You are on page 1of 3

Proyekto

Sa
Filipino
Gerard Z. Chua
Gr. 10 St. Benedict

Napakaganda ng mga kultura ang ating masasalamin sa mga akda na ating


nabasa na nagmula pa sa Mediterranean. Sadyang napakayaman ng kanilang kultura
kung ihahalintulad natin ito sa ating kulturang Pilipino. Ang kultura na aking nakita at
nasalamin sa akdang ating mga nabasa ay kagaya nalamang ng pag samba sa iilang
diyos at diyosa. Napansin ko na tanyag sa mga akdang ito ay ang kwento na ukol sa
diyos at diyosa. Gaya nalamang ng isang mitolohiya. Napansin ko din sa ating mga
nabasang akda ay karaniwang tungkol sa pag- ibig, mga magagandang aral sa ating
buhay at sa ating sarili, kultura at kasanayan ng isang bansa gaya ng espanya,at higit
sa lahat ay ang mga kwento ng epiko na tumatalakay sa isang kinikilalang bayani ng
isang lugar o ng bansang kanyang pinagmulan.

Nang tayo ay nakakatapos ng isang akda ay marami akong natututunan na mga


aral. Ang mga aral na ito ang aking naging gabay ko sa aking pang araw-araw na
buhay. Ang mga aral na makukuha sa mga akdang ating binasa ay ating magagamit
hanggang sa ating pagtanda at maaari pa nating maibahagi sa iba. Ang mga aral na
nangingibabaw sa kwento ay kagaya na lamang ng aral patungkol sa tunay na pagibig.
Mga bagay at paraan na kung pano natin maipapakita at maibabahagi ito sa ating mga
kapwa. Isa din sa aking nagustuhan sa mga aral na makikita sa akdang ating nabasa ay
ang gamitin ang isip sa lahat ng pagkakataon. Bilog ang mundo ika nga kaya hindi natin
masasabi kung kalian darating ang panganib at trahedya sa ating mga buhay kaya tayo
dapat ay maging mapanuri sa lahat ng pagkakataon.

Ang kultura na nakita ko na mayroon tayo dito sa Pilipinas na kaparehas sa


bansa sa Mediterranean ay ang pagiging maka Diyos natin. Siguro ay sa ibang aspeto
lang dahil sila ay mga Polytheism na naniniwala sa maraming mga diyos gaya na
lamang nila Zeus, Hera, Poseidon, at marami pang iba. Tayo naman ay mga
monotheism dahil isa lang an gating pinaniniwalaan. Ito ay an ating panginoon, banal
na espirito, at kanyang anak na si Hesukristo na ibinuwis ang kanyang sariling anak
para lamang maligtas tayo sa ating mga kasalanang nagawa. Iisa laang sila ngunit sa
ibang karakter lang ang pinagkaiba. Tinatawag natin sila bilang The Holy Trinity.
Pagdating na lamang sa ating tradisyon ay ang pagkahilig natin sa pagkain. Nahihilig
tayo sa mga fingerfood nanakalagay lang sa maliit na lalgyan na maari na agad nating
damputin. Pati ang ibang bansa sa Mediterranean ay nahihilig sa pagkain lalo na ang
bansang Espana. Pati na ang kanilang wika ay ating nakuha dahil sa nasakop nila tayo
dati sa mahigit na 300 taon. Sa loob ng 300 taon na iyon ay marami nang mga salitain
ang nakasanayan nang gamitin nating mga Pilipino. Gaya na lamang ng Banyo,
ventana (bintana), at marami pang iba.

Sa aking palagay ay napakahalaga talaga na pag-aralan ang mga akda na


nagmula sa Mediterranean dahil napakadaming aral an gating pwedeng makuha sa
mga akdang nanggaling ditto. Sa mga akdang ito ay ang maaari nating maging gabay
para maabot an ang ating mga pangarap. Mahalaga din itong pag-aralan dahil makikita
din natin dito na mayroon pala tayong mga tradisyon at kultura na kaparehas sa kanila
dahil sa kanila ito nagmula na atin lamang naisabuhay. Ang iba pa sa aking palagay ay
mahalagang pag aralan ito dahil ang mga akda at kwento na mayroon dito ay maari din
nating gawing libangan dahil sa aking pag babasa ng mga aral ditto ay aking kinatuwa
ang pagbabasa dito. Lalong lalo na sa mga aral na natututunan ko dito.

You might also like