa isang
urban na paligid: ang main office at ang mga paaralan ay matatagpuan sa isang lungsod.
Masasabing hindi sila nagkukulang sa mga natural na
VULNERABILITY CONTEXT
Marami sa mga sponsor ng CMDP ang umalis na ng Pilipinas kaya hindi regular ang
tulong pinansyal na natatangap nila, karamihan sa kanilang mga volunteer na katechista
ay tumatangap lamang ng transportation allowance.
Mayroon ring isyu sa kanilang manpower gawa ng karamihan ng mga deaf catechist
volunteers ay nasa hustong gulang (matatanda) na at kinakailangan na palitan ng mga
mas batang volunteer na mag-aambag ng panibagong metodo ng pagtuturo sa mga deaf
students.
Isyu ng pang-aabuso sa mga deaf at hearing impaired, karamihan ay ukol sa pangaabusong sekswal at diskriminasyon sa paghahanap ng trabaho.
Mayroon pa rin hadlang sa komunikasyon sa pamamagitan ng mga hearing (nakakarinig)
at deaf (di-nakakarinig) na mga indibidwal na nakakaapekto sa pang-araw araw na buhay
ng mga kapatid nating di nakakarinig.
STRUCTURES AND PROCESSES
Ang mga hearing-impaired at deaf na estudyante ay nasa mababang prioridad ng
programang pang-edukasyon ng mga paaralan sa Pilipinas, sa kasalukuyan ang College

Mga Kasapi: Felicio Barcelon, Angelica Lee, Joanna Qui


Lugar na Pinagbabaran: Catholic Ministry of Deaf People (Varsity Hills, Q.C.) at Heneral M. Hizon
Elementary School (Tondo)
Framework: SLA

of Saint Benilde lamang bukod sa School of the Deaf Philippines ang may
kumprehensibong kurikulum para sa mga deaf na estudyante. Karamihan sa mga deaf na
estudyante ay huli na sa kanilang taon sa pag-aaral (hal., 17-21 taon na nasa Highschool
pa rin).
Ang mga pag-aaral ukol sa kondisyon ng mga PWD ay sa kasalukuyang kulang-kulang at
limitadomga case studies lamang ang nagaganap at ang mga statistics ay bihira. Ang
pinakahuling tantiyahin ukol sa bilang ng PWD sa Pilipinas ay makukuha lamang sa
2000 Census, at ang nabilang lang dito ay ang 1.2% ng kabuuang populasyon na 942,098.
Nagsagawa ng registration ang DoH para sa mga PWDs noong 1997 at ang nakuhang
bilang ay sinasabing kulang-kulang pa dinkaya hindi rin ito kinikilala ng gobyerno.
Konti at kalat-kalat din ang mga impormasyon tungkol sa mga PWDs. Patuloy na
isinasantabi ang mga variable ng PWDs sa mga census/questionnaires.
Kulang-kulang din ang oportunidad ng mga PWD sa larangan ng trabaho, pag-aaral, at
personal na pag-unlad dahil sa diskriminasyon, negatibong stereotypes, at stigma na
kinakabit sa kanila.

PAG-UUGNAY
Sa kabuuuan, nakikita na ang CMDP ay kinakailangan ng tulong sa aspektong Human,
Social, at Economical/Financial. Mula rito higit na mas nakikita ang sitwasyon mismo ng deaf
community sa Pilipinassila rin ay nangangailangan ng tulong ayon sa mga capital na binanggit.
Ngunit, mahalaga ring makita na higit sa simpleng pagtukoy kung saang aspekto
nangangailangan ang isang lipunan tulad ng mga deaf, kailangan ring makita kung paano
magsisimula ang pag-ayos ng mga capital na iyon. Mula sa sistema o istruktura kung saan
sumasakonteksto ang mga deaf o PWDs, masasabing hinahadlangan ang kanilang oportunidad na
umunlad dahil sa pagkawala nga kamalayan (ignorance) ng hearing community ukol sa realidad
ng mga deaf/PWDs. Ipinatitibay ang katotohanang ito ng mga kulang-kulang na datos ukol sa
mga PWDs. Dahil dito, hindi nakapagsasagawa ng mga programa ang gobyerno na nararapat sa
sitwasyon ng mga PWDs.

You might also like