Professional Documents
Culture Documents
Noli Me Tangere
Noli Me Tangere
Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit na popular sa taguring Kapitan Tiago.
Ang handaan ay gagawin sa kanyang bahay na nasa Kalye Anloague (na ngayo'y Kalye Juan Luna) na karatig ng Ilog
Binundok. Ang paayaya ay madaling kumalat sa lahat ng sulok ng Maynila. Bawat isa ay gustong dumalo sapagkat ang
mayamang Kapitan ay kilala bilang isang mabuting tao, mapagbigay at laging bukas ang palad sa mga nangangailangan.
Dahil dito, ang iba ay nababalino kung ano ang isusuot at sasabihin sa mismong araw ng handaan. Nang gabing iyon dagsa
ang mga panauhin na gaya ng dapat asahan. Puno ang bulwagan. Ang nag-iistima sa mgta bisita ay si Tiya Isabel, isang
matandang babae na pinsan ng may-bahay. Kabilang sa mga bisita sina tinyente ng guardia civil, Padre Sibyla, ang kura
paroko ng Binundok, si Padre Damaso na madaldal at mahahayap ang mga salita at dalawang paisano. Ang isa ay kararating
lamang sa Pilipinas. Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa mga asal ng mga katutubong Pilipino.
Ipinaliwanag niya na ang pagpunta niya sa bansa ay sarili niyang gastos. Ang pakay ng kanyang paglalakbay ay upang
magkaroon ng kabatiran tungkol sa lupain ng mga Indiyo. Nagkaroon ng mainitang balitaktakan ng mabanggit ng dayuhan
ang tungkol sa monopolyo ng tabako. Nailabas ni Padre Damaso ang kanyang mapanlait na ugali. Nilibak niya ang mga
Indiyo. Ang tingin niya sa mga ito ay hamak at mababa. Lumitaw din sa usapan ang panlalait ng mga Espanyol tungkol sa
mga Pilipino noong mga nakalipas na araw. Mapanlibak si Padre Damaso. Kung kayat iniba ni Padre Sibyla ang usapan.
Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang bayan ni Padre Damaso pagkatapos ng makapagsilbi sa loob ng 20
taon bilang kura paroko ng San Diego. Sinabi niya kahit na ang hari ay hindi dapat manghimasok sa pagpaparusa ng
simbahan sa mga erehe. Pero, ito ay tinutulan ng Tinyente ng Guardia Civil sa pagsasabing may karapatan ang Kapitan
Heneral sapagkat ito ang kinatawan ng hari ng bansa. Ipinaliwanag pa ng tinyente ang dahilan ng pagkakalipat ni Padre
Damaso. Ito, umano ang nag-utos na hukayin at ilipat ang bangkay ng isang marangal na lalaki na napagbintangang isang
erehe ng pari dahil lamang sa hindi pangungumpisal. Ang ginawa ay itinuturing sa isang kabuktutan ng Kapitan Heneral.
Kung kaya inutos nito ang paglilipat sa ibang parokya ang paring Pransiskano bilang parusa. Nagpupuyos sa galit ang pari
kapag naaalala niya ang mga kasulatang nawaglit. Iniwanan na ni Tinyente ang umpukan, pagkatapos nitong
makapagpaliwanag. Sinikap ni Padre Sibyla na pakalmahin ang loob ni Padre Damaso. Lumawig muli ang talayan. Dumating
ang ilan pang mga bagong panauhin. Ilan sa mga ito ay ang mag-asawang sina Dr. de Espadaa at Donya Victorina.
ang kanyang sarili sa mga nanduruong kamukha niyang panauhin. Ang mga babae ay hindi umimik sa kanya. Ang mga lalaki
lamang ang nagpapakilala rin sa kanya. Nakilala niya ang isang binata rin na tumigil sa pagsusulat. Malapit ng tawagin ang
mga panauhin para maghapunan, nang lumapit si Kapitan Tinong kay Ibarra para kumbidahin sa isang pananghalian
kinabukasan. Tumanggi sa anyaya ang binata sapagkat nakatakda siyang magtungo sa San Diego sa araw na naturan.
Estudios Coloniales ang tungkol sa isang pakpak at leeg ng manok na naging sanhi ng alitan sa salu-salo; ang may handa ay
walang silbi sa isang piging at ang hindi dapat pagpapaaral ng isang Indio sa ibang lupain.
bahay sa kabila ng ilog. Naririnig niya ang kalansing ng mga kubyertos at pinggan. Dinig din niya ang tugtugin ng orkestra.
Kung nagmasid lamang ng husto sabahay na iyon si Ibarra, makikita niya kung sinu-sino ang naroroon. May isang
magandang binibini na nababalot ng manipis na habi,may suot na diyamante at ginto. Sa likuran naman may mga anghel,
pastol at dalagang nag-aalay ng bulaklak. Ang mga umpukan naman ng mga Kastila, Pilipino, pari, intsik, militar ay nakatuon
lahat sa kagandahan ni Maria Clara. Giliw na giliw silang nakatingin sa dalaga, maliban sa isang batang Pransiskano na payat
at putlain. Iba ang kanyang nadarama. Si Pari Sibyla ay siyang-siya sa pakikipag-usap sa mga dilag samantalang si Donya
Victoria ay matiyagang inaayos ang buhok ng dalagang hinahangaan ng lahat. Dahil sa pagal ang isip at katawan ni Ibarra sa
paglalim ng gabi, madali siyang nakatulog at nagising kinabukasan. Ang tanging hindi inabot ng antok ay ang batang
Pransiskano.
