Professional Documents
Culture Documents
chuwariwap na group activity bilang isa sa golden eggs sa UAAP, maging sa kanya-kanyang
kampus ng mga cheerdancer.
Ang invisible hand ng korporasyon sa UAAP ay hindi naman hiwalay sa unang national telecast
sa cheerdancing competition noong 1997 ng sports cable channel na ESPN sa U.S. Hindi
malayo ang penomenal na pag-unlad dito, at sa bansang nag-imbento nitong sports, na mayroon
na raw 1.5 milyong kalahok na siya pa ring benchmark sa tinatayang 100,000 na kalahok sa labas
ng U.S.
Ang kakatwa, ang first-tier na pamantasan sa Metro Manila at bansa (ang mga kasapi ng UAAP)
ang nagpapasimuno ng penomenal na pagkatanyag ng cheerdancing competition. Na tila coterminus sa edad na sistematikong budget cuts sa SUCs (state colleges at universities, kahit pa
U.P. lang ang SUC sa amalgamasyon ng tertiary educational institutions sa UAAP), at ang edad
ng pinakamataas na matrikula sa pribadong pamantasan.
Sa presentasyon ng mga team sa cheerdancing, nahihirapan pa rin sa adaptasyon ng sports sa
anumang lokal o pambansang kontexto, kahit pa ng 2012 ay may pinakamalawak na
pagtatangka: freedom and equality ng U.P., mala-Maori warrior ng De La Salle University,
environmental ng Far Eastern University, flower festival ng University of Santo Tomas, at
komedya o brass band na costume ng University of the East.
Kung iisipin ito ang mimicry (panggagaya) na may tinatangkang lokal na idioma pero
nakaangkla pa rin sa unibersalismong mga tema. At sa pinaka-ethereal sa lahat ng pormang
sining, ang sayaw at sa tambal nito sa sports, pati na rin syensya, ay umuuwi ang presentasyon sa
lalong abstraksyon ng panggagaya sa egalitarianistang lenggwahe. Samakatuwid, ang
itinatanghal ay ang variasyonsa buzz themes ng kapitalismo, tulad ng good governance,
heritage building, corporate social responsibility, social advocacy at iba papati ang manakanakang subersyon sa mga ito.
Sa isyu ng tertiaryong edukasyon, ito rin ang ethos ng individual at sektoral na panggagaya sa
globalisasyon ng pribatisadong publikong serbisyo, at ang kahandaan nitong henerasyon ng
kabataanpati na ang kanilang mga magulangna kanya-kanyang pondohan at tustusan ang
pag-aaral, pati na itong manaka-nakang adbentura sa economically viable sports program, at iba
pang inaakalang socially empowering na karanasan.
Nagtagumpay, kahit pa sa aking palagay ay limitado pa rin kahit angat sa kahanay nito, ang U.P.
Pep Squad dahil sa tangka na idiin ang icon ng Oblation, pero hindi ang pagiging skolar ng
bayan, at ng gender equality, pero hindi ang class equality at akses sa mismong edukasyon sa
kanyang pagtatanghal. At iniisip ko, Ito na ba? Na ang tiket na papel ay may inaakalang halaga
at pagpapahalaga na katumbas ng ginto?