na pagsusuyod ng kanyang tingin, napansin niya na walang ipinagbago ang punong Talisay sa San Gabriel. Ang Escolta
naman sa tingin din niya ay lalong pumangit. Nakita din niya ang mga magagandang karwahe na ang mga sakay ay mga
kawaning inantok pa sa kanilang mga pagpasok sa mga tanggapan at pagawaan, mga tsino at paring walang kibo. Sa mga
paring nakasakay sa mga karwahe, namataan niya si Pari Damaso na nakakunot-noo. Si Kapitan Tinong nuon na kasama ang
asawa at dalawang anak na babae at nakasakay sa ibang karwahe ay binati si Ibarra. Napadaan din siya sa Arroceros (ngayon
ay C.M. Recto) sa bahaging kinalalagyan ng pagawaan ng tabako. Naalala niya na minsan na siyang nahilo dahil sa
masamang amoy ng tabako. Nang madaan siya sa Hardin Butaniko saglit na napawi ang kanyang mga magagandang gunita.
Pumasok sa kanyang isip na ang hardin sa Europa ay nakakaakit at nakapag-aanyaya sa mga ito upang iyon ay malasin.
Itinuon niya ang tingin sa malayo at makita niya ang matandang Maynila na naliligid ng makakapal at nilumot ng mga pader.
Ang pagkakapatingin niya sa Bagumbayayn ay nagpabangon sa bilin ng kanyang naging guring pari bago siya tumulak sa
ibang bansa. Ang bilin ng pari ay (1) Ang karunungan ay para sa tao, ngunit ito ay natatamo lamang ng mga may puso
lamang. (2) Kailangang pagayamanin ang karunungan upang maisalin ito sa mga susunod na salin-lahi at (3) ang mga
dayuhan ay nagpunta sa Pilipinas upang humanap ng ginto. Kung kayat nararapat lamang na puntahan ang lugar ng mga
dayuhan upang kunin naman ni Ibarra ang ginto nila (dayuhan).
Ang San Diego ay isang karaniwang bayan sa Pilipinas na nasa isang baybayin ng isang lawa at my malalapad na bukirin at
palayan. Karamihan sa nakatira rito ay mga magsasaka. Dahil sa kanilang kamangmangan, ang mga inaaning produkto
agrikultura ay naipagbibili nila ng murang-mura sa tsino. Mula sa pinakamataas na bahagi ng simboryo ng simbahan, halos
natatanaw ang kabuuan ng bayan. Sa may itaas na bahagi, may kubo na sadyang itinayo. Gayunman, mapapansin sa
pagtanaw sa kabuuan nito ang isang tila pulong gubat na nasa gitna mismo ng kabukiran. Kagaya pa ng ibang bayan sa
Pilipinas, ang San Diego ay mayroong itinatagong alamat. May isa umanong matandang kastila na dumating sa bayan. Ito ay
matatas magsalita ng tagalog at nanlalalim ang mga mata. Binili niya ang buong gubat. Ang mga pinambayad niya ay mga
damit, alahas at salapi. Hindi nagtagal ang matanda ay nawala. Isang araw ang mga nagpapastol ng kalabaw ay nakaamoy ng
masangsang na amoy. Hinanap nila ang pinanggalingan ng amoy at nakita nila ang nabubulok na bangkay ng matanda na
nakabitin sa isang puno ng baliti.
Dahil sa pagkamatay ng matanda, lalo siyang kinatakutan sapagkat nung nabubuhay pa siya, takot na takot sa kanya ang mga
babae sa pagkat bahaw ang tinig nito, paimpit kung tumawa at malalalim ang mga mata. Sinunog ng ilan ang damit na galing
sa matanda at ang mga hiyas naman ay tinapon sa ilog. Hindi nagtagal, isang batang mistisong kastila ang dumating at
sinabing siya ang anak ng namatay. Ito ay may pangalang Saturnino. Siya ay masipag at mapusok. Sininop niya ang gubat. Sa
kalaunan, nakapag-asawa siya ng isang babaeng taga-Maynila at nagkaroon ng anak na tinawag niyang Rafael o Don Rafael,
na siyang ama ni Crisostomo. Si Don Rafael ay hindi malupit bagkus siya ay mabait. Ito ang dahilan kung bakit kinagiliwan
siya ng mga magsasaka. Napaunlad niya ang lugar, mula sa pagiging nayon. Ito ay naging bayan. Nagkaroon ng isang kura
Indiyo. Pero, nang namatay si Padre Damaso na ang pumalit at naging kura pareho ng bayan.
kanyang kalagayan na ipinahukay ang isang bangkay na may 20 araw pa lang nalilibing sa gitna ng kadiliman ng gabi,
kasalukuyang bumubuhos ang malakas na ulan at namatay ang kanyang ilaw ay lalo siyang mandidiri at kikilabutan ang
buong katawan.Ang bangkay anya ay kailangang pasanin at ilibing sa libingan ng mga intsik. Gayunman, dahil nga sa
malakas ang buhos ng ulan at kabigatan ng bangkay, minarapat na lamang na itapon niya ito sa lawa. Ito ay dahil sa utos ng
malaking kura na si Padre Damaso.